Mapanghusgang mga tao
Kung makapanglait todo
Akala’y buhay perpekto
Na namumuhay sa mundo
Bakla, salot walang kwenta
Kung tratuhin ay basura
Yan ang lagging ipinamumukha
Magulang man o sa iba
Hindi tanggap sa lipunan
Inaapi’t inalipin
Sa iba’y hindi malulon
Dahil o kilos ang batayan
‘Yan ba talaga ang gusto
Manira ng pagkatao?
Sila’y tao rin sa mundo
Nais magpakatotoo
Wag mapanghusga sa anyo
Dahil ang gusto lang nito
Ay ang magpakatoto
Ngunit mali nga ba?
Comments