Hindi ako espesyal
Ngunit sobra niya akong minahal
Sing init ng tubig na kumukulo ang kanyang pagmamahal
Hindi ko lubos maisip kung bakit
Ngunit ramdam ko sa bawat yakap niyang mahigpit
Nais ko siyang makita
Ngunit wala akong magawa
Hindi ko man siya nakikita,
Alam ko sa aking mga mata na wala siyang katulad sa iba
Siya ang noon, ngayon, at ang aking bukas
Nagkamali man ako ng maraming beses
Pagpapatawad niya'y parang tubig na lumalagaslas
Walang tigil at walang katapusan
Sa bawat tiktak ng orasan
Naaalala ko kung paano ka nahirapan at nasaktan
Sa krus ng kalbaryo sarili mo'y isinakripisyo
Upang mailigtas ang buong mundo
Ang iyong awa ay hindi masukat-sukat Ni hindi matimbang kung gaano kabigat Kaya't pasasalamat ay sayo nararapat Hesus, aming Diyos ika'y sapat Ang iyong awa at pagmamahal ay tunay at tapat
Comments