top of page

“Kahapong Nakalipas” ni Jairah S. Yu

Writer's picture: HUMMS AHUMMS A

Nagdaang mga araw at mga gabi Sa bawa”t oras na kayo’y nasa ‘king tabi Araw na di kailanman malilimutan Mga kaibangang di kailanman mapapalitan.

Sobrang galling sa tuksuan at asaran Pero hinding-hindi ka pababayaan. Para sa akin kayo’y isang biyaya Ipinagkaloob sa’kin ng may pala.

Hirap ng buhay kayo’y aking karamay Sama-sama, kapit bisig, kapit-kamay. Mga ngiti sa labi ng bawat isa Kahapong nakalipas aking ninanasa

Hanghad ko tayo ay magsama muli Pagbigyan man lang kahit kunting sandal Hiling ko sana hindi ito ipagkait Mawalay sa piling niyo’y napakasakit

Mga ibinahagi niyong alaala Kailanma’y di ito ibabalewala Memorya nating nasa larawang kupas Mananatili, kahapong nakalipas.

36 views0 comments

Recent Posts

See All

“Mali Nga Ba” Ni: Jimuelle B. Niluag

Mapanghusgang mga tao Kung makapanglait todo Akala’y buhay perpekto Na namumuhay sa mundo Bakla, salot walang kwenta Kung tratuhin ay...

Comments


© 2023 by Christine Jay Ancog Proudly created with Wix.com

bottom of page