top of page

"Kahirapan Laban sa Salot ng Lipunan" ni Jairah S. Yu

Writer's picture: HUMMS AHUMMS A


Ang dami ng mahihirap Bakit ba may mga korap? Sila ba'y may kinalaman? Kahirapan sa lipunan

Ang paligid ay pagmasdan Ang raming musmus sa daan Mga kumukulong tiyan Hiling sana ay pagbigyan.

Sila ay anak sa pawis Buong buhay ibubuwis. Patuloy sa pagdudusa May mabunot lang sa bulsa.

Pag-unlad ng lipunang 'to Mabagal pa sa segundo. Problema'y kaliwa't kanan Tila tinik sa lipunan.

Dapat lahat magkaisa Sama-sama, isang masa Pugsain ang kahirapan Pati salot sa lipunan.

571 views0 comments

Recent Posts

See All

“Mali Nga Ba” Ni: Jimuelle B. Niluag

Mapanghusgang mga tao Kung makapanglait todo Akala’y buhay perpekto Na namumuhay sa mundo Bakla, salot walang kwenta Kung tratuhin ay...

Comments


© 2023 by Christine Jay Ancog Proudly created with Wix.com

bottom of page