Pansinin ang kalikasan
Tuklasin ang kayamanan
'Wag na 'wag 'tong hayaang
Bitawan ang kagandahan
Ngunit ang tubig ay tingnan
Ilog sa kamaynilaan
Ginawa ng basurahan
Bulong ng alon pakinggan
Lahat ay nakita ng buwan
Mga puno at halaman,
Buto't balat na kung tingnan
Dating ngiti ay nasaan?
Kamay ng sangkatauhan
Ang siyang nagiging dahilan
Pera kinasisilawan
Binalot ng kasakiman
Saksi at nalungkot ang buwan Poot ang nararamdaman Ang ganti ng kalikasan Ay hindi mapipigilan
Commentaires