top of page

"KINSE ANYOS" ni: Danica Pagapong

  • Writer: HUMMS A
    HUMMS A
  • Mar 16, 2018
  • 1 min read

Naalala mo pa ba

noong tayo ay bata pa?

Palagi tayong magkasama tuwing piyesta

Dahil ito ang panahon na tayo ay magkikita.


Palagi tayong nag kukulitan,

Nagbibiruan at nag haharutan.

Kasama ang ibang pinsan sa galaan,

Tapos dadating ang araw ng paglisan.


Napawi ang tawanan

At nahinto ang kulitan.

Uuwi na ako sa aming tahanan

Na sobrang layo ang distansyang nakapagitan.


Pero dumating ang araw na ikaw na ang lilisan

Papunta sa lugar na karagatan ang namamagitan.

Ang pamilya mo ay iyong iiwan

Sa Maynila ikaw ay makikipagsapalaran.


Sa pagdating mo doon ikaw ay masaya,

Ngunit minsan ay nag-aalala.

Sa mga magulang mo ay nangulila,

Naisip mo kung sila rin ba ay masaya.


Sinubok ka ng kapalarang kay lupit,

Ikaw ay nagkasakit.

Umuwi ka ng Bohol

Upang ang pagpapagaling ay igugol.


Masaya kami dahil ikaw ay sumigla,

Ngunit isang araw kami ay nabigla.

Ang sakit mo ay lumala,

Sa labis na pag-aalala, sa ospital ikaw ay dinala.


Araw-araw ikaw ay nasa aking harapan,

Tumutulo ang luha ko habang ika’y pinagmamasdan.

Nakikita kong ikaw ay nahihirapan

Ngunit pinipilit mong lumaban.


Dumating ang pinakamasakit na sandali,

Mahal kong Pinsan, bakit ka nagmadali?

Bakit hindi mo kami pinili,

At sa aming piling ay manatili?


Napakasakit man ang iyong paglisan,

Ngunit ang lungkot ay kailangang bawasan.

Dahil alam namin na ikaw ay nasiyahan,

Sa Kinse Anyos mo dito ay puno ka ng kaligayahan.

Recent Posts

See All

Comments


© 2023 by Christine Jay Ancog Proudly created with Wix.com

bottom of page