![](https://static.wixstatic.com/media/7fed52_ac3fec3d004c4a1e987cbfc8676a7c48~mv2.jpg/v1/fill/w_251,h_201,al_c,q_80,enc_avif,quality_auto/7fed52_ac3fec3d004c4a1e987cbfc8676a7c48~mv2.jpg)
Dati pa ay hinaharap
Kahirapang lumaganap
Na para bang sumpa sa'tin
Kakulangan sa pagkain
Mapadpad man kahit saan
Hindi maipagkaila
Ang bakas ng kahirapan
Na ating tinatamasa
Parang isdang lumangoy
Sa tubig ng kahirapan
Hanggang dito lang ba tayo?
Susuko't di na lalaban
Kung nasa sa'tin man lang din
Sagot sa mga dalangin
Hali na't tayo'y bumangon
Harapin lahat ng hamon
Kailanga'y sipag at tyaga Hindi lang puro salita Upang ating matamasa Sarap ng ating nilaga.
Comments