“Mahal Kong Ama't Ina” Ni: Jonnah Mae Tuades
- HUMMS A
- Mar 16, 2018
- 1 min read
Updated: Mar 17, 2018

Ang buhay ko ay puno ng karanasan
Mula pagkabata hanggang sa lumaki
Ngunit nagpapasalamat pa rin ako
Dahil nakakaya ko paring harapin
Hanggad ay maayos na kinabukasan
Para sa hinaharap ay di maghirap
Maaaring matupad ko ito lahat
Kung maglalaan ako ng tamang oras
Buhay ko'y wala pang kasiguraduhan
Kaya nga ngayon pinagsisikapan
Sa diyos, ako'y humihingi ng gabay
Para sa aking mahabang paglalakbay
Aking ama't ina, salamat sa lahat
Dahil sa inyo ako'y nakapag-aral
Gagawin lahat mapabuti lang kayo
Nang ako naman ang tutulong sa inyo
At sa aking matiyagang ama't ina
Salamat sa matiyagang sakripisyo
At sa inyong walang sawang pagmamahal
Utang ko ang aking buong buhay sa inyo
Comments