![](https://static.wixstatic.com/media/7fed52_159fdb5356474082bcf8216c46b37a0c~mv2_d_2048_1542_s_2.jpg/v1/fill/w_980,h_738,al_c,q_85,usm_0.66_1.00_0.01,enc_auto/7fed52_159fdb5356474082bcf8216c46b37a0c~mv2_d_2048_1542_s_2.jpg)
Kabataan ang pag-asa,
sa mabulaklak na landas
na walang gamit na dahas
nang umunlad ating bansa.
Ating ilaw ng tahanan
at haligi ng tahanan,
sila’y kinakailangan
upang anak magabayan.
Sa ‘di inaasahan,
pangaral nakalimutan
at dahil sa katigasan
sinapupunan may laman.
Araw-araw, gabi-gabi
sandigan ‘di mapakali,
sarili ang sinisisi
‘di matanggap sa sarili.
Sa susunod na hakbang tandaan at pag-isipan, huwag mong kakalimutan pangaral ng ‘yong magulang.
Comments