top of page

"Paghanga Nga Ba?" Ni Karen Mae Gabi

Writer's picture: HUMMS AHUMMS A

Unang araw kang nakita Hawak mo ay gitara Puso'y tumalon sa saya Nang simulan ang pagkanta

Balhibo'y tumayong bigla Sa hindi inaakala Mata'y natunaw na pala Natigil rin ang paghinga

Bawat tugtog ng gitara Bawat mensahe ng kanta Makikita sa'yong mata Ang saya na nadarama

Labis ang aking paghanga Paghanga sa kung ano ka Pati na rin sa musika Na alay mo sa May-likha

Masaya pag nakita ka Mansanas ng aking mata Boses sing tamis ng mangga Abot sa ulap ang saya

Dinggin mo'ng bulong ng mata Wala kang katulad sa iba Ang mala-anghel mong mukha Sa isip di mawawala

Kahit biro ng tadhana 'Di pipigil sa nadama Hay nako, ewan ko nga ba, Paghanga? O pag-ibig na?

96 views0 comments

Recent Posts

See All

“Mali Nga Ba” Ni: Jimuelle B. Niluag

Mapanghusgang mga tao Kung makapanglait todo Akala’y buhay perpekto Na namumuhay sa mundo Bakla, salot walang kwenta Kung tratuhin ay...

Comments


© 2023 by Christine Jay Ancog Proudly created with Wix.com

bottom of page