Hindi mahulugang karayom ang naka kulay berde
ako’y namangha sa kanilang gawa,
kaya ako na may gatas pa sa labi
sa paglaki’y gustong gumaya.
Pagdaan ng mga araw, ako’y nailawan,
aking naalala ang mga naka berde
tinatanong ko sa aking sarili,
ano ba sila? ako’y hindi mapakali
Kaya ako’y nagtanong upang malinawan.
Kinabukasan pagpasok sa paaralan
Binungad ko ng tanong ang aking kaibigan,
at sa sinabi niya, abot langit ang aking nadama.
Aking pinasasalamatan.
Dahil sa tulong ng aking kaibigan
ako’y nabigyang kalinawan,
sila pala ang mga babaeng may mga paninindigan.
Kaya ngayong, “I stand for Girls” Ako’y sumali at nanindigan, Minahal ko ng buong-buo At ang pagiging Girl Scout ay nakatatak na sa aking puso.
コメント