Masama bang ako'y mag-ilusyon?
Pangarap ko'y ikaw ay makamtan
Kapag ikaw ay nasisilayan
Ang puso ko'y parang dinuduyan
Isang araw, napansin mo ako
Para akong nanalo ng lotto
Ika'y nagpakilala sa akin
At tayo'y naging magkaibigan
Araw-araw kitang nakikita
Madalas din tayong magkasama
Dulot sa ating pagkakaibigan
Ito'y nauwi sa pag-iibigan
Sobrang saya ng ating relasyon
Pagmamahal ay ating pundasyon
Madalas ay ako'y iyong sinusorpresa
Pero pagmamahal mo'y sapat na
Araw,buwan,taon ay lumipas
Ang pag-ibig mo'y biglang kumupas
Bakit ba ako ay apektado?
Dahil ba puso natin konektado?
Tanggap ko ang aking pagkatalo Nang minsa'y pansin mo ako'y nanalo Kahit kapalit ay masaklap Salamat at ika'y pinangarap.
Comentários