Mga landas na matinik
ngayo’y tingala sa langit.
Mga taong ‘di umimik,
nagdusa pait at sakit.
Tao’y ‘di kayang lumaban,
pagkat ‘di napaghandaan
mababangis na kalaban
na abot ay kamatayan.
Gawa’y tila isang laro,
na naghahagis ng dugo.
‘Di inisip mga puso,
nadudurog dumurugo.
Kahit hinihila’ng dila, ‘di nawalan ng pag-asa. Tumayo sa mga paa naniniwala kay Alah!
Comments