top of page

"Sila ang aking Inspirasyon" ni Kevin Mondia

  • Writer: HUMMS A
    HUMMS A
  • Mar 16, 2018
  • 1 min read

Sila ang dahilan kung bakit ako, Nabubuhay na masaya sa mundo; Sila ang pinagkukunan ng lakas, Na kahit kalian di magwawakas;

Alam ko pamilya naming di perpekto, May panahon na di magkakasundo; Ngunit aga naman nalulutasan, Dahil pamilya kaming nagmamahalan;

Sila ang aking inspirasyon, Kaya ako’y bumabangon; At hinaharap ang mga hamon, Nang buhay kung katulad ng alon;

Ama,ina at kuya, Salamat sa inyong suporta; Sa aking pag-aaral, Kayo ang aking parangal;

Hindi ko gusto na kayo, Ay mawalay sa piling ko; Dahil diko kayong harapin ang buhay, Na wala kayong umalalay;

Masigasig kong ipinakilala ang aking pamily, Na kahit may maraming problema; Ay patuloy na nagkakaisa, Na kalian may di magigiba;

Sila ay mahal ko, At akoy taos pusong nagngangako; Na di kayo mawawala sa aking puso, Kahit gaano pa kalakas ang unos at bagyo;

Mahalin mo ang iyong pamilya, Hanggang nasa tabi mo pa; Upang pagdarating ang araw at sila’y bawiin, Di ka magsisi at patuloy mo silang iibigin.

Recent Posts

See All

Comentarios


© 2023 by Christine Jay Ancog Proudly created with Wix.com

bottom of page