![](https://static.wixstatic.com/media/7fed52_54e43123df4b45bba8ce3463da5b6280~mv2.jpg/v1/fill/w_980,h_784,al_c,q_85,usm_0.66_1.00_0.01,enc_auto/7fed52_54e43123df4b45bba8ce3463da5b6280~mv2.jpg)
Buwan na ng Pebrero , nag-uumapaw na naman ang pag ibig, nagkalat na din ang mga bagay na korting puso sa buong campus , at butas na naman ang bulsa ng mga lalaki ngayon. Pero ang kolehiyalang si Amethyst walang pakialam sa mga nangyayari sa paligid niya , mas tinututunan pa niya ng pansin ang kanyang thesis na malapit na ang deadline na isa sa mga requirement para siya'y maka graduate. Sa gitna ng kanyang konsentrasyon may biglang bumulabog sa kanya , " Am , ano ka ba , tigilan mo muna yan, magpahinga ka muna , tingnan mo ang paligid punong-puno ng pag-ibig", saad ng kanyang kaibigan na si Cassandra . Ngunit bigo si Cass na kumbinsihin si Am kaya nagpasya nalang itong umalis, at iwan ang kanyang kaibigan.
Samantala nakaramdam ng gutom si Am kaya napagdesisyonan niyang pumunta sa kantina. Habang nilalakbay niya ang daan papunta sa kantina , nadada-anan niya ang mga nagtitiliang mga babae dahil sa mga sorpresa ng kanilang mga kasintahan. Napasinghap nalang si Am habang tinitingnan ang mga magkakasintahan.Bigla niyang natanong ang kanyang sarili" kailan kaya ako magkakaboyfriend?"Sa kabilang parte naman ng utak ni Am may nagsasabing" wag yang pagboboyfriend ang isipin mo. Isipin mo kung paano mo matutulungan ang nanay mo". Parang sira si Am habang naglalakad. At di niya namalayan na nakarating na pala siya sa kantina.
Maraming tao sa kantina sa mga oras na yun. Kaya di maiwasang may nagkakabanggaan. Ok lang naman kay Am yun, kasi nasanay na siya. Pero may nakakuha talaga ng atensyon ni Am, ito ay ang lalaki na bumangga sa kanya na malakas na kamuntik na niyang ikatumba " tumingin ka naman sa dinadaanan mo! hindi to karerahan kantina to hoy!!" pasigaw na sabi ni Am. Kumaripas pa din ng takbo ang lalaki at hindi alam ni Am kung narinig ba ng lalaki ang sinabi niya. May lalaki namang kumausap sa kaniya "Miss pagpasensiyahan mo na yung kaibigan ko ", ani ng lalaki, sinagot naman siya ni Am " kaibigan mo yun? pagsabihan mo namang magdahan-dahan". "Sorry talaga miss" ang sabi ng lalaki. Umalis na din ang lalaki. Nawalan na ng ganang kumain si Am kaya napagdesisyonan niyang maglibot libot nalang.
Ambilis ng panahon , Marso na , di maitago ni Am ang pagka excited sa buwang ito, ang buwan na pinakahihintay niya , ang buwan kung saan siya'y magtatapos. "Am anong plano mo pagkagraduate natin", tanong ni Cass kay Am "Maghahanap muna siguro ako ng trabaho para may pang review ako sa darating na board exam" , sagot ni Am kay Cass "Ayy hindi ka ba mag tatrabaho o ano? Ienjoy mo muna ang buhay bago ka magtrabaho", sabi ni Cass " Mayaman ka kasi kaya di mo na iniisip ang pagtatrabaho", sabi ni Am
Sa gitna ng kanilang pag-uusap biglang tumunog ang tiyan ni Am. Kaya napag pasiyahan ng magkakaibigan na pumunta sa kantina . Nang makapag order na sila ng pagkain, humanap na sila ng mauupuan at saktong may bakante . Kaya ayon sinimulan na nilang lapangin ang pagkain. Habang nilalasap nila ang pagkain . May biglang umistorbo sa kanila. "Ah mga miss pwede ba kaming maki upo ?wala na kasi kaming makitang bakante ng kaibigan ko eh" sabi ng lalaki. Tumango na lang ang magkakaibigan , pinagpatuloy na ni Cass ang pagkain . Habang si Am naman ay tinititigan ang dalawang lalaking naki -upo sa kanila . Pamilyar kay Am ang isa sa dalawang lalaki , at inisip niya talagang mabuti kung saan at kailan niya nakita ang lalaki, at ng matandaan niya ito" tama! Ikaw nga yung lalaking humingi sa akin ng pasensiya ng mabangga ako ng kaibigan mo dito rin yun sa kantina".
Napatingin ang dalawang lalaki kay Am pati narin si Cass. " Oo, tama ikaw nga yung babae , sorry talaga miss ha", sabi ng lalaki. "By the way ako nga pala si Lutt Kenneth tawagin mo nalang akong Luke, ito naman ang kaibigan ko si Zephyrus"." Ahh... siya yung kaibigan mong bumangga sa 'kin", sabi ni Am tanging tango lang ang sagot ni Luke " kung ganoon dapat siyang humingi ng tawad sa akin"dagdag na sabi ni Am. Tumingin naman sa kanya si Zephyrus at nagsabi ng "Sorry ". Nakatitig lang si Am kay Zephyrus habang nagsasalita ito, bigla siyang nakaramdam ng kakaiba , pero ipinagsawalang bahala niya lang ito . Litong lito naman si Cass sa mga nangyayari, at ang dami niyang tanong sa kanyang isipan. Ngunit binalewala niya lang ito at nagpatuloy na sa pagkain.
Madalas ng nagkakasabay kumain ang apat, at sinabi na rin ni Am kay Cass ang mga pangyayari kung bakit sila nagkakilala nila Luke. Sa dalas ng kanilang pagsasamang kumain parang nagkakamabutihan na sina Luke at Cass. Samantalang si Zeph naman parang hangin lang hindi nagsasalita, kung magsalita man sobrang tipid , na animo'y may bayad pag nagsalita.
Isang gabi habang abala si Am sa kanyang thesis may nag text sa kanya galing ito sa isang unregistered number kaya hindi niya lang ito pinansin. Patuloy pa rin sa pagtunog ang kanyang telepono kaya napagpasyahan niyang replayan ito ang sabi niya "sino to?" nag reply naman ito sa kanya Hi! Am siZeph to!". May namutawi na saya sa puso ni Am, pero ipinagsawalang bahala niya lang ito. Sa simpleng text na yun nag simula ang pagkakaibigan nila ni Zeph. At sa tuwing magkakasama silang apat hindi na rin parang hangin si Zeph , nakikipagkwentuhan at kulitan na din siya . Nawala naang dating Zeph. Pormal na ring humingi ng tawad si Zeph kay Am " Am sorry talaga ha , hindi ko talaga sinasadya na mabangga kita" sabi ni Zeph " kalimutan mo na yun, atsaka di naman ako napuruhan , ah matanong lang kita ba't ka ba tumakbo ng ganoon kabilis?" ,sabi ni Am . "Ganito kasi yun pagsisimula ni Zeph, may kasintahan ako plano kong sorpresahin siya sa darating na valentines, kaya bumili ako ng bulaklak at ng paborito niyang tsokolate.Pagdating ko sa kanilang silid wala siya roon kaya nagtanong ako sa kaklase niya, ang sabi nito nasa kantina raw ang kasintahan ko . Kaya dali-dali akong pumunta don kasama ko si Luke non. Nang makaabot na ako , nasorpresa ako sa nakita ko may nanghaharana sa kanya at sabi ng nangharana sa kanya Happy Valentines Mahal , nasaktan ako sa nakita ko kaya mabilis pa sa alas kwatro akong tumakbo kaya ayun nabangga kita ", sabi ni Zeph kay Am. Magkahalong lungkot at galit ang naramdaman ni Am pagkatapos niyang marinig ang kwento ni Zeph. "Zeph kamusta na kayo ng kasintahan mo?", biglang tanong ni Am kay Zeph ,sinagot naman siya nito "wala na kami " . Nakaramdam si Am ng saya sa kanyang puso pagkatapos marinig yon.
Mas naging malapit pa sa isa't-isa sina Am at Zeph at maging ang dalawa pa nilang kaibigan na sina Luke at Cass. Sabay sabay silang gumagawa ng mga alaala sa huling buwan nila sa kolehiyo. At di nagtagal sabay-sabay din silang apat na nagtapos. Nakapagtapos sina Am at Cass ng Education samantalang sina Zeph at Luke nama'y Business Management ang tinapos. Galak na galak ang lahat lalong -lalo na ang nanay ni Am na si Gng. Marites " Am , masaya ako't nakapagtapos kana , sigurado akong tuwang- tuwa ang tatay mo kung saan man siya ngayon . At matutulungan mo na rin ako sa pagtataguyod sa kapatid mo", sabi ng nanay ni Am. " Nay, salamat talaga dahil itinaguyod mo kami, kahit mag-isa ka lang, pangako po tutulungan kita", sabi ni Am sa kanyang nanay.
Ilang buwan matapos silang grumaduate nakahanap ng trabaho sina Zeph at Luke sa isang ahensya ng gobyerno. Sanggang dikit talaga ang dalawang na maski sa trabaho'y mag kasama. Si Cass naman ini-enjoy muna niya ang kanyangbuhay, hindi naman niya pinoproblema ang pagtatrabaho dahil may negosyo naman ang kanilang pamilya. Samantalang si Am nama'y pumasok muna sa pagtutor upang makag-ipon na gagamitin niya sa darating na board exam. Kahit na may kanya -kanyang buhay na ang apat hindi pa rin sila nawawalan ng komunikasyon sa isa't-isa . Lalong-lalo na sina Zeph at Am na mas lumalim pa ang kanilang pagkaka-ibigan.
Hanggang isang araw tumawag si Zeph kay Am magkita daw sila sa isang parke. Naguguluhan si Am kay Zeph pero sinunod pa rin niya ito." Zeph ano bang ginagawa natin dito? Bat tayong dalawa lang akala ko nandito sina Cass at Luke ", pambungad na tanong ni Am kay Zeph " Ah... Am, may sasabihin kasi ako sayo eh ", sabi ni Zeph "Ano ba yang sasabihin mo na kailangan pa talagang papuntahin mo ko dito sa parke, at bakit parang kinakabahan ka?" ,Sabi ni Am " Am gusto kita, gustong -gusto kita", sabi ni Zeph. Nawala saglit sa huwisyo si Am, at ng makabalik sinagot niya naman si Zeph " Zeph , hindi pwede hindi pa ako handa, tutulungan ko pa ang nanay at kapatid ko" "Am hihintayin kita hanggang sa maging handa ka na", sabi ni Zeph.
Isang taon na ang lumipas ng nagtapat ng pag-ibig si Zeph kay Am. Hindi pa rin siya pumalya sa panliligaw sa dalaga. Nakapasa't nakahanapna ng trabaho si Am patuloy pa rin sa panliligaw si Zeph, hindi daw niya susukuan si Am.
Sinabihan si Am ng kanyang nanay na maghanap na daw ito ng makakasama sa buhay total tapos naman daw niyang tulungan ang kanyang nanay . Oras na man daw na sarili niya naman ang isipin. Napag-isip isip si Am sa sinabi ng kanyang ina " Panahon na siguro na sarili ko naman ang atupagin ko, panahon na para sagutin ko si Zeph", sabi ni Am sa sarili.
Pero ang pangarap naiyon ay malabo ng matupad. Dahil sa pangyayaring hindi inaasahan ni Am. Isang araw habang namamasyal sila ni Zeph. Bigla nalang itong hinimatay . Nataranta si Am sa mga pangyayari buti nalang may tumulong sa kanila para dalhin si Zeph sa hospital.
Pagdating sa hospital agad na inasikaso si Zeph. Hinanap naman ng doctor ang mga magulang ni Zeph. Sinagot naman ito ni Am "Nasa ibang bansa po ang magulang ng boyfriend ko" . Dahil sa walang ibang kamag-anak si Zeph, kay Am nalang sinabi ng doctor ang masamang balita "Mam ang boyfriend niyo po'y may cancer , at sa kasamaang palad nasa terminal stage na po ito" sabi ng doctor. Gumuho ang mundo ni Am pagkadinig sa balita.
Isang buwan na ang lumipas magmula ng isugod si Zeph sa hospital. Isang buwan na rin siyang nakaconfine. Alam na rin ng magulang ni Zeph ang tungkol sa sakit niya kaya napauwi sa Pilipinas ang mga magulang niya. Si Am naman patuloy paring nagbibigay lakas kay Zeph, pagkatapos ng kanyang trabaho pupunta siya sa hospital, tapos uuwi sa kanilang bahay. Yan ang routine ni Am magmula ng maconfine si Zeph. Isang araw habang nasa kalagitnaan ng pagtuturo si Am, biglang tumunog ang kanyang telepono , unregistered number, kabadong sinagot niya ang telepono "Am , boses yun ng ina niZeph mas lumala pa ang kabog ng dibdib ni Am pagkarinig sa boses " Am wala na si Zeph". Nabitawan ni Am ang kanyang telepono pagkarinig sa balitang iyon.
Agad-agad na umalis si Am sa skwelahan na kanyang tinuturuan. Habang nakasakay sa taxi papuntang hospital nag-uunahang tumulo ang mga luha ni Am. Hanggang sa ito'y makarating sa hospital. Nang malapit na si Am sa kwarto ni Zeph, dinig na dinig niya ang iyakan, ng makapasok na siya kitang-kita niya ang malamig na bangkay ng kanyang minamahal. Nanlambot ang kanyang tuhod at bigla siyang napahagulhol " Zeph wag kanamang ganyan,wag mo naman akong iwan, di ba magpapakasal pa tayom magkakaanak pa tayo , di ba Zeph, Zeph wag mo kong iwan ", hagulhol na sabi ni Am.
Ilang araw matapos mamatay si Zeph inilibing na din siya kaagad. Sa kanyang libing nagpalipad ng puting lobo ang mga malapit sa buhay ni Zeph na may nakaipit na sulat sa tali nito tanda ng kanilang pag-alala sa kanya. Matapos ang libing bumalik kaagad ang mga magulang ni Zeph sa ibang bansa na may baong pangungulila buhat ng nangyari sa kanilang anak. Si Am naman di pa rin matanggap na wala na ang kanyang pinakamamahal, na wala na ang kabiyak ng kanyang puso, at higit sa lahat wala na ang taong kasama niya sanang tumanda.
コメント