top of page

"Munting Liwanag sa Dulo" Ni: Jimuelle B. Niluag

Writer's picture: HUMMS AHUMMS A

Sa tuwing naiisip ko ang mga kahapong ngadaan, natatawa na lamang ako sa sulok, na parang baliw na tumatawa na lamang mag-isa. Hanggang ngayon bitbit ko ang mga ala-alang hindi ko makakalimutan sa tanang buhay ko.

Hindi ko lubos maisip na nagawa ko ang lahat ng iyon.siguro’y bata pa ako noon. Walang kamuwang-muwang at musmos, na ang tanging hangad ay makapaglaro ng buong maghapon.

Itong pangyayaring ito ang pinakakaiingatan ko, dahil natuto ako at natutong mangarap sa buhay.

Umagang iyon, unang araw ng pasukan. Ayaw kong gumising dahil ayaw kong mag-aral. “Hoy! Gising na, unang araw ng pasukan ngayon”, sabi ng ate ko. Ngunit ayaw kong gumising dahil sa kadahilanang ayaw kong mag-aral. Para akong patay. Kahit gising nagtutulug-tulugan lamang. Nang si ina ang gumising. “ Ano ba!babangon ka o hindi?”, sigaw niya sa akin. “ Ayaw kong mag-aral mas gugustuhin ko na lamang na dito nalang ako sa bahay”, balik ko sa kanya. Nagalit siya at kinurot niya ako. “ Ayaw mo talaga, ha?”, pinalo niya ako. Iyak ng iyak ako sa mga panahong iyon, feeling ko iyon na ang aking katapusan.

Ito pa ang nakakatawa, sa araw din na iyon, pinapili ako ng ina ko. “ Ano ba ang gusto mo? Papasok ka sa paaralan o bubugbugin kita ng palo?”, galit na tanong niya. “ Ma, ayaw ko talagang mag-aral. Masgugustuhin ko na lang na bugbugin niyo na lang ako basta ayaw kong mag-aral”, sagot ko sa kanya habang tumutulo ang mga luha ko. Galit nag alit si ina, pinalo niya ako ng kahoy at ng maputol ang kahoy, kumuha na naman siya ng sinturon at iyon ang pinampalo niya sa akin.

Mahigit limang oras kaming nagtalo swa panahong iyon. Ewan ko ba kung bakit iyon ang sinagot ko. Basta ang nasa isip ko, ayaw kong mag-aral, dahil walang kwenta ang pag-aaral. At sa mga panahong iyon, para sa akin ang pag-aaral ay nakakairita sa ulo.

Nagdaan ang mga araw, galit pa rin ang aking ina. Pero para sa akinkahit galit si ina masaya pa rin ako dahil hindi ako nakapag- aral.

Mga pang-aalipusta ang narinig ko sa mga pinsan at kapitbahay. Minsa’y narinig ko ang sinabi nila tungkol sa akin. “ Yan si Imoy, walang mapupuntahan niyan sa buhay”, sabi ng isa. “bakla pa naman”, pamlalait pa ng isa. “Bobo yan”, sumbat pa ng isa. Sa mga panahong iyon nawalan ako ng tiwala sa sarli at naisip ko rin kaya galit si ina sa akin dahil ayaw niyang masaktan ang damdamin ko sa mga pang-aalipusta ng mga tao sa akin.

10 taong gulang napabarkada na sa mga batang kalye. Sa napakamurang edad natutong manlimos sa lansangan, natutong magnakaw, at naging palaboy. Napariwara sa buhay at di na nakikinig sa magulang.

Nalaman ng aking ama ang aking pinaggagawa, nag alit siya. “ Kaya ayaw mong mag-aral, dahil yan ang gusto mo”, sabi niya . “ Palaboy sa lansangan at nagnanakaw. Buhay pa kame ng ina mo”, sunod na sabi niya. “Ayaw kong mag-aral dahil iyon ang gusto ko”, sigaw ko sa kanya. “ Magsisisi ka rin!”, sabi niya na may pagbabanta ang boses.

Hindi ako nakatikim ng palo sa aking ama, ngunit ang kanyang mga sinabi ay masmasakit papala sa mga palo ng ina ko. Tumagos sa puso ko ang mga katagang sinabi niya sa akin.

Isang araw nakita ko ang grupo ng mga mag-aaral may dalang bag at kumpleto pa ang uniporme nila. Nainggit ako, dumating sa punto na naawa ako sa aking sarili. “ Papasok ako sa susunod na pasukan”, bulong ko sa sarili.

Siguro,y pang anim kong balik sa unang baiting. Hindi ibig sabihin na bulik ako dahil mahina ang utak ko, bumalik ako dahilan sa patigil-tigil sa pag-aaral.

Pasukan na. handang-handa na akong pumasok, nakahanda na rin ang mga gamit pa ra sa skwela. “ Handa kana?”, tanong ng ate ko. “ Handan a ako ate”, sagot ko sa kanya. “ Sana nama’y pang huli mo natong balik sa gr.1, at sana wag kanang tumigil”, sumbat niya sa akin. Hindi na lamang ako umimik at lumakad na lamang.

Ito na ang nakakahiya at nakakatawang isipin, ng dumating na ako papasok sa silid na papasukan ko matulis na tingin ang sumalubong sa akin. Narinig ko pa ang kanilang sinabi. “ Sino yan, kaklase ba natin yan?”, tanong ng isa. “ Siguro. Matanda na.”, sagot ng isa. Siguro’y tama nga sila, imagine, 11 years old gr. 1 parin. Nakakahiya talagang isipin.

Hindi na nga ako bumalik. Nagtuloy-tuloy na ang aking pag-aaral sa tulong na rin ng aking ate na siya ang nagpaaral sa akin sa mga panahong iyon. At tumakbo rin ako sa aming paaralan bilang Bise Presidenti ng paaralan at nanalo ako, baiting 5 ako; 15 years old. At sa panahong iyon may dumating na oppurtunidad para sa akin. May PEPT examination na ibinigay ang DepEd sa mga mag-aaral na hindi tama ang edad at isa ako sa kumuha ng pasulit. Matagal kong nakuha ang resulta. Tandang-tanda ko pa ang sinabi ng aking ina sa akin. “ Ang tunay na matalino makakapasa, pero ikaw, hindi ka matalino dahil hindi ka nakapasa”, sabi niya sa akin. Siguro’y tingin ng ina, bobo ako. Pero hindi ko inintindi ang kanyang sinabi, bagkus ginawa kong lakas ang masasakit na salita na galling s aka nila.

Tumongtong na nga ako sa baiting 6, ang saya-saya ko dahil sa wakas gagraduate narin ako. Natapos na ang 1st grading at hindi parin nakuha ang resulta sa PEPT. Inanunsyo ng aming guro ang mga mag-aaral na kabilang sa top 10 honor student at isa ako. “ Congrats Jim na sa pangalawang pwesto ka sa listahan, ang talino mo talaga kaya bilib na bilib ako sayo”, sabi ng kaibigan ko. “ Salamat ha, buti ka pa, bilib ka sa akin, magulang ko nga, hindi siguro ako pinagmamalaki”, sabi ko namay lungkot sa mga mata.

Masayang-masaya akong umuwi sa amin dala ang napakagandang balita at dala-dala ko ang aking ipinagmamalaking “card” at maipamukha sa kanila na kahit ganito ako, may maabot ako. Pero hindi pa ako dumating sa bahay alam ko na ang kanilang reaksiyon. Pinakita ko ang “card”. “Ma, tingnan niyo ang aking marka.”, sabi ko na may pagmamalaki sa sarili . “ Ang taas, timgnan niyo”, sabi ni ina. Tumingin ang aking mga pinsa at kapatid. “ Ano bay an, Malaki nga ang marka, bakla naman, ang bakla hindi makakapasok sa langit kahit malaki pa ang marka mo dito sa lupa”, panlalait ng ate ko. Hindi ko napigilan ang aking saeili. “ Ano ba ang problema sa pagiging bakla?”, tanong ko sa kanya. “ Nakakadiri’t salot sa lipunan ang pagiging bakla”, sagot niya sa akin. “ Ang sabihin mo lang nagseselos ka, dahil maliit ang marka ng mga anak mo, at kahit bakla ako may mararating ako sa buhay, kaya ibahin mo ako.”, balik ko sa kanya.

Simula palang bakla na talaga ako, mga kalaro ko halos lahat babae o di kaya’y katulad koring bakla. Nagdaan ang mga araw. Humingi ng tawad ang ate ko, at pinatawad ko rin siya dahil sa isip ko, ano man ang mangyari, kapatid ko siya at ate ko siya.

Kinabukasan din na iyon. Nakuha ng aking kaklase ang resulta ng PEPT examination at sa awa ng Diyos, isa ako sa nakapasa sa pasulit. Ang saya-saya ko na may halong lungkot, dahil maiiwan ko ang aking mababait na kaklase. Umuwi ako sa amin at ibinahagi ko ang balita. “Ma, nakapasa ako”, sabi ko sa kanya na masaya ang tono.“Saan ka naka pasa?”,tanong niya sa akin. “ Naaalala niyo po ng nag-exam ako, sabi mo nganoon, ang tunay na matalino kahit anong pasulit makakapasa”, sabi ko sa kanya habang tumutulo ang luha ko .“Nak, kong sa tingin mo na hindi kita ipinagmamalaki, alam ko kaya mo at bilib na bilib ako sayo”, sabi niya sa akin.

Tuloy-tuloy ang biyayang bigay ng Panginoon sa aking buhay. “ Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala. Isipin niyo, sino ba ang mag-aakala sa batang walang pangarap, naging palaboy sa lansangan, nanlilimos at natutong magnakaw ay nasaharapan ninyo, nagbabahagi ng kwento”, kwento ko sa kanila. “ Hala! Nandito na si Maam, mamaya ko nalang itutuloy ang kwento”, sabi ko sa kanila na may pagpapanik ang tono.

Satuwing nakikita ko ang mga guro na nagtuturo sa pisara at nakatayo sa harap. Nakikita ko ang munting liwanag sa dulo, na unti-unti ko ng na aabot. Liwanag na magdadala sa akin tungo sa aking pangarap at magandang buhay sa hinaharap.

1,376 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


© 2023 by Christine Jay Ancog Proudly created with Wix.com

bottom of page