top of page

"ALA ALA NG TAGUMPAY" ni : Esthefhanie Abogado

  • Writer: HUMMS A
    HUMMS A
  • Mar 16, 2018
  • 3 min read

Petsa Marso, 2017 ay naghimok ang mga opisyales sa aming barangay para sa nalalapit na kompetisyon ito ang street dancing na gaganapin sa Mayo kaya matinding paghahanda ang aming ginawa . Kumuha ang mga opisyales ng mga mananayaw na higit sa animnapu, mga props na hihigit sa isang daan at isa ako sa napiling mananayaw, maraming mga mananayaw ay highschool pa lamang at konti lang ang nasa kolehiyo. Maraming nagalinlangan pero tuloy parin ang pagsalang mayroon ding mananayaw na galing sa ibang barangay. Gabi noon ng kami'y nagpulong pulong sa barangay kasama ng sampung choreographer,"bibigyan ko kayo ng tips para maging epektibo ang inyong pagsayaw", nakangiting sabi ng aming choreographer. Pagkatapos ay pinauwi kami ng maaga para may lakas kami para bukas. Unang gabi ng aming pageensayo sa barangay ay hindi madali, kakasimula pa lang ay buong katawan ang ginamit kaya ang aming pawis ay bumabakat sa aming kasuotan hanggang sa tuloy tuloy narin ang aming pageensayo.Gabi-gabi kami'y pinapagalitan ," kung gusto ninyong manalo dapat gawin ninyo ng tama ,huwag kayong pabagal bagal ", galit na sigaw ng aming choreographer. Mga mata namin ay nasa sahig lamang nakatingin , minsan nakakasawa rin dahil pinapagalitan ka kahit gusto munang humiga at matulog, labindalawang figures dapat isaulo dahil maaaring ilakip iyon sa aming sayaw. Ritual, finale at street dancing ang dapat naming matutunan, akala namin madali lamang akala lang pala ,ng nagsimula na naming isayaw yon ay ang hirap , tatlong sayaw dapat ang maisaulo.," salamat naman at tapos na kami sa aming sayaw", sabi ko. Tatlong sayaw ang aming natapos sa isa't kalahating buwan, ineensayo namin palagi para di malimutan at masanay na ang aming katawan, naghihintay na kami sa mga dadarating na drummers. Bandang Abril na ng dumating ang mga drummers sa aming barangay, marami ang nasiyahan marami rin ang taliwas dahil sa bugbug naman ang aming katawan into, gabi gabi namin ineensayo ang sayaw na kasama ang mga drummers lalong naging mahirap dahil matinding pagaadjust ang ginawa namin mayroon pang pinapalitan na steps at pinupunan, naging mas mabilis rin ang aming pagsayaw at paggalaw. Pagkatapos naming isaulo lahat, mga props na naman ang binigyang atensyon ng mga choreographer, parang nakawala kami sa hawla. Tuloy tuloy ang aming pageensayo kasama ang props at drummers, naging maayos naman ang daloy ng aming sayaw hanggang sa nakasanayan na ng aming katawan ang bilis ng gulo at tugtog. Mayo noon, makikita ang mga opisyales at mga choreographer hindi magkakaundagaga sa paghanda ng aming susuotin at pagdala ng iba't ibang disenyo ng props, ala una ng tanghali ng kami'y isakay sa isang bus para dalhin sa plaza, doon magsisimula magsayaw, tatlong paulit ulit na street dancing ang aming itinanghal hanggang sa makarating kami sa CPG Complex na pagdadausan ng aming ritual at finale na sayaw. Nagpahinga kami ng ilang oras, takipsilim na nagsimula ang gaganapin, makikita ang mga iba't ibang disenyo ng mga kasuotan at props sa iba't ibang barangay sa Tagbilaran City Bohol, labinlimang kontengeant ng iba't ibang barangay ang sasalang. Una, ikalawa at ikatlo hanggang sa naging lanbingdalawa na ang siyang sasalang, sumalang na kami sa entablado," nakakakaba naman ito", pabulong na sabi ko. Matinding kaba ang nararamdaman sabayan pa ng tili ng mga taong manonood na mas lalong nagpakaba pa sa amin at mga ilaw na tila naglalaro sa entablado. Nagsimula ng tumugtog ang mga drummers kasabay ng paggalaw ng aming katawan at mga iba't ibang disenyo ng props, binigay namin lahat ng lakas para maging maganda ang kinalabasan at sa wakas ay naiusad rin namin. Kami'y natapos na sa pagtanghal at maririnig pa ang lakas ng tilian ng manonood, parang nawalan kami ng tinik at nakahinga ng mas maluwag noon, nagtuloy tuloy ang pagsalang ng iba't ibang barangay lahat ay magaganda at kahangahanga. Natapos na ang pagtanghal, ilang oras rin ay tinawag lahat ng mananayaw ng iba't ibang barangay upang isayaw ang huling presentasyon ang finale, hawak kamay kaming lahat sa entablado noon ng inanunsyo kung sino sa mga barangay ang makakauwi ng mga awards at kung sino ang makakauwi sa tropeyo. Apat na awards ang aming nakuha, labis natuwa ang aming nadama at yun ay madagdagan pa kung kami ang tatanghaling kampyeon. Itinanghal ang aming barangay bilang isang kampyeon ng labinlimang barangay sa Tagbilaran City Bohol, marami ang naluha pati ang mga opisyales sa aming barangay at ang aming choreographer na naggabay sa amin upang makuha ang titulo ," proud kami sa inyo lahat", masayang sabi ng mga opisyales. Malaking ngiti ang nakapaskil sa aming labi, labis na tuwa at di mapaliwanag na emosyong naramdaman.


Napakasayang balikan ang kahapon noong kami'y nasa junior highschool pa lamang, ito'y isang alaalang hindi malilimutan magpakailanman ito'y dala dala namin palagi at maipagmamalaki sa lahat, ngayon naghihintay nasa susunod na araw upang kami'y sasalang at protektahan ang titulo. Ito'y isang alaala ng isang mananayaw na nangarap mahawakan ang tropeyo at magkatropeyo.Tropeyo naming lahat kaya ito'y tagumpay ng lahat.

Recent Posts

See All

Comments


© 2023 by Christine Jay Ancog Proudly created with Wix.com

bottom of page