Noong unang panahon mayroong dalawang magkasintahan, si Ana at Rey na nakatira sa syudad. Sila ay mabait at matulungin sa mga mahihirap. Sa pagdaan ng ilang taon sila ay nakapagbuo ng pamilya, mayroon silang dalawang babaeng kambal na anak. Masayang-masaya sila dahil mayroon silang kambal na anak ang pangalan ng kanilang anak ay si Cherry at Chen.
Ang kanilang pamilya ay masaya pero sa pagkaraan ng ilang linggo ang kanilang isang anak na si Cherry ay nagkasakit ng malubha. Gusto ng kanyang ina na ipaghiwalay sila dahil baka madapuan ito ng sakit sa kanyang kakambal. Nag-usap ang mag-asawa sa kanilang gagawin. Napagtanto nilang ang nanay nalang ng kanyang ina ang magpapalaki kay Chen. “Nanay palakihin mo ng maayos ang anak ko na si Chen ha?”. Ang kanyang ina at ama ay umiiyak dahil sa lungkot pero patuloy parin silang umalis hanggang sa lumayo na sila. Inaalagaan si Chen ang kanyang lola ng maayos. Inihahatid sa paaralan, binibihisan sa araw-araw. At dumating sa puntong itinanung ni Chen kung saan ang kanyang ina at ama. “Asan na ang aking ina at ama, lola? Bakit di nila ako pinupuntahan dito sa inyong bahay?”. Mahal pa ba nila ako o itinakwil na ako bilang isang anak. Ipinaliwanag ng kanyang lola ang lahat na nangyari noon. “Anak, hindi ka iniwan ng ina at ama mo dahil nagkataon lang na ang iyong kakambal ay nagkaroon ng malubhang sakit kaya inihabilin ka sa akin ng iyong ina dahil pinagpasyahan nilang ilayo ka sa iyong kakambal upang hindi ka mahawa sa kanyang sakit”
Sa pagtungtong niya ng High School ang kanya paring kasama ay ang kanyang lola. Masaya na siya sa piling ng kanyang lola sa hirap at ginhawa nandito parin ang kanyang lola laging nakasuporta sa kanya. Ang ama at ina ni Chen ay malayo sa kanya ang, kapatid naman niya ay sumakabilang buhay na. Natanong niya sa kanyang sarili na bakit di pa siya kinuha ng kanyang magulang na wala na ang kanyang kapatid. Inisip niya na baka di na siya talaga mahal ng kanyang ina at ama baka may mahal na silang ibang anak. Hindi nalang niya inisip ang kanyang ina at ama, nag-aral nalang siya upang matulungan niya ang kanyang lola na hindi na masyadong makapag trabaho.
Isang araw hindi niya inakalang dadating ang kanyang ina at ama na kasama ang bunsong kapatid na lalaki na una paniyang nakita sa kanyang buhay pati na ang kanyang magulang. Akala ni Chen na kaibigan ng kanyang lola pero magulang pala niya.”Kumusta kana anak? Malaki kana pala at ang ganda mong bata”. Hindi umimik si Chen dahil sa kanyang pagkagulat at pagkainis sa kanyang magulang. Si Chen ay lumabas at umiyak sinundan siya ng kanyang magulang sa labas ”Bakit ngayon lang ninyo ako naisipang dalawin sa araw na kailangan ko kayo walang isang magulang ko ang dumating”, sabi ni Chen sa kanyang magulang. Umiyak ang magulang ni Chen pati na ang kanyang lola. Humingi ng patawad ang magulang ni Chen sa kanya dahil ni isang araw man lang di sila dumalaw sa kanilang anak. “Mahal na mahal kita Chen abala lang talaga ang ina at ama mo sa pagtatrabaho”. Gusto palang kunin ng kanyang magulang si Chen sa kanyang lola pero di pumayag si Chen dahil mahal na mahal niya ang kanyang lola parang ina na niyang ito kung ituring.. Dumaan ang mga araw ang kanyang lola ay pumanaw na dahil sa matanda na ito. Si Chen ay araw-araw na umiyak at hindi kumakain dahil sa pagkawala ng kanyang pinakamamahal na lola. Sa araw na iyon pumayag na si Chen na sumama sa kanyang ina at ama dahil wala na ang kanyang lola. Pero hindi parin mawala sa isip ni Chen ang pagkawala ng kanyang pinakamamahal na lola. At si Chen ay sumama sa kanyang magulang at nabuo na ang kanilang pamilya muli at masaya na si Chen sa piling ng kanyang magulang.
Comments