top of page

“Pagharap sa Hamon ng Buhay” ni Melvic Jane Calizar

Writer's picture: HUMMS AHUMMS A

Maaga kaming bumabangon araw-araw dahil papasok pa kami at hindi namin gusto na mahuli sa flag. Tuwing papasok kami sa paaralan ay naglalakad pa kami ng malayo dahil ang aming paaralan ay malayo ang distansya sa aming bahay. Dahil kung sasakay naman kami, para lang kaming naglalakad dahil malayo pa ang sakayan at maghihintay pa kami ng ilang minuto. Minsan nga ay oras na ang paghihintay namin sa dadaan na sasakyan. Kaya maglalakad na lamang kami para tumibay ang aming mga buto at para hindi kami mahuli sa klase dahil hindi ko gusto na sitahin kami ng guro. Malayo man ang lalakbayin namin magtitiis pa din kami upang makapagtapos ng pag-aaral. Sa pagtungtong ng aking unang yugto bilang isang mag-aaral sa hayskol ay nasabi ko sa sarili na hindi talaga ito isang biro. Unang araw sa klase ay wala pa akong masyadong kaibigan dahil simula pa lamang, pero sa pagdaan ng ilang araw ay may ilan na akong naging kaibigan. Ito ay sina Charlene, Ivy at ang kaklase ko na si Lea na ang daldal. Bilang isang mag-aaral sa hayskol ay di biro dahil gigising ka pa ng maaga dahil maghahanda ka pa sa iyong gawain at magsisimulang maglakad ng ilang kilometro dahil malayo pa ang lalakbayin bago marating ang paaralan. Mayroong mga pagkakataon na gusto mo ng bumigay dahil sa mga gawain na hindi na talaga kaya. Pero hindi pa rin ako sumusuko at nagpapatuloy pa rin ako sa pag-aaral upang makahanap ako ng maayos na trabaho balang araw. Sa tuwing pumapasok ako ay gumagaan ang aking pakiramdam dahil alam ko sa sarili ko na kaya ko lang ito at para din ito sa aking kinabukasan. Mayroon din akong mga kaibigan, sila ang aking sandalan sa tuwing may problemang dumating at mayroon din akong mga kaklase gaya ni Lea na tumutulong din sa akin kapag ako’y nahihirapan. Ang aking pinakamalapit talagang kaibigan ay si Charlene dahil walang taon na hindi kami magkaklase kaya’t hindi talaga kami naghihiwalay.

“Basta kapag mayroong gawain na mahirap dapat magtulungan tayo ha?” ani ni Charlene. “Siyempre naman para sama-sama parin tayo at walang maiiwan,” sagot naman ni Ivy. “Alam niyo ang chessy niyo masyado, tara na nga baka mahuli na tayo sa klase,” sabi ko naman. Ganyan talaga ako, nambabara sa mga kaibigan pero alam kong sanay na sila sa akin kaya hinahayaan na lamang nila ako. Mabuti na nga lang at hindi sila mga pikon kundi patay ako. Ang mga kaibigan ko na si Ivy at ang kaklase ko na si Lea, sila yong mga tipo ng mga kaibigan na sobra-sobra ang pagkakulit. Kapag walang guro sa harap napakadaldal ng dalawa. Araw-araw nalang nagkukwentuhan at nagtatawanan at minsan napapagalitan dahil hindi marunong maglinis. Sa tuwing kakain kami ay magkasama parin kami at kapag mayroong takdang-aralin ay agad-agad naming ginagawa at nagututulongan kami para wala na kaming aatupagin sa bahay at hindi kami magmamadali kung sakali.

Araw ng pagbibigay ng marka at ako at ang aking mga kaibigan naman ay abala sa pagpapapirma ng mga guro namin para matapos na kami at mabigyan na ng kard. Masaya ang aking mga kaklase dahil tapos na kami sa Grade 10. Malapit na ang araw ng graduation at abala na kami sa pag-eensayo kung paano gagawin. Pero sa tuwing nakikita ko ang sarili ko sa iba ay hindi ako makapaniwala dahil sa maraming araw nang pagpupursigi ay di ko namalayan na andito na ako at gagraduate na nga sa huling taon sa Junior High. Nasabi ko sa sarili ko na walang imposible sa mga buhay kapag magpupursigi ka lang. Kapag may pananalig ka sa itaas tiyak makakamtan mo ang ninanais mong pangarap. Kung mayroon kang ambisyon sa iyong buhay dapat kaya mo ring gampanan ang mga hamon na dala nito. Walang mag-aaral na hindi makakadaan sa mga pagsubok, susubukan ka muna ng panahon at problema bago mo masabi na abot ko na ang tugatog ng aking tagumpay.

Ayon nga sa isang sikat na linya sa pelikula, “Hamon at mga pagsubok ay mga sangkap lang upang mas sumarap ang ating buhay.”

10,781 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


© 2023 by Christine Jay Ancog Proudly created with Wix.com

bottom of page