top of page

"Ang Alak" Ni: Mary Glhaidel Manlangit

  • Writer: HUMMS A
    HUMMS A
  • Mar 16, 2018
  • 6 min read

Updated: Mar 17, 2018


(Paalala: Ang mga pangalan,lugar sa pangyayaring ito'y kathang isip lamang anumang pagkakahalintulad sa totoong buhay o sa anumang iskrip , ay hindi sinasadya at nagkataon lamang)

Sa paraisong kaharian ng Andalusia masayang naninirahan ang mga Papilia( isang uri ng mga maliliit na tao). Na pinamumunuan ng kanilqng hari na si Haring Victorinos at kanilang Reyna na Si Reyna Micayna, at ang kanilanh kaisa-isang anak na si Prinsesa Lilayna. Ang kanilang kaharian ay may isang kayamanan na kanilang pinakaingat-ingatan ang Gintong Binhi.

Tagpo 1

Sa silid ng Mahal na Hari at Reyna

Hari: Prinsesa anong sadya mot ikay naparito sa aming silid?

Prinsesa: Mowaini (Pagbibigay galang) Ama, akoy naprito upang hingin ang iyong pahintulot

Hari: Para saan?

Prinsesa: Ako po sanay iyong payagan na makapunta sa kagubatan upang masilayan ang pamumulaklak ng himalayan

Reyna: (pagalit) Hindi maari , ikay may ensayo sa paghawak at paggamit ng espada ngayon.

Prinsesa: Ngunit ina maghihintay muli ako ng taglagas bago ko uli iyon makitang mamulaklak.

Reyna: Tigilan mo na iyang pagmamaktol mo, ika’y umalis na para ensayo mo'y matapos. Hindi pa rin nagpatinag ang prinsesa

Prinsesa: (nagmamakaawa) Ama, akoy inyo ng payagan Hari: Prinsesa hindi nga pupwede kailangan mo pang mag ensayo.

Prinsesa: (Pagalit) Bakit hindi niyo ako pinapayagan at bakit pinipilit niyo akong mag ensayo. Prinsesa ako hindi prinsipe. Ang pag eensayong iyan ay hindi nababagay sa akin. (padabog na aalis)

Hari: (Malungkot) Hahayyy kailan kaya niya maiisip na para sa kanya ang pag eensayong iyon.

Reyna: (Hahawakan sa balikat ang hari) Darating din ang panahon mahal ko. Na mapapahalagahan din ng ating anak ang lahat ng ating pinapagawa.

Tagpo 2

Dumating ang prinsesa sa kanyang pinag-eensayohan na nakasayad ang mukha sa lupa. Pinunong kawal: Mowai...

Prinsesa: (Dali-daling kukunin ang espada, ay susugod sa kawal na kanyang taga-pagensayo) Bakit palagi nila akong pinapakailaman, ako'y malaki na , at hindi na bata (sinusugod pa rin ang kawal) lahat nalang ng gagawin ko kailangan pang ipag paalam sa kanila , sana hindi nalang ako naging prinsesa, sa kahariang ito.

Pinunong kawal: Mahal na prinsesa, tama na po (nilalabanan pa rin ang prinsesa) hindi po iyan ang tamang paghawak ng espada. Baka po kayo'y masugutan (patuloy pa rin sa paglaban at minsa'y umiilag)

Prinsesa: (Huminto na sa pagsugod sa kawal) kung sa gayon (may diin sa bawat salitang bibitawan) ako'y iyong turuan.

Pinunong kawal: masusunod po mahal na prinsesa (yuyuko) Habang nag-eensayo ang prinsesa, may karwaheng pumasok sa palasyo

Prinsesa: (Tatanungin ang kawal habang tinitigan ang papasok na karwahe) Sino iyon?

Pinunong kawal: Paumanhin po (yuyuko) prinsesa, hindi ko po iyon kilala

Prinsesa: (Nagkibit balikat) Huwag nating iyong pansinin. Tayo'y magpatuloy na sa pageensayo (pabagot ang pagkakasabi) ng sa gayo’y matapos na ito.

Tagpo 3

Samantala, nakarating na ang karwahe sa pambungad ng palasyo bumaba naman ang sakay nito. At saktong ang hari ay papalabas din ng palasyo.

Celespin:

Mowaini Kawal 1: (Hinaharangan ang pambungad ng palasyo) Sino ho kayo? At anong sadya niyo rito?

Celespin: Ako'y si Celespin isang mayamang mangangalakal, sa malayong dapit. At isang matalik na kaibigan ng iyong.....

Hari: Celespin? (Titingin ulit sa taong nasa pambungad) Celespin!!!! aking kaibigan (lalakad patungo sa pambungad), anong sadya mo't naparito ka sa aking kaharian? (uutusan ang kawal na papasukin ang kaibigan?) papasukin niyo siya!

Kawal: (yuyuko) masusunod po. Nang makapasok na si Celespin....

Celespin: Mowaini, mahal na hari (yuyuko)

Hari: Anong sadya mo't naparito ka sa aking kaharian?

Celespin: Masama bang dalawin ang aking matalik na kaibigan?

Celespin at Hari: (Magtatawanan)

Celespin: Espesyalna handog, aking kaibigan (iaabot sa hari)

Hari: (Titingnan ang dalang handog) Hahahaha alam mo talaga kung ano ang paborito ko.

Celespin: Binili ko pa ang alak na iyan sa isang tanyag na mangangalak, sa aming dapit, para lang sa iyo, aking matalik na kaibigan.

Hari: Hahahahaha!!! hindi ka parin nagbabago (tatawagin ang isang kawal) halika rito ito'y iyong hawakan, at pagkaingatan (ibibigay ang alak)

Kawal: Opo mahal na hari (yuyuko)

Hari:Celespin, kaibigan ikay aking ililibot sa aking kaharian Inilibot ng hari ang kanyang kaibigan sa buong kaharian

Hari: Kita (ituturo)mo yang babaeng nasa hardin, yang ang kaisa-isa kong anak, halika't ating puntahan, ng iyong makilala Hari: Aking prinsesa, kumusta ang pageensayo?

Prinsesa: (hihinto sa pageensayo) Mabuti naman ama, siyanga pala, sino po ba yang kasama mo? (Titingin kay Celespin)

Hari: Siya si Celespin, isang matik na kaibigan Prinsesa: Ba't ngayon ko lang siya nakita, ama?

Celespin: Mowaini, mahal na prinsesa, Oo't ngayon mo lang ako nakita,dahil nanggaling ako sa malayong dapit. Oh sinta, ang aming pagkakaibigan ay 'sing tanda ng kahoy sa iyong likuran na inukit sa lupa ng kamahalan.

Hari: (masaya) Tama na iyan, ako'y natutuwa sa inyo para bang nagbabangayan, o siya aking prinsesa ika'y amin ng maiwan upang matapos mo na ang iyong pageensayo.

Celespin: Paalam mahal na prinsesa (yuyuko) pagbutihin mo lalo ang iyong pag- eensayo. Nang maka-alis na ang Hari at si Celespin

Prinsesa: (bibitiwan ang espada) Ang pag eensayong ito'y tapos na… ako'y...

Punong kawal: (Puputulin pagsasalita ng prinsesa)

Punong kawal: Ngunit prinsesa.........

Prinsesa: (mapapatingin sa punong kawal) Ako'y napapagod na, siguro naman ako'y iyong pagbibigyan? Di mo naman siguro maaatim na mapapagod ang iyong prinsesa?

Pinunong kawal: Opo kamahalan, itutuloy na lang natin ang pag-eensayo bukas. Nang marinig iyon prinsesa'y agad-agad umalis. At hinagilap kanyang ang kanyang ama at ang kasama nito.

Prinsesa: (kinakausap ang sarili) hindi ko gusto ang lalaking kasama ni ama. Parang may masama siyang binabalak sa kaharian, lalong-lalo na kay ama. Kailangan kong alamin kung ano ang kanyang masamang mithiin. (Palinga-linga) Asan na kaya sila? (Pasigaw) Ayun! (Payuko na pupunta sa may bulaklakan) (sumisilip) Ano't bakit? Gintong binhi ba iyan? Anong pumasok sa isip ni ama at pinapakita niya ang gintong binhi sa lalaking iyan. Ni minsan sa buhay ko, hindi ko pa iyon nahawakan o nakita man lang. Nagtampo ang prinsesa na naging dahilan ng kanyang pag-alis sa palasyo. Nagtungo siya sa Belisima (isang bayan sa kanilang kaharian) at doon muna nagpalamig.

Tagpo 4

Matapos mailibot ng hari si Celespin sa buong palasyo ay diretsong nagtungo na sila sa hapag-kainan sa palasyo. Kung saan naghihintay na ang mahal na reyna

Reyna: Hali na kayo, ng tayo'y makakain na

Celespin: (tinitingnan ang pagkain) Sobrang dami naman po ata nito, mahal na reyna

Reyna: Ika'y espesyal na bisita, ng aking kabiyak at ng aming kaharian. Nararapat lamang na paghandaan Celespin:(Yuyuko) Salamat mahal na

Hari: Tama na iyan, masamang paghintayin ang pagkain, umupo na kayo at simulan na ang pagkain (tatawagin ang kawal) Aking kawal, nasaan na ang alak na bigay sa akin ni Celespin?

Kawal: (magalang na lalapit) Ito na po,mahal na hari

Hari: (Pagkabahala ang tono) Sandali lamang, bakit wala pa ang prinsesa, hindi pa ba tapos ang kanyang pagsasanay?

Reyna: Tinanong ko ang kanyang tagapagsanay, ngunit ang sabi nito'y maaga daw nagtapos ang kanilang pagsasanay. Saan na kaya nagsusuot ang batang iyan?

Hari:Hay...... hayaan muna natin siya, baka nagtatampo pa iyon sa atin. Kumain na lang tayo..... Maligalig na kumakain ang dalawang maharlika at si Celespin

Katulong: (Nagsasalin ng alak, akmang sasalinan ang baso ng hari)

Hari: (Haharangin ang katulong sa pagsalin) Huwag yang alak ang ilagay mo sa aking baso, ang alak na bigay ni Celespin ang gusto kong inumin.

Celespin: (Napatingin sa hari, na may malademonyong ngiti)

Katulong: (Sinasalinan ng alak na bigay ni Celespin ang baso ng hari)

Hari: (Iinumin ang alak) (Ilang sandali'y ito'y manginginig) Nagkagulo ang lahat, nag-alala sila sa kalagayan ng hari. Ang Reyna'y dali-daling pumunta sa hari at inalalayan ito.

Reyna: (Nag- alala ang boses) Victorino , mahal, huwag kang magbiro ng ganyan , maaatim mo bang iwan kami ng anak mo? (Umiiyak) lalong - lalo naang iyong nasasakopan?

Sa kabilang banda, umuwi ng may maaliwalas na mukha ang Prinsesa, sa daan, napansin niyang nangalanta ang mga puno,halaman at bulaklak, siya'y na-alarma, kaya patakbo niyang tinahak ang daan papunta sa palasyo. Nang siya'y umabot

Prinsesa: (Pagtataka ang boses) Anong nangyari? Bakit kayo'y nagmamadali? Walang pumapansin sa Prinsesa. Kaya't minabuti niya nalang hanapin ang kanyang mga magulang. Nang ito'y kanyang mahanap.

Prinsesa: (Patakbong lumapit) Ina... anong nangyari kay ama? Ano ba ang nangyayari dito, bakit yung mga halama'y nangalanta.

Reyna: (Paiyak) Hindi ko alam, anak ko, basta't kanina lamang ay masaya pa kaming kumakain ng ama mo kasama si Celespin. Nagtataka lang ako, matapos niyang inumin ang alak na bigay ni Celespin ay nagkakaganito na siya.

Prinsesa: (maypuot ang pagkakasabi) Tama nga ang hinala ko sa Celespin na iyan may masama nga siyang balak kay ama. (pagalit) Asan na ang Celespin na iyan? Asan na?

Hari: (Pa ubo-ubo) Anak ang dahilan ng pagkalanta ng mga halaman ay baka nawala sa puwesto ang Gintong binhi. Prinsesa: (Pagalit) Ang kaibigan mong si Celespin ang may gawa nito. Plinano niya ang lahat. Hindi ito maari ipaghihiganti ko kayo, at ibabalik ko sa atin ang Gintong Binhi

Reyna: Anak, mag hunos dili ka, delikado ang gagawin mo.

Prinsesa: Ina, ama handa kong ibuwis ang buhay ko, para sa kahariang ito Dali-daling kinuha ng Prinsesa ang kanyang espada, at sumakay sa kabayo, sinundan niya ang bakas sa karwahe ni Celespin, at ito'y papunta sa kagubatan.

Tagpo 6

Celespin: (sinisiyasat ang gintong binhi) Wala kang kahirap-hirap makuha na makuha. Dahil sayo nakikita na ang aking kinabukasan kinabukasang maging hari, isang makapangyarihan at walang makakapantay na hari..... Natigil pagsasalita ni Celespin ng tumigil ang kanyang karwahe

Celespin: (Tinanong ang kutsero) Bakit ka tumigil?

Kutsero: May nakaharang po sa daan

Prinsesa: (Pagalit) Celespin lumabas ka diyan!

Celespin: (Lumabas sa karwahe) Mahal na prinsesa anong ginagawa sa gitna ng kagubatan. Ihahatid na kita pabalik sa palasyo baka ika'y mawala.

Prinsesa: (Bumaba sa palasyo at sinugod si Celespin) Nagbuno ng lakas ang dalawa. Ngunit mas nangibabaw ang lakas ng prinsesa. Napatay niya si Celespin.

Prinsesa: Ang kasamaan ayhindi kailanman magwawagi.

Naibalik na sa kaharian ng Andalusia ang Gintong Binhi nanumbalik na rin ang ganda ng kaharian. Ang hari'y bumalik na ang dating lakas. At ang prinsesa nama'y mas minahal pa ang kanyang tungkulin.

Wakas

Recent Posts

See All

Comments


© 2023 by Christine Jay Ancog Proudly created with Wix.com

bottom of page