top of page

“Ligawan Mo Muna” Ni Ma. Decee Kaye Bacareza

Writer's picture: HUMMS AHUMMS A



Mga Tauhan:

· Nyx - babaeng nagkakagusto at ang besfriend ni Alex

· Alex - bestfriend ni Nyx

· Bea – ang nililigawan ni Alex

· Lalaki –ang itinatagong kasintahan ni Bea

EKSENA 1 (SA SALA)

Alex: “Ohh! Alam kong mananalo na ang CAVS”!

Nyx: “May 2 mins. pa, aabot pa ang GSW.”

Game Reporter: “2 minuto nalang ang natitira,GSW na sa …Lebron pasa ang bola kay~

nakuha ni Curry at …”

Nyx & Alex:“ANO??? BROWNOUT!!!”

Alex: “Hahaha! Talo ka na, Nyx.”

Nyx: “Hmpp.”

Tagapagsalaysay: (*inirapan si Alex).

Nyx:“Basta, GSW pa rin ako. Nag-brownout lang, talo na

agad.”

Alex: “Ayh, Nyx. Sama ka mamaya ha. Uwi muna ako

sa’min.”

Tagapagsalaysay: (*Tawa pa rin nang tawa si Alex).

Nyx: “Oona, oo na.”

Alex: “Hehehe.”

Tagapagsalaysay: (*sabay gulo nang buhok ni Nyx).

Nyx: “Ano ba? Ginugulo mo naman yong buhok ko!”

Alex: “Sus, sige, uwi na ako. Basta mamaya, huwag mong kalimutan

Tagapagsalaysay: (*at sinarado niya na ang pintuan).”

Nyx:“Sige.”

Tagapagsalaysay: (*Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Nyx at kinakausap ang

sarili.)

Nyx: “Nyx, ang ganda mo! Umuwi na ang besfriend mo tapos sasamahan mo siya

mamaya, sosorpresahen niya ang babaeng kanyang minamahal. Hanggang kaibigan

lang turing niya sa’yo. Assumera ka kasi masyado, kaya ka nagkakaganyan.”

Tagapagsalaysay: (*Di niya namalayang may tumulong luha sa kanyang mga mata.)

Nyx: “Ang traydor lang ng puso ko,patiba naman ang aking mga luha.”

Tagapagsalaysay: (*Ngunit bigla naman itong natauhan.)

Nyx: “Ayh, kadramahan Nyx.Makaligo na nga lang. Masyado na akong O.A.”

EKSENA 2 (SA PARK)

Tagapagsalaysay: (*Habang nasa Park ang dalawa, may iniisip na naman si Nyx.)

Nyx: (Nandito na pala kami sa Park, kasama si Alex.)

Alex: “~ at alam mo ba na may magandang tanawin doon sa Tagaytay tapos…”

Nyx: (Hinihintay namin si Bea, ang babaeng minamahal ni Alex)

Alex: “… tsaka may bago palang restauarant, balak ko ring dalhin si Bea roon…”

Nyx: (Bukambibig niya palagi si Bea. Nakakinggit ngunit wala naman akong karapatan

dahil~)

Alex: “Hoy, Nyx. Nakikinig ka ba sa mga sinasabi ko?”

Nyx:“Ha?”

Alex: “Lutang ka na naman. Ano ba kasi

iniisip mo?”

Nyx: (Iniisip ko lang kung paano kita papakawalan).

Alex: “May problema ka ba? Pwede mo namang sabihin sa’kin eh. Parang wala kang

Bestfriend.”

Nyx: (Problema ko ay ikaw. Kung sasabihin ko man sa’yo, baka magbago ang ihip ng

ating kapalaran. At Oo, akala ko’y bestfriend lang ang turing ko sa’yo ngunitito’y

Mas higit pa pala sa inaasahan ko.)

Alex: “Nyx!!! Haisht. Para kang hangin d’yan. Ngiti ka naman”.

Nyx: (Pilit lang din akong ngumiti).

Tagapagsalaysay: (*Biglang nagulat dalawa nang biglaan dumating si Bea.)

Alex: “Bea, nakakabigla ka naman.”

Bea: “Hahaha. Hi, Nyx.”

Nyx: “Hello, Bea.”

Tagapagsalaysay: (*Pagdating ni Bea ay sinorpresa nila ito. Masaya naman ito, at si Nyx

naman ay ngiti nang ngiti na parang timang kahit na nasasaktan na.)

Nyx: “Ahm, Bea, Alex. Mauna na ako sa inyo.”

Tagapagsalaysay: (*Hindi na niya hinintay ang sagot nila dahil

naglalakad na ito pauwi. Gusto lang niyang mapag-isa at magmuk-muk sa kasulok-

sulokan ng kanyang kwarto.)

EKSENA3 (SA SCHOOL)

Nyx: “Ang aga ko naman para sa ikalawa kong subject. Medyo na late akong nagising dahil

Sa kadramahang ginawa ko kagabi.”

Alex: “Nyx!”

Tagapagsalaysay: ( *Biglang kinabahan at natataranta kung lilingon ba o hindi si Nyx).

Nyx: “Ahh, Alex!”

Alex: “Ohh!? Ba’t ganyan ang hitsura mo? Ang putla-putla mo. May lagnat ka ba?”

Tagapagsalaysay: (*Hinawakan ang noo ni Nyx. Napapatulala si Nyx at may nasabi sa

kanyang sa isipan).

Nyx: (Nakatulala) “Ang lapit ng kanyang mukha. At ang gwapo niya ‘pag sa malapitan.

At ang mga labi niya’y mapula, tsaka ang~”

Tagapagsalaysay: (*Bigla itong natauhan kaya bumalikwas

siya nang tingin.)

Nyx: “Ahm, c-cr muna a-ako.”

Alex: “Ganun ba. Sige,kita nalang tayo mamaya sa bahay namin.”

(SA CR)

Nyx: “(Kinikilig ako ngayon) kyaaah! Ang gwapo niya talaga!”

EKSENA 4 (SA KALSADA)

Tagapagsalaysay: (*Pauwi na ngayon si Nyx galing sa paaralan. Mag-isa lang itong naglalakad,

iniisip niya kung pupunta ba ito sa bahay kina Alex nang may narinig siyang

isang pamilyar na boses.)

Lalaki: “Happy Anniversary, babe”.

Babae: “Happy Anniversary din sa’yo, babe”.

Lalaki: “Mahal kita.”

Babae: “Mahal din kita.”

Tagapagsalaysay: (*Sabay halik sa pisngi nang babae.)

Nyx: “Teka, kilala ko ang boses na iyon. Di ko masyado maaninag ang mga mukha, gabi

na kasi at walang ilaw sa kanilang kinatatayuan kaya lumapit ako nag kaunti. Hindi

ako makapaniwala sa nakikita ko. Si Bea ay may kinakasama. At matagal na pala

niya itong inilihim kay Alex.”

Tagapagsalaysay: (*Dali-dali itong naglakad pauwi at baka siya’y makita nang dalawa.)

EKSENA 5 (KINABUKASAN, SA ESKWELAHAN)

Tagapagsalaysay: (*Magkasama ang dalawa ngayon. Papunta silang canteen at pumunta din

si Nyx sa bahay nila Alex kagabi. Naaawa nga ito sa binata dahil palagi

niyang bukambibig ay si Bea.)

Alex: “Nyx, libre na kita, pambawi ko sa’yo sa pagsama mo sa’kin kagabi. Kaya nga, love

love talag~”

Tagapagsalaysay: (*Nabigla ang dalaga sa sinabi nang binata.)

Nyx: “Anong sabi mo?”

Alex: “Ahh,eh ang s-sabi ko, ililibre kahit alin dyan. Yun ang s-sinabi ko”.

Nyx: “Sigurado ka? Ok, gusto ko ng french-fries, burger at munchkin. At saka mango shake

Din pala. Yun lang.”

Alex: “Ba’t halos ng pinipili mo ay matatamis?”

Nyx: “Dahil ang minamahal ko ay may ibang gusto at baka bukas, o sa makalawa sasabihin

na nang babae ang kaniyang matamis na “oo”.”

Tagapagsalaysay: (Nabigla ito sa kaniyang sinasabi dahil sa pag-aakalang nasa isipan lang.)

Alex: (Nagtataka) “Ha? Ganun ba? Ok sige”.

(MAKALIPAS ANG ILANG ORAS)

Tagapagsalaysay: (*Magkasabay na naglalakad ang dalawang magkakaibigan. Tahimik silang

naglalakad at mukhang malalim ang iniisip nang dalawa. Hanggang ang

isa sa kanila bumasag nang katahimikan.)

Alex: “Hmm, Nyx”.

Nyx: “Ano yun?”

Alex: “May gusto akong sabihin sa’yo.”

Tagapagsalaysay: (*Naghihintay si Nyx kung ano ang sasabihin.)

Alex: “G-gusto ko sanang sabihin sa iyo na…”

Nyx: “Na?”

Alex: “Na… Na may gu~”

Bea: “Alex! I really miss you “

Tagapagsalaysay: (*Sabay halik sa pisngi ni Alex at tiningnan nang pataray si

Nyx, iniwasan lang ito ni Nyx.)

Nyx:“Mauna na ako sa inyong dalawa.”

Tagapagsalaysay: (*Nagsimula nang maglakad si Nyx nang tawagin ito ni Alex.)

Alex: “Nyx, teka lang”.

Bea: “Pabayaan mo muna sya, Alex. Date tayo. May sorpresa ako para sa’yo.”

Alex: “Pero…”

Bea: “Wala ng pero-pero…”

EKSENA 6 (RESTAURANT)

Bea: “Alex, tungkol sa panliligaw mo.”

Alex: “Uh, ano yun?”

Tagapagsalaysay: (*Hindi mapakain si Alex, dahil sa takot

kung sasagutin na ba siya o ano. Hindi niya alam.)

Bea: “Well…Yes. Sinasagot na kita.”

Tagapagsalaysay: (*Nginitian ni Bea si Alex, isang ngiting matamis.)

Alex: “Ano?! Ang ibig kong sabihin, Ah talaga?”

Tagapagsalaysay: (*Hindi niya alam pero parang nadismaya siya.)

Bea: “Yes! Bakit? Hindi ka ba masaya? Di bale na. basta,ang importante ay tayo’y masaya.

(*Sabay yakap sa kanya). Teka lang, cr muna ako.”

Alex: “Bea, hintay!”

Tagapasalaysay: (*Pero nakaalis na si Bea papuntang cr kaya sinundan ito ni Alex. Hanggang

sa isang senario ang naabutan niya sa bukana ng cr. Si Bea, may kahalikang iba.)

Lalaki: “Babe, ano na? binasted mo na ba?”

Bea: “Hindi babe, patawad ngunit sinagot ko siya.”

Lalaki: “Ano?!”

Bea: “Oo, babe”.

Lalaki: “Pero,paano tayo,babae? Ibig sabihin ba nito, babastedin mo ako kaysa sa

lalaking iyon?”

Bea: “Syempre hindi. Ginagamit ko lang si Alex sa ibang kadahilanan.”

Lalaki: “At ano naman yun?”

Bea: “Para saktan si Nyx. Naaalala mo bang babaeng iyon? May gusto siya ka Alex at

hindi ko siya gusto. Nakuha niya ang atensyon na gusto ko. Kaya, para

maturuan yung bruha nang leksyon, sasaktan ko siya gamit si Alex.”

Tagapagsalaysay: (Hindi na kinaya, at nagpakita na ito sa kanila.)

Alex: “At hindi ko kayo papayagan Na mangyari iyon! Hindi mo ako gagamitin para saktan si

Nyx. HINDI!!!”

Tagapagsalaysay: (*Agad akong umalis at pumunta sa bahay ng babaeng tunay na mahal ko.

Nang babaeng nandyan palagi para sa’kin.)

EKSENA 7 (SA BAHAY)

Tagapagsalaysay: (*Kasalukuyang nanonood ng telebisyon si Nyx nang mapansing may

presensyanang tao sa likuran. Nilingon niya ito at nang makita ang taong di

niya inaasahan na nandito.)

Nyx: “Alex?Akala ko ~”

Tagapagsalaysay: (*Hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng bigla siyang niyakap nang

mahigpit.)

Alex: “Nyx, patawad dahil hindi ko nakita agad na may nagmamahal sa’kin nang tunay.”

Tagapagsalaysay: (*Sa puntong ito ay di niya na mapigilan ang pag-iyak, pag-iyak dahil sa

kahihiyang nagawa. Ngunit napangiti na lamang si Nyx.)

Nyx: “Alex, huwag kang humingi nang patawad. Wala ka namang kasalanan.

Basta ang alam ko, mahal kita. At ngayong alam mo na, wala na akong magagawa

pa.”

Tagapagsalaysay: (Napangiti si Alex sa sinabi ni Nyx.)

Alex: “Pwede ko namang simulan ang lahat nang ‘to, diba? (Ngumiti nalang si Nyx)

Ibig sabihin na ba nito, nobyo na kita?”

Tagapagsalaysay: (*Pinunasan ni Nyx ang mga luha niAlex at saka niya binatukan.)

Alex: “Aray!”

Nyx: “Sira! Ligawan mo muna ako. Ano ka? Sinuswerte?”

Alex: “Sira daw,mahal mo naman.”

Tagapagsalaysay: (*Tumawa ito nang mahina si Alex.)

Nyx: “Anong sabi mo?”

Tagapagsalaysay: (Ngayon ay napipikon na si Nyx.)

Alex: Ang sabi ko, MAHAL KITA!

Tagapagsalaysay: (*Nabigla si Nyx sa ginawa ni Alex, hinalikan kasi siya sa noo.)

Nyx: “MAHAL DIN KITA. Pero manliligaw ka pa rin.”

Tagapagsalaysay: (*At silang dalawa ay nagyayakapan nang mahigpit.)

~WAKAS~


127 views0 comments

Recent Posts

See All

"Pagpapatawad" Ni: Danica A. Pagapong

Tauhan: Martha- batang naka bangga sa punso. Tauhang Lapad Maria- ina ni Martha. Tauhang Lapad Manuel - ama ni Martha. Tauhang Lapad...

"PAGSISIKAP" Eunice Evangeline Viodor

Tauhan: Xyl / Terso (Ama) / MC / Ate Linda / Ate Resa Tagpuan: Interview sa telebisyon Tagpo: Banghay: • Simula: Nag simula ang kwento...

Comments


© 2023 by Christine Jay Ancog Proudly created with Wix.com

bottom of page