top of page

"Pagpapatawad" Ni: Danica A. Pagapong

Writer's picture: HUMMS AHUMMS A

Tauhan: Martha- batang naka bangga sa punso. Tauhang Lapad Maria- ina ni Martha. Tauhang Lapad Manuel - ama ni Martha. Tauhang Lapad Jane- kaibigan ni Martha. Tauhang Lapad Leah- kaibigan ni Martha. Tauhang Lapad Nuno- nakatira sa punso. Tauhang Bilog Albularyo- tumulong sa mag-asawa. Tauhang Lapad

Tagpuan: - Sa Buhay - Sa Gubat

Uri ng Banghay: -Linear

BANGHAY

Simula: Pinakilala si Martha bilang isang matulungin at mapagmahal na bata sa kanyang mga magulang.

Pataas na Aksyon: Sa pamimitas nila ng bulaklak sa Gubat ay aksidenteng nabangga ni Martha ang punso.

Kasukdulan: Nang dahil sa galit ng mga nuno sa punso ay nagkaroon ng malubhang sakit si Martha at hindi na nila alam kung anong gagawin.

Kakalasan: Nanghingi ng tulong ang mag-asawa sa isang magaling na albularyo at pumunta sa punso para manghingi ng tawad at mag-alay

Wakas: Tinanggap ng nuno ang alay at ang paghingi ng tawad ni Martha at tuluyan na siyang gumaling.

DIYALOGO (UNANG TAGPO. SA BAHAY)

Maria: " Anak, bangon na. Kakain na tayo." (Sigaw ni Maria habang naghahanda ng pagkain) Martha: "Opo inay, saglit lang po." (Habang nililigpit ang higaan) Maria: "Sige, kumain ka ng marami anak." (habang nilalagyan ng pagkain ang pinggan ni Martha) Martha: "Nay, nasaan po ba si Tatay?" Maria: "Umalis ng maaga anak, nagpunta sa sakahan." Martha: "Ganun po ba nay, Sige po kumain na din po kayo. Tapos ako na po ang maghuhugas ng pinggan mamaya."

(Sa pagsapit ng Tanghali, habang nagwawalis si Martha sa bakuran. Nakita niya ang kanyang Tatay na paparating)

Martha: "Tay!" (tumatakbo patungo sa kanyang Tatay) Manuel: "O anak, Tara pasok na tayo sa loob." (Habang nakayakap sa anak) Martha: "Sige po itay."

(Pagapasok nila sa bahay ay kumain na sila ng tanghalian)

Martha: "Nay, tay. Pwede po ba akong maglaro mamaya kasama ang mga kaibigan ko?" Manuel: "OK lang naman anak, basta 'wag kayong masyadong lumayo" Martha: "Opo itay, salamat po." (Tuwang-tuwa) Maria: "Mag-iingat ka anak ha." Martha:"Nay, tay. Alis na po ako." (Tumatakbo palabas)

(Sa labas ng Bahay)

Leah: "Tara Martha, punta tayo sa Gubat." (Habang hinihila si Martha) Jane: "Mamimitas lang tayo ng mga bulaklak. Tara na! " (Sabay hila) Martha: "Sige na nga. Tara!"

(IKALAWANG TAGPO. SA GUBAT)

Jane: "Ito oh! Ang ganda ng kulay." (habang hinihipo ang bulaklak) Leah: "Oo mga, kunin mo na Jane." Martha: "Leah, Jane. Tingnan niyo may maliit na bundok." (Sabay turo sa punso) Leah: "Oo nga!" Martha: "Lapitan natin" Jane: "Tara!" Martha: "Paunahan tayo!" (tumakbo ng malakas) Jane at Leah: "Martha!.." (Sigaw ng dalawa) Martha: "Ahhh!!" (Sigaw ni Martha) (BOGGSSS) Martha: " Aray!" (Nabangga si Martha sa punso)

Leah: "Patay Martha, nasira mo ang maliit na bundok." Martha: "Hala, Oo nga! Patay!" Jane: "Ui, uwi na tayo magdidilim na" (nag-alala) Martha: "Oo nga, Tara!" (IKATLONG TAGPO. SA BAHAY)

Martha: "Nay, Tay. Nadito na po ako." (Matamlay) Maria: "O anak, anong nangyari sayo? Bakit ang tamlay-tamlay mo?" Manuel: "Baka napagod lang yan sa paglalaro Mahal." Maria: "Sige na, kumain na tayo." (Pagakatapos kumain) Martha: "Nay, matutulog na po ako." Maria: "Sige anak, magpahinga ka na." (Habang natutulog si Martha) Maria: "Mahal, ang taas ng lagnat ni Martha." Manuel: "Saglit lang Mahal, bibili muna ako ng gamot." (Nagmamadaling lumabas) (Pagsapit ng umaga ay hindi parin bumababa ang lagnat ni Martha bagkus Kay lalo pa itong lumala. Kaya nanghingi sila ng tulong sa isang magaling na albularyo.)

(IKAAPAT NA TAGPO. SA BAHAY NG ALBULARYO)

Manuel: "Tatang, tulungan niyo po ang anak ko, pagalingin niyo po siya." Albularyo: "Sige ijo, susubukan ko." (Gumawa ng ritwal) Albularyo: "Naku ijo, malaki ang kasalanan ng anak mo! Nasira niya ang punso na may nakatiramg nuno kay labis² ang galit nito. Maria: " Ano po ba ang kailangan naming gawin?" (Nag-aalala) Albularyo: "Kailangan ninyong pumunta sa gubat bukas ng umaga para humingi nga tawad at magdala kayo ng puting manok bilang alay." Manuel: "Gagawin po namin iyon." (Kinabukasan ay nagpunta sila Maria, Manuel at Martha sa gubat kasama ang albularyo. Pagdating nila sa punso.)

(IKALIMANG TAGPO. SA GUBAT) Albularyo: "Mga munti kong kaibigan naririto kami ngayon dala ang isang puting manok, simbolo ng paghingi ng tawad ng batang ito sa kanyang nagawang pinsala sa inyong tahanan." (Habang pinuputol ang liig ng manok) Martha: "Patawarin niyo na po ako. Hindi ko naman po sinasadyang masira ko ang bahay ninyo." (Umiiyak) Maria' "Patawarin niyo na po ang anako ko. Maawa po kayo." (May lumabas na isang nuno sa punso) Nuno: "Pinapatawad ka na namin bata, at tinatanggap namin ang inyong alay. Alam naman natin na lahat tayo ay nagkalasala at sino naman kami para hindi magpatawad. Martha: " Maraming salamat po." (Masayang-masaya) Nuno: "Walang anuman bata."

(Mula noon ay gumaling ang sakit ni Martha at naging kaibigan na rin niya ang mga nuno na nakatira sa punso.)

-Wakas-

2,748 views0 comments

Recent Posts

See All

"PAGSISIKAP" Eunice Evangeline Viodor

Tauhan: Xyl / Terso (Ama) / MC / Ate Linda / Ate Resa Tagpuan: Interview sa telebisyon Tagpo: Banghay: • Simula: Nag simula ang kwento...

Comments


© 2023 by Christine Jay Ancog Proudly created with Wix.com

bottom of page