top of page

"PANGAKO SAYO" ni:Rovilen A.Santuele

Writer's picture: HUMMS AHUMMS A

Unang tagpo:sa Bahay

Narrator: Sa bayan ng Santa Rosa ay nay nakatirang mag aasawang nagngangalang istoy at istay.Bawat kilos nila ay kanilang pinag aawayan ng kadahilanan ay hindi pag kakaunawaan.Umaaga pa lamang ay sumigaw na si Istay ang asawa ni Istoy tungkol sa kanyang asawa na labis na katamaran at tsismosiro.

Istay:Istoy! Istoy:Istay bakit? Istay:Putang Ina mo!andyan kana naman sa kapithbahay,palagi ka na lang nandyan,wala kana lang magawa kundi ang pag tsismisan,mas inuna mo pa ang pagtsisismis na iyan na walang silbi.Hindi ka man lang nag saing ng almusalan.Umuwi ka nga rito at madami ka pang dapat gawin! Istoy:(nag bingi binghan) Sandali lang istay my love,tatapusin ko muna ang pag uusap namin ni mariang.

Narrator:Nakalipas ang limang minuto ay nanatili paring nag uusap ang dalawa tungkol sa kapithbahay nilang naagang nabuntis.Hindi namalayan ni istoy na papalapit na ang kanyang asawa sa kanyang pinaroroonan at ito'y galit na galit at may hawak na itak.

Istay:Humanda ka sakin! Papatayin kita dahil wala kang silbi sa pamamahay na ito.Nagbibigay sakit ka lang sa ulo,tsaka dagdag gastos ka pa! Letche ka! Kaya lumayas kana sa pamamahay na ito,huwag mong hihintayin na mapatay pa kita! Kaya layasssss!!"

Ikalawang tagpo:sa kalsada

Narrator:Agad tumakbo si Istoy ng mabilisan upang hindi maabotan ni istay,sa pag aakala niya na papalapit ng makarating si Istay sa kanya ay tumigil siya sa pagtakbo at lumuhod sa harapan ni Istay at humingi ng tawad na hindi na daw niya uulitin.

Istay: Tumayo ka diyan! Hindi mo ako madadala sa mga kadramahan mo.tayo! Kung hindi ka tatayo,wag mong hihintayin na gawin ko talaga ang mga sinabi ko!.pag bilang ko ng dalawa ay dapat nakatayo kana. Isa.(hindi pa nga nakabilang ng isa ay tumayo na agad si istoy) Istoy:(tumayo ng mabilisan,at nagmamakaawa kay Istay)Istay my love,sorry na ouh,,patawarin mo na ako darling.Ipapangako ko sayo na hindi na talaga mauulit"promise" magbago na talaga ako(Agad nag Cross my heart sign si Istoy na nagpapatunay na hindi na talaga niya uulitin iyon.)

Narrator: Hindi agad sumagot si Istay at nanatiling nag taas noo parin.

Istay:Panindigan mo yang mga sinasabi mo,dahil sa oras na magkakamali ka ay hindi talaga ako magdadalawang isip na patayin ka. Istoy:Oo darling pangako ko yan sayo,asahan mo,magbago na talaga ako. Istay:darling ka diyan

Narrator:Binigyan ng isa pang pagkakataon ni Istay ang kanyang asawang si Istoy na kung saan ay iniingatan na talaga niya ang bawat kilos niya upang hindi mapagalitan at higit sa lahat ay hindi mapatayan ng kanyang asawa.Dahan dahan niyang iniwasan ang pangangapit bahay dahil isa ba yon sa rason na madalas nilang pag aawayan.

240 views0 comments

Recent Posts

See All

"Pagpapatawad" Ni: Danica A. Pagapong

Tauhan: Martha- batang naka bangga sa punso. Tauhang Lapad Maria- ina ni Martha. Tauhang Lapad Manuel - ama ni Martha. Tauhang Lapad...

"PAGSISIKAP" Eunice Evangeline Viodor

Tauhan: Xyl / Terso (Ama) / MC / Ate Linda / Ate Resa Tagpuan: Interview sa telebisyon Tagpo: Banghay: • Simula: Nag simula ang kwento...

Commentaires


© 2023 by Christine Jay Ancog Proudly created with Wix.com

bottom of page