“Ang Gabi” Ni: Melinda L. Pilongo
- HUMMS A

- Mar 17, 2018
- 3 min read
[Tagpo 1.]
Sa isang mamahalin at romantikong lugar ay dinala ni Jan ang kaniyang pitong taon na niyang kinakasama nasi Rose.
Waiter: Ito na po yung order niyo sir.
Jan: Salamat!
Waiter: Maraming salamat din sir! At mag-enjoy po kayo.
Umalisang waiter at si Rose at Jan ay nagsimulangkumain.
Rose: Sa pitong taon nating pagsasama ay ngayon ko lang naranasan na idala mo ako
Sa ganitong magandang lugar.(masaya)
Jan: Alam mo naman na masyadong gipit ako dati diba.
Rose: Alam ko naman, nasisiyahan lang naman ako sa iyong surpresa. Ano bang meron?
Eh, hindi naman kaarawan natin ngayon o anibersayo.(patanong)
Jan: Wala lang, gusto ko lang ibigay sayo ang gabing ito na isa sa magagandang
Mangyayari sa buhay mo.
Habang sila ay kumakain ay sinabayan sila nitong isang magandang tugtog ng mga musikero. At nang matapos na silang kumain ay niyaya ni Jan si Rose nasumayaw.
Jan: Rose, maaring ba tayong sumayaw?(medyo pa-awa)
Rose: Oo naman, sayang din lang naman ang tugtog kung hindi tayo magsasaya..(masaya)
Habang silay nagsasayawan ay sinabayan din nila ito ng kanilang pag-uusap.
Rose: Para saan batalaga ‘tong araw na ito? Medyo kinakabahan na ako ha.(medyo
kinakabahan)
Jan: Ahm! Nais ko lang naman na mapasaya din kita sa araw na’to(masaya).
Rose: Ahm! Kung sabagay, minsan ko lang naman ‘tong maranasan muli kaya susulitin
Ko nalang ‘tong pagkakatong ito.(masaya)
Jan: Sana kahit dito man lang ay napasaya na kitang muli.
Rose: Ano ka ba? Sino ba ang hindi magiging masaya sa binigay mo ngayon. Salamat ha,
Dahil ikaw nalang talaga ang nakakapagparanas sa akin nito simula ng mawala
Na ang aking magulang. (masaya)
Jan: Salamat din, sana ngayong gabi na ito ay pang habangbuhay na natin dadalhin
hanggang mawala na tayo sa mundong ito. Kaya Rose? (lumuhod)“WILL YOU
MARRY ME?”(nagpakita ng sing sing)
Rose: Jan? Yes! I will marry you. (maiyak na masaya.)
Jan: Yes! Thank you, Rose (humalik)
Rose: Ikaw ha! Kaya pala medyo akong kinakabahan kanina ha, ito pala ang
mangyayari. (masaya na medyo nagbibiro)
Nang sinagot na si Jan ni Rose ay patuloy parin sila sa kanilang sayawan.
Rose: Ngayong akin na akin ka natalaga.Tuparin mo yong pangako mo na tayo na
habang buhay.
Jan: Pangako, Rose pinakamamahal ko. (nangako)
Rose: Sana wala na tayong sekreto, lalong-lalo na ay ikakasal na tayo sa tamang
panahon.
Jan: Siyempre, Pangakong-pangako natin yan habangbuhay.
Habang sila ay nagaku-kwentuhan sa kanilang sayawan ay biglang may babaeng dumating na parang gusto niyang mang-away.
Scarlet: Ano to Jan? (nagagalit)
Rose: Sino ka? Ba’t kilala ka ng babaeng yan Jan? May tinatago ka bang
sekreto? (naguguluhan)
Scarlet: Ako lang naman ang nanay niya! (galit)
Jan: Ma! Wag naman din dito oh!(nagmamaka-awa)
Scarlet: Jan! Alam mo naman diba naikakasal ka nabukas diba. Tsaka, maghapon
Kitang hinanap, andito ka lang pala.
Rose: Anong ikakasal Jan? Diba ako ang iyong pakakasalan at mamahalin mo na
habangbuhay? Pero ano 'tong sinasabi ng mama mo? (tanong na naguguluhan)
Jan: Sorry, Rose hindi ko nasabi na pinagkasundo na nila ako sa ibang babae. Pero kahit
ganun ay ayaw ko naman makasal sa babaeng hindi ko nakilala. Kaya tumakas ako
sa kanila. Dahil ikaw lang talaga ang gusto kong makasama.( maiyak na
nagpapatawad)Kaya ma! Umalis ka
na dito, hindi ako magpapakasal dahil itong babae na nasa harapan niyo ay
pakakasalan ko
na, kaya umalis na kayo dahil kung anong pilit niyo sa akin ay sasama ako ni Rose.
Scarlet: Ano? Bakit mo to nagawa Jan, baling araw ay pagsisihan mo ito. (galit)
Jan: Yan ang hinding-hindi ko pagsisihan ma! Dahil kuntento na ako sa buhay ko kapag
Kasama ko ang gusto kong makasama habang buhay.
Matapos nang nasabi ni Jan sa kaniyang nanay ay umalis itong nagagalit dahil hindi ito nakapag-pigil. Nang umalis nanay ni Jan ay umupo sila ni Jan at nag-usap.
Rose: Jan? Diba sabi ko sayo na walang taguan ng sekreto? Pero sinira mo
‘yon. (umiiyak)
Jan: Patawad Rose (lumuhod), hindi ko nasabi sayo pero napatunayan ko naman sayo
Diba sa harap ni mama na ikaw ang mahal ko. (umi-iyak na nagpapatawad)
Rose: Tumayo ka na Jan! Pinapatawad nak ita, kaya sa susunod ay wala na talaga
Tayong taguan ng sekreto. Nasira man ang gabing ito ay gusto kong ipagpatuloy
Parin ang nasimulan na natin.
Jan: Salamat Rose, dahil muli mo akong tatanggapin sa iyongbuhay.
Matapos silang mag-iyakan at nag–pakatawaran ay muling isinayaw ni Jan si Rose. At sinulit nila ang gabing yon hanggang matapos. At umuwi sila nang masayang-masaya.


Comments