“ANG KAGAT NG LANGGAM” Ni: Angelie Aspe
- HUMMS A
- Mar 15, 2018
- 4 min read
Naglalaro kami noon kasama ng pinsan kong si Vilen ( palayaw niya) noong bata pa kami. Isang hapon iyon at naglinis rin si mama sa bakuran namin noon, habang masaya kami sa paglalaro ng pinsan ko, nagtatawanana kami ng habang naghahabulan at minsan pa ay nag-aaway kami nun’ ng pinsan ko dahil lang sa kahoy na nakita namin haha! Nakakatawa talaga.
Ang aking ina na si Flora ay abalang-abala naman sa paglilinis, pagdidilig ng halaman at pati na rin sa pagbubungkal ng mga tanim na hindi kasali sa tanim ni mama. Habang siya’y abalang-abala lumapit kay mama ang ina ng pinsan ko, siya si Ate Bety (palayaw niya) at ng nakalapit na siya kay mama nagkausap sila at minsan nagtatawanan pa habang kami naman ng pinsan ko nasisiyahan sa paglalaro sa labas at nung malapit nang magdilim na hindi ko napansin na natapakan ko na pala ang bahay ng langgam at dahil marami daw ang langgam na natapakan ko kumalat ang mga langgam sa katawan ko at kumalat yun pati sa mukha at sa ulo ko, kaya umiyak ako ng umiyak dahil hindi ko na mabuksan ang aking mga mata dahil namula-mula na ito at ang sakit pa.
Sumasakit na ang lahat ng katawan ko nun’ hindi na nga ako gumagalaw kaya nilapitan ako ni mama at ni auntie at natulala lang si velin parang naguluhan sa nagyayari dahil bata pa nga kami nun’ at dali-daling tinanggal ni mama yung suot kong damit at kinuha lahat ng langgam na sa katawan ko, at pinapasok na ako ni mama sa bahay at umuwi narin sina auntie at ang pinsan ko. Hindi parin ako tumitigil sa kakaiyak nun’ dahil akalain mo kingat ng langgam ang katawan ko at isa pa, hindi ko na mabuksan ang mga mata ko, kaya sa mga oras na iyon nakasarado lang ang mga mata ko at nang dumating na si papa nagtataka ito kung anong nagyayari sa bahay dahil minsan iiyak talaga ako, kaya tinatanong ni papa si mama kung anong nangyari sa akin yun’ sinabi lahat ni mama ang nangyari at pati sina lolo at lola nagtaka na rin sa nangayayrari sa akin. Bakit daw kumalat pati sa uluhan ko ang kagat ng langgam at hindi rin alam ni mama eh!. Kinaumagahan naging mapula na lahat ng katawan ko at lumaki rin ang kagat ng langgam, kaya pagkagising na pagkagising nila mama at papa nagplano na sila kung saang lugar nila ako dadalhin at bago pa sila naka desisyon na ipagamot ako nilapitan muna ako ni lolo at ginamot niya ako.
Si lolo ay may alam rin kung paano manggamot, ang sa kanya lang ay magdasal lang at yung tinatawag nilang “tayhop”. Si lola at mama ang nagiisip kung saan talaga nila ako dadaldin yung taong marunong talagang manggamot at nang napaisip na sila dinala na nila ako sa isang maggamot, hindi ko alam ang panggalan hindi ko rin alam kug saang lugar. Pagkatapos magpagamot iniuwi na nila ako sa bahay at may pinapahid pa nga silang gamot galing daw iyon sa albularyo na pinuntahan namin, mga dahon iyon sabi ni mama.
Nagdaan ang mga araw, dinala rin nila ako sa hospital at binibigyan naman ako ng gamot sa doctor at pinainom din iyon ni mama sa akin, peru hindi parin nawala ang pula ng katawan ko kaya nag-iisip na naman sila ng ibang albularyo yung mabisang albularyo na makakapagpagaling sa mga kagat ng langgam ko. Lumabas rin ang lagnat ko nun’ dahil siguro sa mga maraming kagat at pinainum muna ako ni mama ng gamut para sa lagnat at pinapahinga muna.
Habang nagtatrabaho sina mama at papa, sina lolo at lola muna ang nag-aalaga sa akin, sila muna ang nagpapainom ng gamot at magpapakain sa akin, minsan nga umiiyak pa ako dahil sa sakit na nararamdaman ko at pinatahan lang nila ako at binilhan ng pagkain at ako naman humihinto na rin sa kakaiyak. Minsan kung matutulog ako sa tanghali saglit nalang akong magigising dahil sa kati at sakit kaya iyak na naman ako ng iyak, at naawa na sina lolo at lola sa akin dahil naging payat na ko kaya dinala nila ulit ko sa isang albularyo at doon na sa lugar nila papa sa dimio. Binuhat rin ako ni papa noon dahil ayaw kong lumakad at ang layo kaya nun’. At nang nakarating na kami sa bahay ng albularyo sinabi ni mama kung ano ang nangyari sa akin at nilapitan ako sa albulayo at ginamot.
Nagdaan ang mga araw pagkatapos naming magpagamot ay unti-unting nawala ang mga namula-mula na kagat ng langgam at nabuksan ko narin ang mga mata ko, at kapag natutulog ako hindi na ako magigising at mahihimbing na ang tulog ko at sa mga susunod na araw unti- unti nang sumigla ang mga pangangatawan ko dahil magana narin akong kumain at minsan lalabas narin ako ng bahay para makipaglaro. Nagbalik na ngiti ng aking mga labi kapag maglalaro kami ng pinsan at kapitbahay namin. Nang dumating ang araw ng kaarawan ko, may inihaw sila mama na baboy at may kunting handaan rin para na rin sa pasasalamat sa poong maykapal na gumaling na ang sakit na nararanasan ko noong tatlong taon pa siguro yun’ at dahil sa mga kagat ng langgam nagkapiklat ang mga balat ko, kaya pinahiran din iyon ni mama ng gamot para sa piklat at nagdaan ang mga araw masayahin na ang mukha ko sa paglalaro kahit may piklat na, hahaha! Binaliwala ko lang ang piklat na iyon.
ความคิดเห็น