top of page

"Ang Kahalagahan ng Pagiging Isang Boy Scout" Ni Melvin Miculob

  • Writer: HUMMS A
    HUMMS A
  • Mar 16, 2018
  • 9 min read

§ Karanasan:

ü Naranasan kong sumali sa jamboree ng Boy Scout kung saan nakalaban namin ang iba’t-ibang kontingents ng buong bohol at isa sa mga roon ay ang Science High School na kung saan sa lahat ng mga kontingents ay sila lang ang umaapi sa amin.

§ Mga Tauhan:

· Pangunahing Tauhan:

ü Melvin C. Miculob- Tauhang Lapad

· Pangalawang Tauhan:

ü Mark Lander(Kasamahan ng Pangunahing Tauhan)-Tauhang Lapad

ü Daryl Gonzaga(Kasamahan ng Pangunahing Tauhan)-Tauhang Lapad

ü Anton Ken Fulguerinas(Kasamahan ng Pangunahing Tauhan)-Tauhang Lapad

ü Lexineth Dolauta(Kasamahan ng Pangunahing Tauhan)-Tauhang Bilog(May-ari ng sasakyan)

ü Taga Science High School(Kasalungat sa pangunahing tauhan)-Tauhang Bilog

· Pangatlong Tauhan:

ü Mga Opisyal Ng Boy-Scout

§ TAGPUAN

ü Sa Loon Elementary School sa Disyembre 13-16 ng alas 9:00 ng umaga sa Probinsya ng Bohol

§ Uri ng Banghay

ü Linear- Nagsisimula sa Umpisa, Gitna Hanggang Wakas

§ Uri ng Tunggalian

ü Tao Laban sa Kapwa

§ Banghay

📷 Simula: Ipinakikilala ang dalawang magkakatunggali sa kompetisyon (Dauis Kontingents at Science High School Kontingents)

📷 Pataas na Aksyon: Nagkakakompetensiya ang iba’t-ibang miyembro o kasamahan ng dalawang kontingents upang makuha ang premyo.

ü Tunggalian:Naghahabulan ang dalawang kontingents para sa premyo ngunit hindi naging patas ang mga miyembro sa kontingents ng Science High.

📷 Kasukdulan: Pinahiya ng taga Science High School ang kontingents ng Dauis at gayunman ay pinahiya din ng kontingents ng Dauis ang taga Science High School sa pamamagitan ng masasakit na mga salita at nagkakainitan ang isang kasamahan na mula sa Dauis kontingents at dalawa naman sa Science High School dahil sa hindi pantay na paglalaro ng taga Science High School.

📷 Kakalasan: Nagpatuloy ang pag-aaway hanggang sa nakita ito ng isang opisyal o mga opisyal at unti-unting pinagsasabihan sa mga batas at regulasyon ukol sa palaro.

📷 Wakas: Dahil sa nakita ng opisyal ay inutusan na makipagbati ang dalawang kontingents sa pamamagitan ng pakikipagkamay at binigyan ang dalawang kontingents ng mga Badge bilang palatandaan ng pagiging masunurin at pagkakaibigan. Naiuwi ng Kontingent ng Dauis ang bandera at premyo dahil sa pandaraya ng taga Science High School.

§ Uri ng Maikling Kuwento:

ü Kwento ng Madulang Pangyayari

§ Tema:

ü Pakikipagkaibigan

§ Simbolismo:

ü Estrada(Mayaman)

ü Badge(palatandaan ng pagiging masunurin at pagkakaibigan)

ü Kawayan,Pako,Martilyo at Lubid(Pagiging matatag sa anumang oras)

§ Tono:

ü Galit at Masaya

§ Pahiwatig (Foreshadowing):

ü Flashback

§ Pamagat:

ü Ang kahalagahan ng Pagiging Isang Boy Scout

§ Uri ng Kwento

ü Kwentong Trahedya

§ Karanasan:

ü Naranasan kong sumali sa jamboree ng Boy Scout kung saan nakalaban namin ang iba’t-ibang kontingents ng buong bohol at isa sa mga roon ay ang Science High School na kung saan sa lahat ng mga kontingents ay sila lang ang umaapi sa amin.

§ Mga Tauhan:

· Pangunahing Tauhan:

ü Melvin C. Miculob- Tauhang Lapad

· Pangalawang Tauhan:

ü Mark Lander(Kasamahan ng Pangunahing Tauhan)-Tauhang Lapad

ü Daryl Gonzaga(Kasamahan ng Pangunahing Tauhan)-Tauhang Lapad

ü Anton Ken Fulguerinas(Kasamahan ng Pangunahing Tauhan)-Tauhang Lapad

ü Lexineth Dolauta(Kasamahan ng Pangunahing Tauhan)-Tauhang Bilog(May-ari ng sasakyan)

ü Taga Science High School(Kasalungat sa pangunahing tauhan)-Tauhang Bilog

· Pangatlong Tauhan:

ü Mga Opisyal Ng Boy-Scout

§ TAGPUAN

ü Sa Loon Elementary School sa Disyembre 13-16 ng alas 9:00 ng umaga sa Probinsya ng Bohol

§ Uri ng Banghay

ü Linear- Nagsisimula sa Umpisa, Gitna Hanggang Wakas

§ Uri ng Tunggalian

ü Tao Laban sa Kapwa

§ Banghay

📷 Simula: Ipinakikilala ang dalawang magkakatunggali sa kompetisyon (Dauis Kontingents at Science High School Kontingents)

📷 Pataas na Aksyon: Nagkakakompetensiya ang iba’t-ibang miyembro o kasamahan ng dalawang kontingents upang makuha ang premyo.

ü Tunggalian:Naghahabulan ang dalawang kontingents para sa premyo ngunit hindi naging patas ang mga miyembro sa kontingents ng Science High.

📷 Kasukdulan: Pinahiya ng taga Science High School ang kontingents ng Dauis at gayunman ay pinahiya din ng kontingents ng Dauis ang taga Science High School sa pamamagitan ng masasakit na mga salita at nagkakainitan ang isang kasamahan na mula sa Dauis kontingents at dalawa naman sa Science High School dahil sa hindi pantay na paglalaro ng taga Science High School.

📷 Kakalasan: Nagpatuloy ang pag-aaway hanggang sa nakita ito ng isang opisyal o mga opisyal at unti-unting pinagsasabihan sa mga batas at regulasyon ukol sa palaro.

📷 Wakas: Dahil sa nakita ng opisyal ay inutusan na makipagbati ang dalawang kontingents sa pamamagitan ng pakikipagkamay at binigyan ang dalawang kontingents ng mga Badge bilang palatandaan ng pagiging masunurin at pagkakaibigan. Naiuwi ng Kontingent ng Dauis ang bandera at premyo dahil sa pandaraya ng taga Science High School.

§ Uri ng Maikling Kuwento:

ü Kwento ng Madulang Pangyayari

§ Tema:

ü Pakikipagkaibigan

§ Simbolismo:

ü Estrada(Mayaman)

ü Badge(palatandaan ng pagiging masunurin at pagkakaibigan)

ü Kawayan,Pako,Martilyo at Lubid(Pagiging matatag sa anumang oras)

§ Tono:

ü Galit at Masaya

§ Pahiwatig (Foreshadowing):

ü Flashback

§ Pamagat:

ü Ang kahalagahan ng Pagiging Isang Boy Scout

§ Uri ng Kwento

ü Kwentong Trahedya


Nang araw noong Disyembre 13,2012 ay nagsasabayan na pumunta kaming mga magkakaibigan sa Loon Elementary School upang makilahok sa Jomboree ng Boy Scout. Sinimulan ng isang miyembro namin ang panalangin bago umalis. “Sana’y patnubayan nyo po kami sa aming tatahakin at sana’y malampasan namin ang ano mang pagsubok na aming haharapin,” ang wika ni Daryl. “Amen”, sabi naman ng mga nakangiti naming mga miyembro. Nagsimula ng maglakbay ang aming grupo sakay sa isang sasakyan na tinatawag na Estrada na minamaneho ni Lexineth.


“Sana manalo tayo sa kompetisyon doon”, ang pakabang wika ni Mark Lander na. “Aba siyempre naman, hindi yata magpapatalo ang mga taga Dauis diba?, malakas kaya tayo at isa pa nananalangin naman tayo diba?”, sagot ko naman sa kanilang lahat. Masayang nagkukwentuhan ang iba pang mga miyembro hanggang ang iba ay sumasakit ang tiyan dahil sa sobrang katatawa. “Teka nga muna, bakit ba ang tahimik mo Anton? May problem aka ba ha?”, tanong naman ni Daryl kay Anton.


“Aba naman wala. Excited na excited na kasi akong makita ang makakalaban natin”, sagot ni Anton sa tanong ni Daryl. “Baka kasi matalo tayo sa kompetisyon doon”, sagot naman ni Mark Lander. Nasabi ito ng dalawa upang bigyang paalala ang iba pang miyembro na huwag maging kampante at upang tumatag pa ang loob ng aming mga kasamahan. Alas otso (8) na ng umaga ng maabot nila ang Maribojoc. Isang lugar na kung saan ditto dumadaan ang mga taong pumupunta sa Loon at kalapit na lugar nito. Nakita ko ang magandang simbahan ni Sr. San Vicente. “Kay ganda naman ng simbahan nila rito, mukhang magkamukha lang sila sa ating simbahan sa Dauis,” wika ko ng makita o ang magandang simbahan.


“Oo nga, ang ganda kahit na medyo luma na ay maganda pa ring tignan. “Okay ka pa ba dyan Lexineth?, baka bumangga tayo dyan ha? Umimik ka naman ng konte”, sagot ni Daryl saba’y tanong kay Lexineth. “Oo naman brad, okay lang ako rito; nasisiyahan kasi ako sa mga salitang lumalabas sa bibig ninyo tungkol sa simbahan”, sagot ni Lexineth. “Patugtugin mo naman ang sound box mo”, ika ko kay Lexineth upang hindi kami mawalan ng gana sa paglalakbay.


Pinatugtog ni Lexineth amg sound box hanggang sa mga ilang sandali ay naabot na namin ang Loon Elementary School. Alas nuwebe(9) na iyon ng umaga ng kami ay makarating at bumaba ang lahat sabay tanaw sa malawak na plaza at sa magagandang silid-aralan na may iba’t-ibang dekorasyon pang pasko.

“Talagang pinaghandaan nila ang pagdating natin,” sabi ko sa kanila habang nakangiti. “Oo nga kaya’t sulitin natin ang pagsali natin rito at iuwi natin ang bandera para sa mga taga Dauis”, sagot ni Anton.


Sumigaw ng malakas ang lahat, “Go! Go! Go!, Fight! Fight! Fight! Team Dauis”. Nakita kami ng ibang contingent at nakita ko ang nakasulat sa kanilang damit na Science High School. Nakatingin sa akin ang isa na para bang bomba na puputok kung makatingin sa akin. Napaisip tuloy ako kung mayroon baa kong kasalanan na nagawa at isa pa bago pa kami nakarating doon.


“O brad”, ang sama ng tingin ng isang yun sayo ah?, kilala mo ba siya?”, wika ni Anton na may nais gustong malaman.


“Ano Melvin? Banatan na natin ang isang yon? Kung makatingin parang demonyo,” sabi ni Lexineth sa akin sabay tapik sa aking braso. “Hindi! Hindi!, ano ka ba naman Lexineth, tigilan mo nga yang kaangasan mo; baka yan pa ang maging dahilan na madiskwalified tayo at hindi natin maiuuwi ang ang bandera at ang premyo. Sayang lang ang eport ng pagpunta natin dito”, sagot ko sa kanilang dalawa. “Oo na, Oo na!, pero kapag sasaktan ka man o kahit ni isa sa ating mga kasamahan ay baka di ko mapigilan ang sarili ko at tatamaan siya ‘akin,” sagot ni Lexineth ng paulit-ulit sa akin

Hindi nalang ako umimik dahil alam kong nagging ganoon na ang ugali niya simula noong nagging mabait siya nung una ngunit sinaktan siya ng isang mag-aaral na taga kabilang seksyon noong nasa ikalimang(5) baiting pa lamang siya.


“Lumapit na ang lahat sa may istage dahil magsisimula na tayo sa ating palaro at ibibigay namin sa inyo kung sino ang makakalaban ninyo sa kompetisyong ‘to,” wika ng opisyal ng Boy Scout sa lahatng kontingents.


Nakangiti ang lahat na may kompyansa sa sarili at pinapanalangin ko rin noong araw na iyon na sana ay maging maayos ang paglalaro namin at ni-walang ibang miyembro sa grupo ang masasaktan maging sa ibang kontingents man.

“Ang unang maglalaban, mula sa kontingent ng Science High School Tagbilaran at ang kontingent ng Dauis; ang palaro natin ay tinatawag na Bahay, Bahay nasaan ka na,” wika ulit ng opisyal ng Boy Scout.


“Aba nga naman ang suwerte, madali lang umabot. Makikita ko na rin ulit ang lalaking masamang makatingin sayo Melvin,” wika ni Lexineth. Ni hindi ko malaman-laman kung bakit ganoon nalang kasabik si Lexineth na makita ulit ang lalaking yon at naiisip ko na baka may masamang pinaplano ito. “Hoy Lexineth? Baka ano na naman ang binabalak mo, baka madiskwalified tayo. Tandaan mo yan ha?” sabi ko ng pataas sa kanya.


Nagkita ulit kami ng lalaking masama kung makatingin sa akin at nasabi ko sa sarili kong talagang may masamang binabalak ito.

Ilang sandali ay ay nagsimula na ang palaro, ang “Bahay, bahay nasaan ka na”. Paunahan sa paggawa ng bahay gamit ang lubid, kawayan, at cogon(isang damo na parang tanglad).


Sa madaling salita, naging busy ang lahat at ito naman ang naging oras sa pag-alis ng opisyal para mag-ayos sa mga pa-premyo at iba pang mga programa. Yun nga, naiwan kaming dalawang kontingents. Habang patagal ng patagal ay nagtaka ako kung bakit ang dali lang nila na nakapag-ayos sa pagtayo ng bahay hanggang sa napansin rin ito ni Lexineth at Anton na parang nakakita ng multo. Talagang namangha ang dalawa at habang lumilipas ang oras ay nalaman ni Lexineth na gumagamit pala sila ng pako at martilyo upang mapadali ang paggawa ng bahay para manalo at makuha ang premyo. Ni hindi mo marinig ang paglapag ng martilyo dahil sa maraming tao ang nakakalat sa plaza.


“Aba naman, kahit sa paglalaro ay hindi talaga maiiwasan ang pandadaya,” sabi ni Lexineth at Daryl sabay naka-ekis ang kilay.


Narinig ito ng ibang mga miyembro sa kontingent ng Science High School at ng narinig nila ito ay kinantahan kami ng isnag kanta na may halong masasakit na salita. “Dauis, dauis kung makapagsalita’y parang walang is(s),” ang kanta ng taga Science High School sabay hiyaw ng iba nilang miyembro. Paulit-ulit nila itong kinanta hanggang sa napahiya kami at dahil doon ay binanatan din namin sila.

“Science High! science high!, U-T-I, science Tagbilaran.” Nagkainitan kaming dalawang grupo hanggang sa lumapit si Lexineth ang lalaking sabik na sabik na makita ang lalaking masama kung makatingin sa akin. Sinuntok niya ang isang miyembro mula sa kontingent ng Science High dahil sa pandaraya nila bilang kabayaran.


“O, eto para sayo brad,” sabi ni Lexineth sabay suntok sa mukha. “Aray, ang yabang mo ah!” wika ng lalaki na sinuntok ni Lexineth.

Lumapit sa akin ang lalaki na masama kung makatingin sa akin dala ang martilyo at inilapag niya ito sa bahay na ginawa namin at gusting-gusto ko talaga siyang suntukin ng walang tigil hanggang sa mawalan ito ng malay ngunit napaisip ako na hindi ito mabuti at hindi nalang ako lumaban, ngunit kahit na hindi ko siya pinatulan ay bigla niyang inilapag ng malakas ang martilyo sa aking paa at ito’y nagdurugo ng nagdurugo. Napasigaw ako ng malakas na para bang nahulog sa mataas na bilding.

“Araaaaayyyyy,” wika ko ng malakas na pagsigaw at galit na galit. Dali-dali namang kumuha ng first aid kit ang ka grupo ko at tinulungan nila ako hanggang sa maya-maya ay nakita kami ng opisyal sa Boy Scout at napatanong ito. “Anong nangyari? Bakit nagdurugoa ng paa mo?” tanong ng opisyal sa aming lahat. “Binagsakan po ng martilyo ang paa niya ng isang miyembro na mula sa Science High School, kanina pa yon nung pagdating namin na masama kung makatingin o sabihin nalang natin na masama talagang makatingin kay Melvin,” sagot ni Anton sa opisyal.


Ginamot nila ang sugat sa aking paa at dahil sa nagyari ay paakay-akay na ako kung maglakad dahil nga sa masakit. Ipinag-utos ng opisyal na lipunan ang lahat ng mga miyembro mula sa Science High School kabilang na ang sa amin at pinagsabihan ulit kami sa mga batas at alituntuninng isang Boy Scout at para malaman rin ang totoong nangyari. “Nais kong tipunin ninyo ang lahat ng miyembro ninyo upang mapagsabihan ko sila at ng malaman na rin ang totoong nangyari kay Melvin,” wika ng opisyal na parang nagagalit.


“Sila kasi sir eh, nandaya. Gumamit ng pako at martilyo upang mapadali ang paggawa ng bahay at upang manalo sa kompetisyon,” ang sabi ni Anton sa opisyal. “Ano? Nandaya nag Science High School?,” pasigaw na nagtanong ang opisyal.

“Opo sir!,” ang sagot naman ni Mark Lander. “Kawawa po si Melvin dahil binagsakan ng isang lalaki na taga Science High ang paa niya ng martilyo,” pahabol na sinabi ni Mark.


Tinignan ng opisyal ang bahay na ginawa ng Science High at nakita na talagang ito’y nandaya. Tinabunan ng lubid ang dulo ng kawayan upang hindi halata na gumamit sila ng pako at sinabi ng opisyal na “Makipagkamay kayo sa isa’t-isa bilang tanda ng pagkakaayos at pagkikipagkaibigan kahit na may nagawang mabigat na kasalanan ang kabila.” Nakipagkamay kami sa isa’t-isa at humingi ng tawad ang lalaking nagbagsak ng martilyo sa aking paa at ito’y umiyak. “Patawad aking kaibigan,” wika niya sabay sa pag-agos ng kanyang luha. Nagsalita ulit ang opisyal na para bang may nais gustong linawin sa nangyari.


“Dahil sa pakikipagkamay nyo sa isa’t-isa ay bibigyan ko kayo ng Badge at dahil sa ginawa ng taga Science High na pandaraya ay magiging diskwalified na sila at utomatik na ang premyo ay ibibigay ko sa kontingent ng Dauis bilang kabayaran ng inyong pandaraya at pasakit sa isa nilang kasamahan.” Napaiyak ang lahat ng miyembro ng Science High School at Higit sa lahat ay pinahiya nila ang kanilang sarili at nadungisan pa nila ang pangalan ng kanilang eskwelahan. Naging masaya ako sa nangyari kahit na ako ay nasaktan.


“Yeeeheeeeyyy,” wika ng iba kong mga kasamahan. Humingi ulit ng tawad ang taga Science High School at si Lexineth sa isang lalaki na kanyang nasuntok at dahil doon ay nagkaayos ang lahat at higit sa lahat ay naiuwi namin ang premyo at ang bandera na para sa mga taga lungsod ng Dauis. Nakaka-proud lang dahil kami ang nagdala sa napakahalagang pangalan ng lungsod at masayang-masaya kaming lahat habang nagkakantahan at iyon ang araw na di ko makakalimutan bilang isang Boy Scout.


20th Provincial Jamborette

“Scouting Builds Community”

Recent Posts

See All

Comments


© 2023 by Christine Jay Ancog Proudly created with Wix.com

bottom of page