"Ang Kwento ni Pina" Ni Jay Ann Galacio
- HUMMS A

- Mar 16, 2018
- 2 min read
Noong unang panahon may isang mag-anak na nakatira sa bukid na tinatawag na Baryo Talahib. May magkasintahan na nag-iibigan at ang pag-ibig na iyon ay nagbunga ng isang magandang bata. Masaya ang kanilang pamumuhay. Nakatikim sila ng kaunting kasaganahan. At may isang matandang babae na napadpad sa Baryo Talahib at dahil sila lang ang maykaya sa kanilang baryo doon pumunta ang matanda at nanghingi ng kaunting tulong.
"Magandang umaga Ineng, pwede bamg makahingi ng makakain at maiinom dahil nanghihina ang katawan ko dahil sa aking paglalakbay. At nakita ko ang iyong tahanan at nagpasya akong huminto. Maari ba Ineng? ", ani ng matanda
"Pasensya na! Wala akong maibibigay sayo. Sa panahon ngayon hindi na basta-bastang binibigay ang pagkain, kailangan mo itong paghirapan. Pwede ka namang magtrabaho sa akin kung gusto mo?"
"Hindi nalang Ineng , Salamat"
At biglang lumabas ang anak ng mataray na babae na si Pina. Tinawag ito ng matanda at may ibinigay na isang bagay at ito'y tinago ni Pina subalit ito pala ang magbibigay ng sumpa sa kanyang buhay na pagsapit ni Pina ng labin walong taong gulang magkakaroon siya ng madaming mata gaya ng isang pinya.
Nang dahil sa trahedyang iyon nagsunod-sunod na ang malas sa kanilang buhay. Humina ang kanilang maliit na negosyo at bumalik sila sa kanilang dating pamumuhay. Natauhan ang ina ni Pina kaya nag kawang-gawa siya sa kanyang kapitbahay at nakita niyang muli ang matanda.
"Ale, pagkain oh mukhang ika'y nagugutom at pagod na pagod" sabi ng ina ni Pina
"Salamat Ineng" ani ng matanda
Nagbago ang isip ng matanda at winakasan na niya ang sumpa ni Pina. Naging maginhawa na uli ang kanilang buhay. Patuloy pa rin sila sa pagtulong sa mga mahihirap at namuhay sila ng masaya at may takot sa diyos.
Comments