top of page

“Ang malagim Kung Taon” Ni Verbelle Marie Ingking

  • Writer: HUMMS A
    HUMMS A
  • Mar 16, 2018
  • 3 min read

Sa isang paaralang DCPNHS sa silid ng senior high building kung saan kasama ko ang isa sa mga kaibigan ko at nagtanong kong bakit daw itong kurso ang kinuha ko ngayon.

“Maraming dahilan bes kong bakit itong kurso ang kinuha ko peru isa sa mga dahilan na ito ang magbago”. Sagot ko sa kanya

“Ahhh bakit naman bes?” Sagot naman niya


Ang piklat na itong siyang alaala ng aking kapahon na dala ng katigasan ng aking ulo. Na siyang muntikan ko ng ika pahamak namuntikan ko ng ikamatay na siyang ikinalala ng hindi na patiwala ng aking mga magulang. Nagsimula lahat ito sa ika sampung baitang ko sa primarya sa hayskul. Isang taon na punong-puno ng pagbabago ko. Nandoon nga unang araw ng pasukan sa hayskul kung saan kaklase ko ang isa sa mga kaibigan ko noon peru hindi masyado. Dumaan ang unang marka nas siyang unti-unti kong pagbabago. Para bang isang mabait na hindi makabasag pingan ay biglang nagbago. Pinabayaan ko ang aking pagaaral na siyang hindi ko ginawa sa buong buhay ko. Nagsimula sa patiki-tikim ng alak, maging sa klase ay nag cutting, at umabasent sa klase para makasama sa barkada. Hindi alam ng aking magulang ang mga pinaggagawa ko na siya na mangikinaalala ko kung tama pa ba ang mgaginagawa ko. Peru imbis na magsisi at pumasok mas lalo akong lumala. Mas hindi ko pinakinggan ang mga matalik kung kaibigan sa klase. Hindi na ganun ang concentration ko sa klase. Para kasing na hati ang ko sa aking sariling pagaaral at barkada. Palagi din akong pinapagalitan nila mama at papa maskin ang dalawa kung kapatid ay galit na din. Dahilan ito sa hindi ko na magawa ang aking mga gawain sa bahay. Hindi ko na sila pinakinggan hanggang umabot sa punto na pinatawag ng guro ko ang aking mga magulang. Na siyang pinapaalam sa aking magulang sa pagliban ko sa klase. Hindi maka paniwala sila ng araw na yun kung bakit ko daw iyon na gawa ano ba daw ang kulang sa kani lang paghihirap. Na tauhan ako bigla na siyang umalarma na hindi na tama ang aking mga pinaggagawa. Nanggako sa aking mga magulang ang aking pagbabago. Dahan-dahan kung tinupad ang iyong dahil ayaw ko na silang magalit at ayaw ko din masira ang tiwala nila sa akin ng tuluyan. Nagpatuloy sa aking mga ginagawa para hindi ko na mapabayaan ang aking pagaaral. Minabuti ko na ng aking pagaaral para maka bawi man lang sa mga sakit sa ulo na ginawa ko saka nila. Lumipas ang buwan sabay sa paglipas ng panahon ang nangyari na siyang ginawa ginawa ko nalang ang aking tungkulin bilang isang istudyante. Umabot na sa punto na malapit na ang umpisa ng praktice para sa moving up. Hanggang sa nagpraktice nga mga araw na nagdaan ng sa aming praktice. Ang mga araw na natitira ay siyang sinulit namin ang mga barkada ko na si Margie at janett.


“Yhadz punta tayo sa bahay.” Sabi ni Janett sa akin.


“Byet sama ka sa amin dun tayu sa bahay nila Janett magpapalipas ng oras.” Sabi ko ni Margie (pumayag nalng siya at dun nag lakad kami papunta sa dauis nun.)


Ang mga araw na nag daan ay sinusulit namin na magkakasama. Hindi man nila sabihin sa akin kung ano ang nadarama nila peru ramdam ko parin ang saya nila dahil sa aking pagdahan-dahang pagbabago. Ang araw na umpisa ng aming praktice na punong-puno ng kagalakan sa aming puso dahil sa wakas matatapos na namin ang junior hayskul. Para sa pagbukas ng bagong hamon ng aming buhay. Marso 23,2017 nung niyaya ako ng aking barkada para sumama sa kanya sa panglao. Sa araw na yun ay sinamahan ko nalang siya para makaiwas dun sa praktice. Peru imbis na makaiwas hindi parin. Mali pala sa aking inaakala na kaiiwas. Naka iwas nga ako sa praktice peru hindi sa disgrasya. Sa araw ng paglapit namin sa kamatayan. Takot na takot kami nun dahil hindi alam ng pamilya ko na lumakad kami ng hindi nagpapaalam sa kaniya. Takot din kami na magalit sila sa amin. Dahil hindi ko na alam kong saan maguumpisa para magtapat sa kanila sa tunay na nangyari. Ang araw na pinagsisihan ko lahat ang katigasan ng aking ulo na siyang pagkatuto ko naman sa mga nangyari.

(tumunog ang bell na siyang uwi.an namin)

“Hala bes uwian nah.” sabi ko sa kanya.

“Aw oo nga pala bes sige bes una ako.” Sabi niya.

(umuwi na kami)

Natapos ang aming kwetohan ng aking kaibigan peru tatak parin sa akin ang nakaraan.

Recent Posts

See All

Comments


© 2023 by Christine Jay Ancog Proudly created with Wix.com

bottom of page