“ANG MAMIMINGWIT” ni: Kevin Mondia
- HUMMS A
- Mar 15, 2018
- 2 min read
Noong gabing ‘yon, kaming tatlong magkakaibigan, at ang pangalan nila ay sina Jason at Mario ay nagkakasundo kami para pumunta ng ilog. Nang kami ay nasa ilog na ay masaya kaming nangunguha/namimingwit ng isda sa ilog, nang marami na kaming nakuha, yong isa kung kaibigan na si Mario ay nagyaya ng umuwi kasi maghahating gabi na. Nong nailigpit na naming ‘yong ginagamit namin sa pagkuha ng isda ay naglakad na kami para umuwi, at sa kabilang banda ay may nakita kaming plaslayt at habang papalapit na kami sa kinaroroonan ng plaslayt, nong malapit na kami, ilang hakbang na lang ay nakita namin na ang ama ko pala na sinundo na ako at ito ay galit na galit, tapos sabay tanong na pagalit “anong oras na?”. Yong nakuha namin ay binigay ko sa kaibigan kong si Jason, tapos pinalo ako ng tatlong bises at ang ginamit ng ama ko sa pag palo ay isang sanga ng punong bayabas.
Nong nasa bahay na kami, pumunta ako ng banyo upang maglinis ng aking sarili at tapos pumunta ako sa aking kwarto, habang ang aking ama ay nasa sala nanonood ng TV. Nong natapos na akong magbihis ay tinawag ako ng aking ama sabi niya, Kevin! “pumunta ka dito,” at ako ay lumabas tapos sinabi niya na s akin na, “lumuhod ka sa semento,” habang ako ay iyak ng iyak, sabay pinagalitan niya na naman ako,halos isang oras akong nakaluhod. Pagkatapos akong pinaluhod ay pinapunta na ako ng aking ama sa aking kwarto upang matulog.
Kinabuksan paggising ko ay pumunta ako sa kusena upang mag agahan at pagkatapos ng aking agahan ay lumabas ako ng bahay at nakita ko na ang ginamit namin sa pagkuha ng isda ay sinira ng aking ama.
Comentarios