“Ang Pagbabago ng Mangingisda “ Ni Marifel T. Quicho
- HUMMS A

- Mar 16, 2018
- 7 min read
Tagpo 1 Bubukas ang telon.
Sa isang malayong probinsya nakatira ang pamiya Luna sa isang bahay kubo. Sa loob ng kanilang kubo'y mayroong isang maliit na kwarto na pinagigitnaan ng maliit na hapagkainan at sala. Sa gilid ng kusina ay matatagpuan ang banyong natatakpan lang ng kurtina. Ang kubong ito ay malapit sa dalampasigan, malapit sa pinagkukunan ng panggastos ng pamilya. Isang umaga habang ang paligid ay payapa bumangon na ang ilaw ng tahanan upang ipaghanda ng agahan ang mga supling at ang asawa.
Edna: Ethan (gising sa anak na natutulog sa sala pagkatapos ay pumunta sa kusina)
Ethan: Bakit nay? ( Tumayo at inayos ang tinulugan at uupo sa kusina )
Edna: Kumuha ka na ng tubig sa poso para makaligo na kayo ( nilagyan ang kaldero ng bigas at tubig.
Ethan: Opo nay ( kinuha ang balde habang kinakamot ang ulo at lalabas)
Edna: Emily (tinawag ang anak na nasa kwarto habang hinahanda ang mga kubyertos sa hapag kainan.
Emily: Bakit nay? ( Lumabas sa kwarto kusot ang mata)
Edna: Umutang ka muna ng sardinas kay Aling Rosa anak (tintignan ang sinasaing)
Emily: Pero diba nay ayaw niya na po tayo pautangin kasi hindi pa natin binabayaran ang utang nong nakaraang araw.
Roberto: ( Lalabas sa kwarto ) Subukan mong pilitin, sabihin mo magbabayad tayo mamayang hapon.
Emily: Sige po tay ( lalabas ng bahay )
Edna: Bakit may pambayad ka? (sarkastikong tono )
Roberto: Baka makahuli kami mamayanh hapon
Edna: Sa tingin mo may darating pa ditong pera kapag nakakainom ka. Kahapon nga'y imbes pagkain dalhin mo dito bote ng alak.
Roberto: Tumahimik ka nga
Edna: Oh bakit totoo naman ang sinasabi ko.
Roberto: ( Tumayo at sinampal ang asawa ) Huwag mo kong sinisigawan bahay ko to pasalamat ka hindi kita pinalayas ( hinawakan ang pisngi ni Edna ) Tumahimik ka na lang.
Ethan: ( Biglang dumating ) Nay?
Roberto: ( Binitawan ang asawa ) Akin na ang tubig.
( Umalis si Roberto at pumunta sa banyo, bumalik si Edna sa pagsasaing at lumapit si Ethan )
Ethan: Nay sinaktan ka na naman ba kayo? ( hahawakan ang namumulang pisngi ng ina )
Edna: Huwag kang mag-aalala hindi naman masakit.
Ethan: Nay bakit pa tayo nagtitiis sa kanya pwede tayong umalis dito.
Edna: Anak wala tayong mapupuntahan kung aalis tayo dito.
Ethan: Pero nay sumusobra na po si itay.
( Dadating si Emily )
Emily: Nay ayaw na po tayo pautangin ni Aling Rosa dapat daw bayaran muna natin yung utang natin noong nakaraang buwan atsaka kung hindi tayo magbabayad baka magdedemanda siya sa atin.
Edna: ( Nagbuntong hininga ) Sige anak naiintindihan ko susubukan nating bayaran bukas. Yung kikitain ko para sa paglalabada ang ibabayad natin.
Ethan: Ano uulamin natin nay? (umupo sa hapag kainan )
Emily: Gutom na po ako ( hinawakan ang kumakalam na tiyan )
Edna: Ganito nalang, Emily mang hingi ka muna ng toyo kina Aling Carla. Toyo muna ang uulamin natin ngayon.
Emily: Sige po nay ( aalis )
Edna: ( Nahihilo tapos ay uupo sa upuan ) Ethan kunin mo na ang sinaing.
Ethan: ( Titignan ang ina ) Nay bakit po kayo namumutla?
Edna: Sumasakit lang ang ulo ko, huwag mo na ako alalahanin baka nalipasan lang ng gutom.
Ethan: Huwag kang magalala nay tutulungan ko po kayo mamaya.
Lalabas si Roberto sa banyo at narinig ang pinagusapan ng mag-ina.
Roberto: Anong sasama? Sa akin ka sumama hindi ka babae para maglabada dapat mangisda ka lang.
Ethan: ( Titingin sa ama ) Hindi muna ako sasama tay baka lumalala ang sakit ng ulo ni inay.
Roberto: Sakit lang sa ulo yan malayo sa bituka di naman yan nakakamatay. ( uupo sa hapag kainan ) Asan ang ulam?
Ethan: Walang ulam tay.
Roberto: Hindi ba umutang si Emily sa tindahan.
Ethan: Hindi na nga pwede tay ayaw na tayong pautangin ni Aling Rosa. ( Bubulong ) Palibhasa kasi imbes ibayad ang kita ibinibili ng alak.
Roberto: Eh bobo pala ang babaeng yun sabing babayaran mamayang hapon.
Edna: Pinahingi ko na si Emily ng toyo kay Aling Carla para may lasa ang kanin kahit papano.
Emily: ( Darating ) Nay ito lang po ang nahingi ko, wala rin po kasi silang uulamin.
Edna: Sige hatihati nalang kayo
Habang tahimik na kumakain ang mag-anak ay biglang uubo si Emily.
Emily: Nay, tay gusto ko po sanang mag-aral.
Roberto: Mag-aral? Aanhin mo ang pag-aaral hindi ka makakakuha ng pera dyan. Ang mas mabuti pa tumulong ka sa nanay mong maglabada para may makain kayo.
Emily: ( Napayuko at nagpigil ng iyak ) O-opo itay.
Roberto: Ethan bilisan mong kumain dyan maaga tayong aalis ngayon ( lalabas ng bahay )
Ethan: Tapos na po ako nay ( papasok sa kwarto para magbihis )
Edna: Anak gusto mo ba talagang mag-aral
Emily: Opo nay kaso tama si itay.
Edna: ( Hahawakan ang kamay ng anak ) Huwag kang mag alala Emily susubuka natin.
Emily: Opo nay.
Ethan: ( Lalabas ng kwarto ) Alis na po ako nay.
Edna: Mag-ingat kayo
Ethan: Opo nay, paalam.
Tagpo 2
Sa dalampasigan kung saan nakalagay ang sasakyang pandagat ni Roberto. Habang naglalakad siya papunta sa bangkang sasakyan nila ng kanyang anak ay nakasalubong niya ang mga kaibigan na papunta rin sa laot.
Roberto: Oh mga bay kumusta
Henry: Mangingisda pa rin pare.
Jose: Hahahaha Oo nga. Kumusta huli mo kahapon Roberto
Roberto: Kunti lang, hindi ako pinalad kahapon.
Jose: Ganon din naman ako
Cardo: Mukhang maganda ang panahon ngayon.
Henry: Mukhang maraming mahuhuli tayo ngayon
Darating si Ethan at maririnig ang usapan
Cardo: Hahahahaha, mukhang may inuman magaganap mamaya.
Jose: Tama mukhang magkakasiyahan mamaya.
Roberto: Hahahaha sagot ko ang alak.
Cardo: Yun oh.
Jose: Ako sa pulutan.
Henry: Sige ba, mamayang hapon kay Aling Rosa tayo magkita.
Roberto: Oo ba.
Ethan: Tay sabi niyo babayaran niyo si Aling Rosa
Roberto: Babayaran ko naman kapag malaki ang huli ngayon tignan mo naman oh maaliwalas ang langit.
Ethan: Paano kung walang tayong mahuli
Roberto: Sa susunod na natin babayaran si Aling Rosa.
Ethan: Pero Tay hindi niya natayo pauutangin.
Roberto: Magtatabi tayo ng isda para ulamin at bibigyan rin kita ng pera para pambili ng bigas. Tapos bilhan mo ang nanay mo ng gamot.
Ethan: Sinasabi mo lang yan para hindi kita isumbong eh.
Pupunta na sa karagatan upang manghuli ng isda.
Roberto: Kunin mo yung lambat.
Ethan: Saan ko ihahagis tay.
Roberto: Sa kaliwa mo.
Ethan: Tay bakit hindi natin pag-aralin si Emily. Gusto niya pong mag-aral
Roberto: Alam mo naman wala tayong pera kahit pambaon ng kapatid mo diba.
Ethan: Tumutulong naman siya kay inay atsaka yung kikitain niya sa pagtulong, yun ang ibabaon niya.
Roberto: Mahal ang uniporme atsaka yung sapatos rin.
Ethan: Tay hindi naman natin kalilangang bumili. Tamang-tama katatapos lang ng anak ni Aling Rosa ng elementarya. Paano kung hingin natin yung uniform ng anak niya.
Roberto: Bakit ba gustong gusto niyang mag-aral?
Ethan: Tay malaki ang mararating ng taong nag-aaral.
Roberto: Matutulad lang din siya sayo. Sa baitang tatlo kalang natapos kasi nga wala tayong pera.
Ethan: Tay subukan lang natin. Matalino si Emily tay magiging maganda ang kinabukasan niya.
Roberto: O sige na kunin mo na yung lambat.
Ethan: Tulungan niyo ako tay ang bigat.
Roberto: Hahaha mukhang marami tayong uulamin.
Tagpo 3
Bumalik na ang mag-ama sa dalampasigan. Kanilang ipinagbili ang mga isda sa palengke.
Roberto: oh ( Bibigyan ng isang libo ), ibili mo yan ng ulam. Tapos yung sukli ay ibigay mo sa nanay mo.
Ethan: Tay diba tatlong libo yung kita natin?
Roberto: Ibabayad ko pa ito kay Aling Rosa.
Ethan: Sige po tay.
Roberto: Sige na umuwi ka na.
Ethan: Opo tay.
Roberto: (Tutungo sa tindahan ni Aling Rosa ) Ano simulan na natin?
Aling Rosa: Hoy Roberto bayaran mo utang mo sa akin. Mag iinuman kayo dito tapos ang laki ng utang mo sa akin.
Roberto: Kalma Aling Rosa, ito na oh. Daming sinasabi.( ibinigay ang isang libo kay Aling Rosa )
Aling Rosa: Mabuti.
Jose: Hahaha. Apat na bote ng alak Aling Rosa.
( Bibigyan ng alak ni Aling Rosa sina Jose, Roberto, Cardo, at Henry )
Cardo: Buti ka pa Roberto may katulong ka sa pangingisda. ( lalagok ng alak )
Henry: Kaya maraming huli eh.
Roberto: (Tatawa) Hindi pa masyado marunong atsaka asan ba mga anak ninyo?
Jose: Nasa paaralan, eh mas mabuti doon kaysa sa pagiging pangingisda lang ang alam.
Cardo: Bakit hindi mo pinag-paaral yang si Ethan, Roberto?
Jose: Gusto ata ni Ethan maging katulad ng kanyang ama. Isang hamak na mangingisda.
Roberto: Anong sabi mo?
Jose: Bakit tama naman ako diba. Kami may nauuwing pera sa bahay at napapaaral ang anak. Eh ikaw wala.
Cardo: Tama na nga yan.
Roberto: Walang hiya ka.( Sinuntok si Jose)
Sinuntok din siya ni Jose at nagbakbakan sila sa tindahan ni Aling Rosa.Pinigil sila ng mga kaibigan.
Roberto: Hoy Jose, akala mo di ko alam. Kaya napapaaral mo yung anak mo at nakakauwi ng pera sa bahay kasi nagbebenta ka ng droga.
Jose: Tumahimik ka.
Cardo: Umuwi na tayo Roberto.
Aalis si Roberto kasama si Cardo
Roberto: Walang hiya ang lalaking iyon.
Tagpo 4
Sa bahay ng pamilya Luna alas dyes ng gabi at hinihintay nila ang pagbalik ni Roberto dahil nabalitaan nilang ito'y nakipagaway sa kaibigan. Umuwi na si Roberto na puno ng pasa ang mukha.
Edna: Mga anak pasok sa loob ng kwarto.
Ethan: Tay, okay lang po ba kayo?
Roberto: Oo, pasa lang to.
Papasok si Ethan at Emily sa munting silid.
Edna: Diyos ko naman Roberto. Sana naman may kunting hiya ka sa sarili mo.
Roberto: Tumahimik ka na lang pwede.
Edna: Bakit ka ba nakipag away hindi ka na bata.
Roberto: Huwag mo nga akong diktahan.
( May kakatok sa pinto )
Edna: Bahala ka sa buhay mo. ( Papasok sa loob ng silid) ( May kakatok ulit sa pinto )
Roberto: Sandali nga lang. A-anong...
Umalingaw-ngaw ang putok ng baril.
Jose: Iyan ang bagay sayo.
Lalabas ang buong pamilya sa kwarto at tumakbo si Jose palayo
Ethan: Oh diyos ko po.
Emily: Itay! ( Sisigaw at hahagulhol lalapitan ang ama at yayakapin )
Edna: R-robertoooo ( Hihimatayin )
Ethan: Inay, nay kumalma po kayo. ( Umiiyak )
Ilang minuto ang nakalipas ay nagkukumpulan na ang mga tao sa kanilang bahay at lumapit si Cardo at Henry kasama ang dalawang pulis.
Henry: Edna, tumawag na kami ng ambulansiya.
Edna: Ma-marming salamat Henry.
Cardo: Edna gusto ka nga pala makapanayam ng mga pulis para sa imbestigasyon.
Pulis: Magandang umaga po Gng. Luna maari ko po ba kayong ma imbitahan sa prisinto...
Tagpo 5
Makalipas ng isang taon.
Ethan: Nay bilisan niyo po, mahuhuli na tayo.
Ethan: Emily mahuhuli ka sa rekognasyon mo, sino nalang kukuha ng medal mo.
Emily: (Lalabas ng kwarto) Ito na nga po, asan ang ibibigay kung bulaklak kay tatay?
Edna: Mga anak tayo na, mahuhuli tayo.
Emily: Kuya asan yung bulaklak na ibibigay ko kay tatay?
Ethan: Nasa kwarto mo. Bilis
Emily: Tayo na po.
( Lalabas ang tatlo sa bahay )
Emily: ( Masisilayan ang ama sa labas ng bahay na galing pa sa tindahan ni Aling Rosa at itatago ang dalang bulaklak ) Itay, bilisan niyo po mahuhuli na tayo.
Roberto: Tara na.
Emily: Tay, ( Ilalabas ang bulaklak) Para sayo to tay kasi po pinayagan niyo po akong mag-aral.
Emily, Ethan: Maligayang kaarawan itay.
Roberto: Kayo talaga. Maraming salamat. Tayo na mahuhuli na tayo.
Edna: Oo nga tara na.
Sasara ang telon.


Comments