top of page

“PAGPAPALA SA TAPAT NA NAGLINGKOD” Ni Karen Mae C. Gabi

Writer's picture: HUMMS AHUMMS A

Ako si Karen, anak nina Edgar at Marites Gabi at may isang kapatid na si Kyla. Dati-rati, hindi ganito ang estado ng buhay namin. Walang mga sasakyan, walang maayos na dingding, maliit lang ang bahay at walang ilaw, wala masyadong magagandang damit. Traysikol drayber lang si papa noon at housewife lang si mama. Naglalakad lang kami kung may may malayong pupuntahan, hindi kasi kakasya ang pamasahe naming sabi ni mama noon. Hindi kami mayaman, pero naniniwala kami na darating ang panahon na pagpapalain kami ng Poong Maykapal, sa kanyang takdang panahon, dahil alam naming na walang imposible sa kanya. Dati pa man, noong hindi pa kami ipinanganak ng kapatid ko ay matapat na sumusunod at naglilingkod an gaming mga magulang sa Panginoong Diyos. Kadalasan silang nag o-overtime sa simbahan pag may bible studies, discipleship at leadership training, evangelisms at iba pang pagseserbisyo para sa Panginoon. Matatag ang kanilang paniniwala na kahit anumang pagsubok ay hindi matitinag. Noong ako’y tatlong taong gulang na, sa araw ng lingo, naglalakad kami papuntang simbahan. Hawak-hawak ni papa ang aking kamay at kinakarga ni mama si Kyla na isang taong gulang pa lamang, nang makasalubong naming ang aking pinsan nan aka-angkas sa motor ng kanyang papa. Nalungkot ako at tumingin kina mama at napahinto kami sa paglalakad at tinanong ko si papa, “Papa, bakit wala tayong ganyan? Bakit wala tayong motor o sasakyan? Bakit tayo naglalakad?". Napaluha ng kaunti si papa at sabi sa akin, “Anak, hayaan mo, balang araw magkakaroon din tayo ng motor sa awa ng Diyos. Ipagdasal mo lang palagi ha?” Napatango na lang ako at lagi kong tinatandaan ang sinabi ni papa. Araw-araw at gabi-gabi ay wala akong ibang pinagdadasal kundi ang magkaroon kami ng sasakyan. Kahit sa tuwing kami’y kakain, ako palagi ang nagdadasal at nagpapanalangin sa pagkaing aming kakainin, pero hindi pagkain ang ipinagdadasal ko kundi, “Panginoon, bigyan niyo po kami ng sasakyan para hindi nap o kami maglalakad papuntang simbahan at para hindi na po mahirapan sina papa at mama, amen.”, ‘Yan ang palagi kong pinagdarasal. Lumipas ang mga araw, at buwan, tinawagan si Papa ni Ninang Susie na papuntahin sandal sa simbahan kasama kaming buong pamilya. Pagkadating naming sa simbahan, laking gulat ni papa nang sorpresahin siya ng mg kasamahan naming sa simbahan ng isang motor. Masayang-masaya si papa ganun din kami, lalong lalo na ako dahil tinupad ng Panginoon ang panalangin ko araw-araw. Laking pasasalamat naming sa mga taong nasa likod nito, lalong lalo na ang Panginoon na siyang pinanggalingan sa lahat ng biyayang aming natanggap. Sabi ko, “Yey! Tinupad ni papa Jesus ang panalangin ko”. , masayang-masaya ako mula sa araw na iyon. Mula sa biyayang iyon ay nasundan pa ng maraming beses, at marami pang ibinigay ang Dios sa aming buhay. Nag-aaral na ko ng kindergarten at traysikol na ang sinasakyan naming, ginawan ng “side car” ‘yung motor namin kaya naging traysikol. At namamasada na rin si papa gamit ang bago naming traysikol. Hindi na rin kami nababasa ng ulan sa tuwing uulan. Hanggang sa nalipat kami ng simbahan dahil ipinadala ng Diyos si papa sa Guiwanon Baclayon, Bohol. Nilipat si papa sa pagpapastor sa Body Of Christ Church. Anim na taon na ako dito at dahil medyo malayo-layo ang Baclayon sa lugar na tinitirhan naming, nagdasal ako ulit na sana bigyan na naman kami ng sasakyan, ‘yung apat ang gulong, ‘yung mabilis tumakbo. Nagdaan ang ilang taon, labing isang taong gulang na ako ay biniyayaan kami ng Panginoon ng isang sasakyan. Labis ang aking pasasalamat dahil sa tuwa at saya na aking nararamdaman. Kapalit sa mga biyayang natanggap namin ay nag-aral akong mabuti at nagpakabait kina mama at papa. Nagdarasal ako araw-araw simula pa man noon ay nagdarasal at nagbabasa na ako ng bibliya, kahit kaunting salita lang. Hindi lang sasakyan o kahit ano ang hinihingi ko sa Panginoon at ipinagdarasal araw-araw kundi pati na rin ang pisikal, ispritwal, emosyonal, pinansyal at iba pa na kailangan naming sa araw-araw, na sana gabayan niya kami sa bawat kilos at salita namin pang araw-araw , sana maayos at kompleto palagi ang aming pamilya. At nagpapasalamat sa lahat-lahat. At nagdaan ang maraming taon, 17 na taon na ako at grabe ang ginawa ng Diyos sa buhay naming mag-pamilya. Mas lalong umayos ang estado n gaming buhay ngayon, hindi na kami masyadong naghihirap, makakabili na kami sa mga gamit na gusto at kailangan naming pang araw-araw. Masaya palagi an gaming pamilya, nakapunta na sa iba’t-ibang lugar, marami ng naranasan sa mundo at sa awa ng Diyos, tuloy-tuloy ang mga pagpapala at biyayang iyon sa amin. Maayos na an gaming bahay, kompleto na ang kagamitang pambahay, at ngayon ay biniyayaan na kami ng sasakyang auto at isang motor. Hindi ako makapaniwala sa bilis na panahon. Ngayon ay nagtatrabaho na si papa sa mga housing companies kagaya ng Camella homes, Bachelor’s Realty bilang sideline niya maliban sa pagpapastor, na kung saan nanalo si papa bilang 1st place- best seller 2017. Kumikita ng malaki si papa sa trabahong ito at malaking komisyon buwan-buwan, at marami pang ibang business sidelines si papa. Si mama naman ay isa na siya ngayong licensed assistant pharmacist. Gusto ko lang naming magkaroon kami ng masasakyan araw-araw, pero umabot sa ganito ang munting panalangin lang ng isang batang kagaya ko noon. Hindi ko lunbusang akalain ang mga biyayang ito, pero naniniwala ako na walang imposible sa Diyos, siyang tunay at tapat sa mga taong nagseserbisyo at sumusunod sa kanya. Sa kahit anumang pagsubok ang dumating, hindi kami mnawawalan ng pag-asa at patuloy lang an gaming pagsunod at paniniwala sa kanya, sapagkat may bersikulo ako na lagi kong tinatandaan---“sabi ng Panginoon, tumawag ka at ako’y sasagot sa’yo, at ako’y magpapakita sa mga bagay na ‘di mo pa nakita.” Jeremiah

392 views0 comments

Recent Posts

See All

Commentaires


© 2023 by Christine Jay Ancog Proudly created with Wix.com

bottom of page