“ANG PAGLALAKBAY SA CAMIGUIN” Ni Eunice Evangeline Viodor
- HUMMS A
- Mar 15, 2018
- 5 min read
“Ang gagawin ninyo ngayon ay ibabahagi ninyo sa inyong kaklase kung ano ang ginawa niyo o saan kayo nag bakasyon” sabi ni ma’am.
Bago palang nagsimula ang klase at ito ang bumungad sa ‘ming lahat. Ang iba ay tila excited na ibabahagi ang kanilang karanasan at ang iba nama’y nakasimangot dahil nahihiya sila at hindi naman masyadong kawili-wili ang kanilang bakasyon.
“Isulat n’yo muna sa isang malinis na papel at pagkatapos ng 30 minuto ay magsisimula na tayo.”
Agad kaming nagsitahimik at ginawa namin ang pinapagawa ni maam. Nakatingin lamang ako sa aking malinis na papel na tila ba inalala ang lahat, kung paano o saan nag sisimula at nagtatapos ang aking bakasyon.
Matapos ang 30 minuto ay agad na sinimulan ang pagbabahagi sa klase, marami-rami narin ang natapos at ako na ang susunod. Medyo kinakabahan ako baka ay mapahiya ako sa harapan.
“Sino ang susunod?”
“Ako po, ma’am” Agad akong tumayo dahil ayaw kong mapagalitan. Medyo strikta at masungit kasi ang guro naming.
“Mag simula” Ngumiti ako kay maam kahit na akoy kinakabahan.
“Magandang Umaga sa inyong lahat, nandito ako ngayon sa inyong harapan para isalaysay ang tungkol sa aking bakasyon.” At ito na nga….
“Isang sariwang hangin ang agad na tumambad sa amin pagkababa namin sa barko… Excited kaming lahat na makapaglibot dahil alam namin na ito’y napakagandang lugar.
“Halina kayo naghihintay na satin sa baba ang Tiya uping n’yo.” Sabi saamin ni Itay.
Nang kami ay pababa na, tanaw na tanaw namin sila at agad kaming kumaripas ng takbo.
“Maligayang pagdating sa inyong lahat!” sabi ni tiya uping na galak na galak.
“At sa wakas nakarating narin tayo! Hi po tiya, mano po.” sabi ng aking kapatid na si angel.
“Mano po tiya, kumusta po?” sabi ko.
“Napakabait namang bata. Okay lang naman ako.” sabi niya sa amin ng kapatid ko.
“Bago pa tayo mangitim, tara na’t sa bahay upang magkapagpahinga na kayo. Nag handa na rin ako ng tanghalian.” – Tiya uping
“Kayo naman, nag-abala pa kayo. Salamat po.” Sabi ni itay.
“O siya, nandito na ang sasakyan natin.”
Habang kami ay papunta na sa bahay nila Tiya uping hindi naming maiwasang mamangha sa napakagandang mga tanawin. Tanaw na tanaw namin ang Mount hibok-hibok.
“Tiya, Napakaganda po dito sa Camiguin!” sabi ko.
“Nako iha! Alam mo ba na tinagurian ang Camiguin na “Born of fire” dahil isang volcanic island ito at pag nalibot mo na lahat ng Tourist atraksiyon dito mas mapapamangha ka” – Tiya uping.
“Excited na po kami Tiya!” sabi ng kapatid ko.
“Oh sya! Nandito na tayo!” Napalaki ang aking mata sa kagandahan ng bahay ni tiya uping, hindi maikapag kaila na mayaman sila Tiya. May negosyo din kasi sila.
“Nakakahiya naman.” sabi ni inay.
“Wag kayong mahiya, welcome na welcome kayo dito.” – tiya uping.
Napagpasyahan naming lahat na bukas nalang maglibot, may dalawang araw pa naman ang natitira.
Kinabukasan…
Isang napakagandang sikat ng araw ang nagpagising sa akin. Lumabas ako mula sa kwarto at nakita ko sila inay na naghahanda ng almusal naming.
“Oh gising ka na pala” Sabi saakin ni inay.
“Opo nay, pasensya nap o nahuli ako hindi tuloy ako nakatulong sa inyo diyan.” sabi ko.
“Mabuti nay an dahil mahaba-haba ang lalakbayin natin ngayon.” Sabi ni Tiya uping.
“Ate! Tapos na akong maligo, ikaw naman!” sigaw ng kapatid ko na kakalabas lang ng CR.
“Sige, susunod na.”
-
“Nandito tayo ngayon sa Sunken Cemetery. Ito ay paboritong dive spot ng mga turista.”
“Hindi ba ‘yan nakakatakot tiya?” Tanong ng Kapatid ko,
“Hindi naman”
“Sinasabing apat na pagsabog ang nagpalubog sa sementeryong ito kaya bilang paggalang sa mga labi isang malaking krus ang itinayo dito.”
-
“Nag dal aba kayo ng pang swimming?” Tanong ni Tiya.
“Nagdala po kami Tiya, incase lang baka maligo tayo.” Sabi ni inay.
“Tiya, maganda daw po sa Ardent Hot Spring” sabi ni itay.
“Ah oo, doon tayo pupunta mamaya. Pero kakain muna tayo ng tanghalian bago pununta doon.” sagpt ni Tiya.
“WOW! Ang ganda naman dito!” Masayang sabi ng aking kapatid. Nandito na kami ngayon sa Ardent Hot Spring. Agad na kaming dumeritso didto pagkatapos naming kumain dahil hindi daw kami magpapagabi.
“Magbihis muna kayo ditto.” Sabi ni inay.
“Mag-ingat kayo kapag maliligo na kayo ah.” sabi ni itay.
“Opo ‘tay.” sagot naming ng kapatid ko,
Ang Ardent Hot Spring ay tinagurinang puso ng isla ng Camiguin. Ito ay may 40 degree Celsiusang temperature ng tubig nito at marami daw ang dumadalo ditto na taga ibang bansa.
Wala pang alas 4 ay tinawag na kami ni Inay at Itay, kami daw ay uuwi na daw.
“Bakit po uuwi tayo agad? Ang aga-aga pa po ah?” Tanong ng kapatid ko.
“May problema po ba?” tanong ko.
“Mamaya ko na sasabihin.” – Itay.
“Magbihis na kayo baka giginawin kayo.” sabi saamin ni Tiya Uping.
Pagkatapos naming magbihis agad na kaming bumyahe pauwi sa bahay nila tiya uping. Nalaman ko kung bakit balisa sila nanay at itay dahil nagkasakit ang gaming lola at ang nagbabantay lang ay ang aking lola. Tawag ng tawag si inay sa mga kapatid niya na papapuntahin sila sa bahay naming dun sa bohol para may umasikaso sa kanila.
“Ano na ang plano?” Tanung ni Itay.
“Uwi nalang kaya tayo?” – Inay.
“Tumawag ka muna doon at alamin mo kung sino ang makakapunta at kapag wala, wala tayong choice kundi umuwi nalang.” sagot ni itay.
“Gutom ba kayo? Naghanda ako ng meryenda.” sabi saamin ni tiya uping”
“Salamat po.”- inay
“Kumain muna kayo bago magpahinga.” bilin saamin ni itay. Tumango na lamang kami at kumain.
Kinabukasan… Naghahanda na kami dahil sabi ni itay ay uuwi na raw kami maya-maya, pero sa kalooblooban ko ayaw ko pang umuwi.
“Hello? Makakapunta ka? Sige… Salamat talaga ah. Tawagan mo nalang ako pag nagkaproblema.” – inay
“Sino ‘yun?” tanong ni itay.
“Si Ruth. Makakapunta daw siya dun. Siya na daw bahala kina inay at itay.” sagot ni inay.
“Hay, salamat.” – itay.
“Di pa po tayo uuwi?” natutuwang tanong ng aking kapatid.
“Malamang.” sagot ko naman.
“Salamat naman at meron ng mag aalaga sa kanila. Oh siya, wag na kayong mag alala diyan at sulitin niyo ang buong araw dahil uuwi na kayo bukas.” sabi ni tiya.
“Anong oras na ba tiya?” tanong ni inay.
“Mag aalas 9 pa naman.” sagot nito.
“Saan po tayo ngayon tiya?” tanong ni itay.
“Pwede tayong pumunta sa Katibawasan Falls at maligo” sagot ni tiya.
“Sige po. Oh, mag handa na kayo sa mga dadalhin natin.” sabi samin ni itay.
“Sige po, itay!” sagot ko.
“Yeheeeeey!” masayang sigaw ng aking kapatid.
Matapos kaming pumunta ron at maligo, masayang masaya kaming umuwi sa bahay. Pagod na pagod pero bawing bawi sa kasiyahan na aming nadama. Kay ganda naman talaga ng Camiguin, hinding-hindi ka magsisi dahil worth it lahat.
Kinabukasan ay naghanda na kami sa aming mga gamit dahil uuwi na kaming ng bohol, hinding hindi ko makakalimutan ang karanasan na ito sa aking buhay.
“Hanggang sa muli.” sabi ko.
“Parang gusto ko na tuloy pumuntang Camiguin.” sabi saakin ng guro naming.
“Nako maam, wag ka ng papahuli pa.” sabi ko na nakangiti.
“Sige, maupo ka na. Sino ang susunod?” tanong ni maam.
“Ako po.” Sigaw ng aking kaklase. Ngumiti lamang ako sakanya.
Salamat naman at tapos na ako… Maganda pala sa pakiramdam ang naibabahagi mo sa lahat ang mga karanasan sa buhay.
)
Comentários