top of page

“Ang Panyolito” Ni: Angelie Aspe

  • Writer: HUMMS A
    HUMMS A
  • Mar 17, 2018
  • 3 min read

Unang tagpo: sa bahay Narrator: Sa bayan ng san carlos ay may nakatirang magkakaibigang nagngangalang Elizabeth at Sheena. Matalik na silang magkaibigan simula pa noong bata pa sila dahil magkakila ang kanilang pamilya. Isang araw nagka-usap ang dalawa sa bahay nila Elizabeth. Elizabeth:shen, alam mo ba may napansin akong dalawang lalaki kagabi sa labas ng bahay nila Argie ang popogi nila pareho bestie ( nang may pa kilig- kilg pa) Sheena: oh! Ayan na naman tayo, inlove ka na naman tapos kung masasaktan walwal ditto, walwal doon na naman ang drama. Elizabeth: bestie naman. Wag kanang aangal dyan, susuportahan mo nalang kaya ako para wala ng away, ok ba yun? Narrator: nagkasundo talaga ang magkakaibigan at agad itong nagplano na puntahan si Argie at hihingi ng impormasyon tungkol sa dalawa. Elizabeth:Argie, pwede po ba kaming magtanong tungkol sa dalawang lalaki na nandyan sa inyo? Argie: oh ba, ano ba ang mga tanong niyo? Elizabeth:ano po ba ang mga pangalan ng dalawa? Argie:ah! Sina Jayson at Jonnail yun, pinsan ko. Elizabeth: yung naka blue kagabi, ano ang pangalan? Argie: hmm, ( nagiisip) ah! Si Jayson yun. Bakit ba, gusto mo siya nuh? Ka edad lang kayu nun. Sheena: bestie, dahan-dahan ka sa mga lalaking ka edad mo, hilig pa yan ng laro, ( sa bay tawa) Elizabeth: naku bestie, hindi pa nga kami nagkakaila, umaabot ka na sa ganyang usapan. Sheena: tingnan lang natin kung saan aabot yan. Elizabeth: sige Argie, salamat! Narrator: nagdaan ang mga araw naging magkaibigan na ang apat. At nagplano sina Elizabeth at Sheena na bigyan nila ng sulat ang dalawa.

Ikalawang tagpuan: sa ilalim ng punong kahoy

Jonnail: anong meron ditto? Sheena: wala lang gusto lang namin ng may kausap. Jonnail: ah! Ganun ba. Elizabeth: ahm, jonnail saan po ba si Jayson? Jonnail:nandoon pa sa bahay, may ginawa pa susunod lang daw siya ditto. Sheena: uy! Agad-agad na miss mo na siya? Elizabeth: hindi nuh, natural lang na magtatanong ako kasi hindi kasama ni jonnail eh! Narrator: nagkwentuhan muna ang tatlo habang hinihintay si Jayson at pagkalipas ng ilang oras dumating narin si Jayson. Elizabeth: ikaw nalang ang hinihintay namin. Jayson: alam ko. Elizabeth: ang bagal mo naman ( sabay pa ikot-ikot sa mata) Sheena: nagalit na yata yang prinsesa mo Jayson. ( sabay halakhak) Jayson: na miss mo aku noh? ( sabay tingin kay Elizabeth) Elizabeth: hindi nuh, sino may sabi? Susuntukin ko. Jayson: ako, ako may sabi so ano ngayun? susuntukin mo na ako? Elizabeth: grrrrrrrr.( halatang galit, at sabay talikod peru nahawakan ni Jayson yung kamay ng dalaga) Jayson: uy! Sorry na, joke lang yun! ( sabay titig sa kanya at ngumiti) Jonnail: tama na nga yan, kinagat na kami ditto ng mga langgam. Sheena: oh nga naman. ( sabay tawa ng dalawa) Narrator: son, may ibibigay pala ako sayo ( sabay abot sa isang sulat at may panyo pang kasama) Jayson: bakit mo naman ako binigyan ng ganito, nag abala ka pa. Elizabeth: wala lang, remembrance ko yan sayo. Sorry kung yan lang ang maibigay ko sayo mahal ko. Jayson: ( natutula pagkakatapos nabitawan ni Elizabeth ang salitang “ mahal” Jonnail: uy, effort lang ang peg. Sheena: jonnail may ibibigay rin ako sayo ( inabot rin ang sulat) Jonnail:mahal mo rin ako? ( napatanong agad ang binata) Sheena: paano kung sasabihin ko na “ Oo”, magagalit ka ba? Jonnail: hindi, tatawa ako.( sabay tawa) Sheena: sorry? Jonnail: mahal rin kita, kaya wag kang mag sorry dyan, wala ka namang kasalanan eh! ( sabay hawak sa kamay ni Sheena) Sheena: ( napatitig ng may ngiti) Jonnail: so pwede na ba akong manligaw( sabay titig sa dalaga) Narrator:pagkalipas ng ilang araw sinagot rin ni Sheena ang binata. Samantalang sina Jayson at Elizabeth ay mag kakaibigan lang. Elizabeth: son, may sasabihin sana ako sayo. Jayson: ano yun, beth? Elizabeth: aalis na ako. ( sabay tulo ang luha) Jayson:ano ba yan ang daya mo naman, saan ka ba pupunta? Elizabeth: pupunta na ako ng maynila, doon na ako mag-aaral ng grade 12. Jayson: ano ba yan. ( halatang pinipigilan ang luha) Elizabeth: peru babalik ako, babalikan ku kayo, sana hindi niyo ako makakalimutan, sana hindi mo rin ako makakalimutan. ( umiiyak parin) Jayson: hinding hindi mangyayari na makakalimutan kita beth, balikan mo ako huh, balikan mo kami. ( sabay titig sa dalaga at niyakap ito) Narrator: naging matatag ang pagmamahalan nila Jonnail at Sheena, samantalang sina Jayson at Elizabeth naman ay magkakaibigan parin kahit malayo na sila sa isa’t isa.

Recent Posts

See All

Comments


© 2023 by Christine Jay Ancog Proudly created with Wix.com

bottom of page