"ANG PRINSIPE AT SI MEYA" ni Danica A. Pagapong
- HUMMS A

- Mar 16, 2018
- 3 min read
Noong unang panahaon, sa Bario Mahalkita nakatira ang isang mgandang dalaga na si Meya. Si Meya ay isang mabait at masunuring anak. Maraming binata ang nahumaling sa kanya, ngunit wala ni isa sa kanila ang nagustuhan niya. Si Meya ay mahilig sa mga bulaklak , kaya mahilig siyang mamasyal sa kagubatan para mamitas ng mga ito. Isang araw, habang siya ay namamasyal may nakita siyang isang lalaking nakahandusay sa daan.“Ginoo! Ayos ka lang ba?,” pag aalalang tanong ni Meya. Dahil sa walang malay ang binate kaya hindi ito nakasagot. Dinala ni Meya ang binata sa kanila. Meya, sino yang lalaking iyan?” salobong na tanong ng kanyang ina. “Nakita kop o siya sa gubat inay, wala po siyang malay at sugatan kaya dinala ko nalang po siya dito,” sagot ni Meya. “O sya sige, pahigain mo siya doon at para magamot,” sabi ni Aleng Nena. “Sige po inay,” tugon ni Meya. Habang ginagamot ni Meya ang mga sugat ng binata ay nahulog agad ang loob niya ditto. “Ang pogi naman niya at tsaka mukhang mabait pa,” sabi ni Meya sa kanyang sarili. Dahan-dahan niyang pinunsan ang mukha at mga kamay nito ng biglang nagising ang binata. “Nasaan ako? Anong lugar to?” tanong ng binate. “Nandito ka sa bahay namin,” sagot ni Meya. “Paano ako napunta dito?” tanong ng binate. “Nakita kasi kita sa gubat kanina na walang malay at sugatan kaya mas minabuti ko nang dalhin ka ditto para magamot ang iyong mga sugat,” sagot ni Meya. “Kailangan ko ng umalis,” patayong tugon ng binata. “Sandali hindi pa magaling ang iyong mga sugat kailangan mo pang magpahinga,” pigil naman ng dalaga. “Ngunit nanganganib ang aming kaharian at baka mag alala sa akin ang amang hari at inang reyna.”sabi ng binate. “Sandali, anong kaharian? Tsaka amang hari at inang reyna, ibig bang sabihin nun isa kang prinsipe?”naguguluhang tanong ng dalaga. “Oo, ako nga pala si Prinsipe Aris,” sagot ng binata. “HAHAHAHA! Prinsipe, kaharian, totoo ba yun? Nagbibiro ka yata eh,” patawang tugon ni Meya. “Hindi, totoo ang aking sinasabi, galling ako sa kabilang mundo sa kaharian ng Pantasha.” Sagot ng binata. “Ok sige, sabi mo eh, magpahinga ka muna dyan maghahanda lang akong ng hapunan baka umuwi na sila nanay at tatay,” sabi ni Meya. “Sandali! tulungan na kita,” sabi ng binata. “Hay naku! ‘wag na ako na lang,” tugon ng dalaga. “Hindi tutulong talaga ako, tutulungan kita,” pagpupumilit ng binata. “Ikaw ang bahala,” tugon ni Meya. At tinulungan nga ng binata si Meya at habang tumatagal ang Prinsepe sa bahay nila ay unti-unting nahuhulong ang kanilang loob sa isa’t-isa. Hanggang sa dumating ang araw na kailangan nang bumalik ni Prinsipe Aris sa kanilang kaharian. “Meya, ayaw ko mang iwan ka ngunit kailangan, kailangan kong bumalik sa aming kaharian upang maayos ang gulo,” malungkot na tugon ng Prinsipe. “Iiwan mo na ako?” paiyak na tanong ni Meya. “Iiwan na muna kita ngayon, pero pangako babalik ako. Babalikan kita kasi mahal kita, mahal na mahal kita Meya,” payakap na sagot ng Prinsipe. “Pangako mo yan ah, babalik ka”, sabi ni Meya habang umiiyak. “Oo naman pangako, aayusin ko muna ang gulo doon at babalik ako”, tugon ng Prinsipe. Nagyakapan ang dalawa at tuluyan ng umalis ang binata. Lumipas ang araw at buwan at patuloy pa ring naghihintay si Meya sa kagubatan kung saan niya unang natagpuan ang Prinsipe. Isang araw, habang namamasyal si Meya sa kagubatan, may isang lalaking papalapit sa kanya na may dala-dalang bulaklak. Si Prinsipe Aris. Labis-labis ang tuwa ni Meya na mababakas mo sa kanyang mga mata at sila ay nagyakapan. Dinala ni Prinsipe Aris si Meya sa kanilang kaharian at doon na rin sila ikinasal at namuhay ng masaya bilang Hari at Reyna.
Comments