top of page

"Ang Trahedya" ni Ma. Nicel S. Fulguerinas

Writer's picture: HUMMS AHUMMS A


Noong unang panahon may babaeng nangngangalang Nicel, may bisikleta siya at mahilig siya nito. May mga makukulit na pinsan siya, ang mga pangalan nila ay sina Joan at Jenny. Sila ay magkapatid, si Joan ay ang nakakatanda at si Jenny naman ang bunso. Mag pinsan sila dahil magkapatid ang kanilang mga ina, ang ina ni Nicel at ang ina nila Joan at Jenny. Si Nicel ay may sayad sa utak, hilig niyanh magbiro at napakalikot. Isang maaliwalas na araw ang hindi makakalimutan ni Nicel. Pumunta ang magkapatid sa tahanan ni Nicel. "Nasaan si Nicel?", tanong ni Joan. "Nasa likod, nagwawalis", sagot ng ina ni Nicel. Pinuntahan ng magkapatid si Nicel at tinanong, "Magbibisikleta tayo", sabi ni Jenny. Hindi kumibo si Nicel. "Gamitin natin iyong bisikleta mo at aangkas kami, sa likod ako aangkas at si Jenny naman sa unahan", sabi ni Joan. Dahil sa pagkahilig ni Nicel magbisikleta hindi na siya sumagot at dali-daling kinuha ang kanyang bisikleta. "Saan tayo magbibisikleta?", tanong ni Nicel sa dalawang magkapatid. "Sa kalsada sa harap ng simbahan na maliit (kapelya)!", ang sabi ni Joan. Agad-agad silang pumunta doon. "Sakay na kayo", ang sabi ni Nicel. "Sige!", ang sabi ng dalawang magkapatid. Nagsimula na silang magbisikleta, paulit-ulit na bumabalik sa kalsadang tuktok dahil nais nilang makalanghap ng sariwang hangin at nais din nila ang mabilis na takbo. Ikatlong ulit silang nagpabalik-balik doon. At nung ikaapat, ang hindi malilimutan ni Nicel. Pumunta sila sa pinakatuktok na malapit sa bahay ng kanyang lola, masaya silang pumunta doon, nagtatawanan pa nga eh!. Nung narating na nila ang pinakatuktok ay umangkas na ang dalawang magkapatid. Mabilis ang kanilang takbo pababa at sumisigaw pa silang "yehey!". Nang paliko na sila pa kanan ay may maliliit lang. Hindi na tumingin si Nicel sa mga bato sa pag-aakalang hindi sila maaksidente pero mali ang akalang iyon. Naaksidente sila, natumba ang kanilang sinasakyang bisikleta. Dali-daling tumayo si Nicel at tinayo niya ang bisikleta. Si Joan ay tumayo na rin. Natumba ang bisikleta dahil nabitawan ni Nicel ito dahil may dugo, maraming dugo ang nasa paa ni Jenny. Hindi ito nagsalita at hindi naglikot. Kinabahan, sumikip ang dibdib ni Nicel dahil siya ang dahilan kung bakit nagkaganoon ang kanyang pinsan. May naalala siya kung sino ang makatutulong sa kanya upang gamutin ang pinsan niya, walang iba kundi ang kanyang tiyahin na si Bebing na isang midwife o kumadrona. Naisip niya iyon dahil may mga gamot doon. Pumunta sila sa bahay ng kanyang lola dahil doon nakatira ang kanyang tiyahin. Si Bebing ay kapatid ng kanyang ama. Nung nandoon na sila sa bahay ay wala ang kanyang tiyahin ang nandoon lamang ay yung pinakamatandang kapatid ng kanyang ama na si Rose. Tinulungan siya nito, kinuha ang first aid kit at ginamot ang sugat ni Jenny. Nang tapos nang gamutin ang sugat ni Jenny ay umuwi sila agad. Nang nakita ng ina ni Nicel ang sugat ni Jenny ay agad siyang tinanong nito "Ano ang nangyari dyan sa kanyang paa?", tanong ng ina ni Nicel. "Naaksidente po kami at agad ko pong dinala sa bahay ni lola upang gamutin", sagot naman ni Nicel. "Ang sabi ko naman di ba", sabi ng ina ni Nicel. Nung dumating na ang ina nila Joan at Jenny ay agad itong pinagalitan si Nicel. Parang gusto ni Nicel na lamunin ng lupa ang kanyang katawan. "Wag na kayong pumunta dito!, Wag na kayong magbisikleta", sabi ng ina nila Joan at Jenny. Wala pa ring tigil ang pag-iyak ni Jenny dahil sa sakit na nadarama. At sinabi ni Nicel na ayaw na niyang magbisikleta, ng dahil sa pangyayaring iyon.

657 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


© 2023 by Christine Jay Ancog Proudly created with Wix.com

bottom of page