top of page

"ANNA,ROSA,NENE" ni Jay Ann Galacio

  • Writer: HUMMS A
    HUMMS A
  • Mar 16, 2018
  • 4 min read

Tauhan: Anna(Panganay) Matandang babae Rosa(Pangalawang anak) Inay Nene ( Pangatlong anak) Itay Auntie Crisilda

Tagpuan: Sa bahay Sa kalye Sa restaurant

Tagpo: 6

Tagpo 1 ( Sa bahay)

Inay at Itay: Mga anak gumising na kayo at tayo'y magsisimba. Nene: Ang aga aga pa po. Rosa: Oo nga Anna: Oy! Bangon na kayo jan magtatanghali na, Halina kayo. Nene at Rosa: Oo na, susunod na kami Inay: Bago kayo maligo kumain muna kayo, baka lalamigin tong mga pagkain Anna,Rosa,Nene: Opo, Inay.

( Mga 15 minuto ang nakalipas tapos na silang kumain)

Tagpo 2: ( Sa simbahan)

Itay: Mga anak malapit na magsimula ang misa, Wag na kayong magdaldal jan. Inay: Oo mga anak, magpukos kayo sa misa. Anna,Rosa at Nene: Oo nay

(Natapos din ang misa at nagplano ang pamilya Cruz na kumain sa isang restaurant)

(Sa Restaurant)

Inay: Damihan niyo ang pagkain upang tumaba naman kayo ng kaunti Rosa: Eh inay, sakto lang naman yung katawan ko ah. Anna at Rosa: Oo nga nay, sakto lang kaya yung katawan namin. Tatay: Kumain na kayo jan. Babyahe pa kami ng Inay niyo para kumuha ng materyales para sa bahay. Nene: Okay po. Tatay: May hinanda na kami na mga pagkain sa bahay si Anna na ang bahala na magluto kaya Rosa at Nene tulongan niyo ang kapatid niyo upang di naman siya mabigatan sa gawain sa bahay. Rosa at Nene: Opo itay

(Matapos ang ilang minuto hinatid na nila Anna, Rosa at Nene ang kanilang magulang sa Pier)

Tagpo 3 ( Sa bahay)

Nene: Ate magdadalawang araw na pero di pa rin umuuwi sila Nanay at Tatay . Anna: Ah baka napasarap lang ang stay nila sa probinsya.

( Nang patayo na si Anna sa sofa biglang nahulog ang picture frame ng Inay at tatay)

Nene: Ate, okay ka lang ba? Nasugatan ka ba? Anna: Okay lang bunso, ako na maglilinis dito Nene: Okay po ate.

(Habang sila Anna at Nene ay nag-uusap sa sala. Si Rosa naman ay busy sa pagbabasa ng libro sa loob ng kwarto nilang magkakapatid at biglang tumunog ang telopono)

Rosa: Hello Magandang umaga, sino po ito? Unknown: Pamilya po ba ito ni Mr at Mra Cruz? Rosa: Opo, ba't po napatawag kayo? Unknown: Wag po kayong mabibigla, may importante po akong sasabihin. Rosa: Ha? Bakit? Ano pong nangyari ? ( nanginginig ang boses ni Rosa) Unknown: Patay na po sila dahil sa paglubog ng barko.

( Nagmamadaling lumabas si rosa sa kwarto nila upang pumunta sa sala habang umiiyak)

Rosa: Ate, bunso wala na raw sila Inay at Itay Anna: Ha? Anong ibig sabihin mo? Rosa: Ate kasama po sila sa biktima ng lumubog na barko

( Tanging iyak at paghihinagpis ang maririnig at makikita sa bahay ng pamilya Cruz)

( Makalipas ang ilang araw dumating na ang patay na katawan ng mag asawa at grabeng pagdadalamhati ang naganap. At nang maglilimang araw inilibing agad nila ito tulong ng kapatid at mga pamilya nila)

Tagpo 4 ( Sa bahay)

Aunti: Dahil wala nang mag- aaruga sa inyo simula ngayon ituring niyo akong pangalawang ina. Tanggap kong hindi pa kayo malapit sa akin at nagdadalamhati pa kayo. Anna: Auntie, pagpasensyahan niyo na po sila kung hindi sila kumikibo nagdadalamhati pa kase sila. Auntie: Okay lang yan.

( At dahil sa pinangako ng Auntie Crisilda nila dinala sila sa Maynila at dun na pinatira) Auntie: Pagpasensyahan nyo na ang bahay ha? Maliit lang. Anna: Okay lang po ito auntie Auntie: Ah sige, kumain muna kayo diyan liliniain ko lang muna yung kwaryo niyo. Anna: Sige po auntie, Maraming salamat po Auntie: Kapamilya ko kayo kaya wala lang yun.

Tagpo 5( Bahay)

( Mag iisang buwan na ang magkakapatid sa bahay ng Auntie Crisilda nila at mabuti naman ito sa kanila hanggang sa pagtagal nila hindi na sila pinapakain nito pag hindi sila nagtratrabaho) Nene: Ate, gutom na po ako(umiiyak) Anna: Wag kang maingay Nene baka magising si Auntie malapit na ito makakain rin tayo. Rosa: Oo nga Nene, matulog ka muna riyan upang di ka gutumin.

( Dahil sa labis na paghihirap na naranasan nilang magkakapatid. Lumayas sila sa puder ng kanilang auntie kaya nagpalaboy laboy sila sa kalye ) Nene: Ate, pagod na pagod na ako Rosa: Pahinga muna tayo ate Anna: Sige, magpahinga kayo jan maghahanap muna ako ng bote at plaatik para may maibenta tayo.

( Nang dahil sa pagod ni Anna nahimatay ito at natagpuan nila ito ni Rosa at Nene sa tapat ng iaang mansyon)

Rosa at Nene: Ate gumising po kayo( humahagolhol ito) Nene: Ate wag mo kaming iwan

( At may biglang matandang babae na sosyal amg lumabas sa bahay) Donya Bebe: Napano siya mga ineng? Rosa at Nene : Nahimatay po Donya bebe: Hali kayo sa bahay, pumasok kayo. Baka dulot lang ng pagod yan. Rosa at Nene: Salamat po donya.

( Nang magising si Anna naging interesado ang donya sa kanila kaya kwenento nila ang karanasan nila at naawa naman ang donya kay nagdesisyon ito ng....)

Donya Bebe: Dito na kayo tumira mga Ineng wala na rin akong pamilya at wala na rin akong mapag iwanan ng yaman kaya tutulungan ko kayo. Anna: Salamat po Donya bebe.

( Makalipas ang isang taon namatay ang donya at patuloy parin nag aaral ang mag kakapatid at iniwanan sila ng yaman ng matanda. Samantalang si Anna siya na ang nagpapatakbo ng negosyo ni Donya Bebe. Tumutulong rin sila sa mga charity at mga batang pulubi. Namuhay silang tatlo na may takot sa Diyos)

Recent Posts

See All

Comments


© 2023 by Christine Jay Ancog Proudly created with Wix.com

bottom of page