top of page

"BATANG PAG-IBIG" Ni: Teo Berlyn E. Añong

  • Writer: HUMMS A
    HUMMS A
  • Mar 16, 2018
  • 8 min read

Updated: Mar 17, 2018



"Sa highschool mo mararanasan kung paano ang magka-crush at ang ma-inlove. Dito mo rin mararanasan ang masaktan ng dahil sa batang pag-ibig."

-Mama Ana

Unang Tagpo

Sa Bahay ng Pamilyang Alcantara

Mama Ana: Erikaaaa!! Gumising ka na! Baka malate ka pa. (Habang nagluluto ng almusal)

(Sa isip ni Erika): Grabe naman to si Mama, kung makasigaw.

Erika: Andyan na po!

Mama: Bilis-bilisan mo dyan 6:40 na oh. Diba 8:00 ang pasok mo?

Erika: Opo, maliligo na po ako!(Dali-daling pumunta sa banyo)

Makalipas ang sampung minuto ay natapos na rin mag-ayos si Erika, kaya bumaba na siya para kumain ng almusal.

Mama: Oh, tapos ka na pala. Kumain ka na. (Habang naghahain)

Erika: Sige po Ma. (Paupo sa silya)

Lumipas ang limang minuto ay nagpaalam na si Erika sa kanyang Mama at pumasok na.

Pumara na siya ng traysikel papuntang St.Angelique's Academy. Pagkalipas ng labinlimang minuto ay sa wakas umabot narin siya, agad siyang bumaba at nagbigay ng pamasahe. At naglakad papasok.

Ikalawang Tagpo

Sa Paaralan(St. Angelique's Academy)

Erika:Hmm.(tingin sa relo) 7:10 palang, ang aga ko pala, makapag-soundtrip na nga lang.(Kinuha ang headset at cellphone sa kanyang bag.)

Ipi-play niya na sana ang kanyang paboritong kanta ng ...

Ria: BESPRENNN!

Erika: Ayy, anak ng tokneneng! Ano ba yan?!

Ria: Hehehe, sorry bes!

Erika: Ba't kasi bigla-bigla ka nalang sumusulpot?!

Ria: Eh, may ibabalita ako sayo.

Erika: Ano ba yun?

Ria: Eh, narinig ko kasi kanina sa mga echosera nating schoolmates na may transferees daw! At tsaka kaklase daw natin!

Erika: Tsss... Anong paki ko?

Ria: Ehh! Wala! Binalita ko lang naman sayo baka kilala mo sila..

Erika: Eh? Bakit ko naman makikilala ang mga yun? Eh transferees nga diba?

Ria: Galing kaya silang Trinity High! Diba galing ka doon?

Nagulat si Erika, noong marinig kung saan nanggaling ang mga transferees..

Erika: Ano? Galing silang Trinity High?

Ria: Oo nga! Paulit-ulit lang te?

Erika: Che!!

Sa silid-aralan

G.Cruz: Magandang umaga.

Mga estudyante: Magandang umaga din po G.Cruz!

G.Cruz: mag-siupo.

Mga estudyante: Salamat po.

G.Cruz: Bago tayo magsimula, ipakikilala ko muna sa inyo ang inyong mga bagong kaklase. Galing silang Trinity High. (Tatawagin ang mga transferees na naghihintay sa labas) Pumasok na kayo rito mga Mister at ipakilala ang inyong mga sarili.

Pumasok ang tatlong nagwagwapuhang mga lalaki, pero walang paki si Erika kasi nakatulala lang siya sa kawalan.

Nagpakilala ang unang lalaki ..

Eros: Magandang umaga. Ako si Eros Joseph Ferrer, 17 taong gulang.

Pagkarinig ni Erika sa pangalan ng lalaki ay may naalala sya na nagpalungkot sa kanya. Kaya tiningnan nya ang lalaki. Pagkakita niya rito ay nakaramdam siya ng umaapaw na galit sa puso niya.

Sa isip niya ..

Bakit dito pa siya nagtransfer?

Nagpakilala naman ang dalawang kasama ni Eros.

Matt: Hi! Ako si Matteo Lorenzo Illustre, 17 taong gulang.

Nick: Magandang araw sa inyo! Ako nga pala si Nick Yuzon, 17 taong gulang.

G.Cruz: Misters? Maaari na kayong umupo.

Natapos ang morning sesyon ng klase na walang natutunan si Erika kasi nga lutang siya.

R e c e s s T i m e

Ringggggg!(tunog ng bell)

(Lumapit si Ria kay Erika)

Ria: Bess, tulungan mo naman ako sa assignment natin sa Physics oh.

Erika:(nagulat) Huh? May binigay ba si Sir?

Ria: Oo, ano ba yan. Hindi mo ba narinig?

Erika: Hindi eh. Lutang kasi ako kanina.

Ria: Pansin ko nga, simula pa yan kanina

ah! Ano ba ang nangyari?

Erika: Uhmm, wala naman!

Ria: Tulungan mo ako ah? Doon na lang tayo sa library gumawa.

Erika: Oo na! Oo na!

Ria: Bess, matanong nga kita.

Erika: Ano?

Ria: Kilala mo ba ang mga transferees yun?

Erika: Hindi noh! Ba't mo naman nasabi?

Ria: Kalma lang! Ano ka ba?! Masyadong defensive ah!

Erika: Eh sa hindi ko naman talaga sila kilala.

Sumingit naman si Eros sa usapan ng dalawa.

Eros: Hindi mo ba talaga kami naaalala?

Natahimik si Erika ng makita ang epal na sumingit sa usapan nila Ria.

Ria: Eh ikaw? Kilala mo ba s'ya?

Eros: Oo, kilala ko itong bestfriend mo!

Ria: Eh, bakit siya di ka kilala?

Hindi nga ba? Erika, magsabi ka nga ng totoo.

Erika: Eh hindi ko nga sila kilala.

Nick: Grabe ka naman Erika, palagi nga tayong magkasamang apat noon eh. Noong hindi ka pa nagtransfer.

Matt: Oo nga. Ganyan na ba kalaki ang galit mo kay Eros at magpapanggap ka pang nagka-amnesia?

Ria: Teka, teka nga! Sino ba talaga kayo ha?

Matt: Hmm, ako si Matteo Lorenzo Illustre. Di mo ba ako narinig kanina?

Ria: Narinig ko kayo. Pero bakit niyo nga kilala tong bestfriend ko? Naguguluhan na ako sa inyo eh.

Eros: Tanungin mo yang bestfriend mo.

(Nag walk out sina Eros)

Erika: Tssk! Tara na bess, nagugutom na ako. (Halatang nairita si Erika)

Ria: Erika ... (Mahinang boses) Sino ba talaga sila ha?

Erika: Ehem! Parang wala na talaga akong lusot sayo ha? (Parang nahuling nagnakaw na boses) Sige na nga, mamaya ko na lang sasabihin sayo. (Pabulong. Hinila papuntang canteen si Ria)

Ria: Teka lang! (Pasigaw. Kaya nagtinginan ang mga estudyante sa kanilang dalawa.)

Erika: Ano ba Ria? Pinagtitinginan na tayo oh. (Nahiya si Erika sa pinaggagawa ni Ria. Kaya patuloy niya itong hinihila)

Ria: Hindi ako titigil dito kung di ka magsasabi ng totoo!

Erika: Sige na! Sige na! Pwedeng mamaya na lang, pagkatapos nating kumain? Nakakahiya na oh. (Pabulong na sabi)

Ria: Sige na nga! (Pagmamaktol niya)

Erika: Tara na. Nagutom ako sayo ah.

Ria: Hmmp! Tara.

Ikatlong Tagpo

Sa Canteen

Noong umabot na sila sa canteen ay umorder na sila agad.

Pagkatapos nilang mag-order ay humanap na sila ng mauupoan.

Habang naghahanap . .

Matt: Ria! Erika! Dito na kayo umupo oh. May space pa naman.

Ria: Tara dun na tayo Bess! (Dali-daling lumakad papuntang table nila Matt)

Nakita ni Erika na nandoon rin si Eros kay dali-dali niyang hinila si Ria papuntang ibang upuan.

Erika: Hindi na! Salamat nalang.

Dito nalang tayo umupo Bess ha?

Ria: Aysh! Sige na nga! (Pagmamaktol niya na parang bata)

Erika: Sige, kumain ka na Bess. Tsaka gagawa na tayo ng assignment natin sa Physics.(Habang sumusubo ng kanin)

Ria: Hmm, Erika? (Pagkatapos uminom ng tubig)

Erika: Oh?

Ria: May naisip ako.

Parang may bumbilya na umilaw sa kanyang ulo.

Erika: Ah? May isip ka ba? Haha, biro lang Bess? (Panunukso nya kay Ria)

Ria: Grabe ka bess! Bestfriend ba talaga kita?

Erika: Biro nga lang eh. Ano ba yung naisip mo?

Ria: Che! Hmm, paano kung doon nalang tayo sa bahay namin gumawa ng assignment natin? At tsaka doon mo na rin sabihin lahat kung ano yung nangyari kanina.

Erika: Ano? Ayoko! Hindi ako papayagan ni Mama. Tsaka hindi ba pwede kung bukas ko na lang sabihin?

Ria: Eh! Hindi pwede Bess! Dapat ngayon na! (Pangungumbinsi niya)

Erika: Ayoko nga!

Ria: Eh! Ako ang magpapaalam kay Tita Anna.

Erika: Sige. Tingnan natin kung mapapayag mo si Mama.

Ria: Ha! Tingnan natin! (Kinuha ang cellphone at tinawagan ang Mama ni Erika)

Nagpasalamat si Ria dahil sinagot ng Mama ni Erika ang tawag niya.

Tita Anna: Hello, Ria?

Ria: Hello Tita.

Tita: Oh ba't naoatawag ka? May problema ba? (Nagtataka)

Ria: Ah, eh! Wala naman po Tita, magpapaalam lang po sana ako sa inyo.

Tita: Ano ba yun?

Ria: Pwede po bang sa bahay namin matulog si Erika ngayon?

Tita: Hmm, ano ba ang gagawin niyo? Mukhang importante talaga yan ah?

Ria: Opo! Importanteng-importante po talaga.

Habang si Erika ay taimtim na nagdasal na sana ay hindi siya payagan.

Tita: Sige. Basta ba tungkol sa pag-aaral niyo yan ha?

Ria: Yesss! Thank you Tita! (Malakas na sigaw ni Ria)

Tita: (Natawa) Hahaha! Sige na Ria. Babye.

Ria: Sige po Tita.

Naputol na ang tawag . . . .

Erika: (Nainis) Kainis! Nakuha mo pa talagang magsinungaling sa Mama ko ah?

Ria: Eh sa curious lang talaga ako kung ano ba talaga ang ugnayan mo sa mga transferees na yun?

Erika: Sige na nga! Mamaya ko na lang sasabihin.

Pagkatapos nilang kumain ay bumalik na sila sa kanilang sikid-aralan.

Makalipas ang waling oras ay natapos na rin ang isang araw na na pamamalagi sa paaralan.

Dali-daling kinuha ni Ria ang kamay ni Erika at hinila papuntang parking lot kung saan naghihintay ang kanilang driver.

Erika: Teka! Teka! Parang hindi ka nagmamadali ah? (Hingal na hingal dahil sa pagtakbo nila.)

Ria: Excited na kasi ako. Tara sakay na. (Binuksan ang pinto sa likod ng kotse nila)

Nagtaka si Erikakung bakit maagang dumating ang sundo ni Ria. Kaya tinawag niya ito.

Erika: Ang aga yata ng sundo mo ngayon Ria?

Ria: Ah..Eh .. Oo

Flashback . . . Filipino Time . . .

Tinext ni Ria ang kanilang driver na dapat mga sampung minuto wala pa ang oras ng labasan nila ay naghihintay na siya.

Ria: Kuya! Sunduin mo ako 10 minutes bago kami palabasin ha?

Driver: Sige ho, Ma'am Ria.

Ria: Thank you Kuya.

End flashback . . .

Erika: Ah ganun pala? Haha, parang di ka nga excited eh!

Ria: Anong hindi? Sige na! Magkwento ka na!

Erika: Gaga ka! Pwedeng pag umabot nalang tayo sa bahay niyo?

Ria: Sige na nga! (Tumahimik)

Hanggang sa umabot na sila sa bahay nila Ria.

Ikaapat na Tagpo

Sa bahay nila Ria

Ria: Tara sa kwarto ko nalang tayo mag-usap.

Erika: Sige. Tara.

Umakyat sila sa pitong baitang na hagdanan. At pumasok sa unang pintuan na makikita pag umabot ka na sa itaas.

Ria: (Binuksan ang pinto) Tara. Pasok ka Erika.

Erika: (Pumasok na sa kwarto at umupo muna sa sofa sa gilid.)

Ria: Magbihis na lang muna ako. Tsaka sunod ka, pagkatapos ko. May damit ka namnn dyan eh.

Erika: Sige. (Tumango na lang)

Pagkalipas ng limang minuto ay lumabas na rin si Ria at sumunod namang nagbihis si Erika. Habang si Ria naman ay bumaba muna para kumuha nang makakain nila ni Erika.

Hindi pa nakakabalik si Ria ay natapos ng magbihis ni Erika.

Ria: (Pagbukas ng pinto) uh? Ang bilis mo ah? (Habang may dalang dalawang baso ng juice at dalawang slice ng chocolate cake)

Erika: Aba syempre! Di gaya ng iba diyan. Aabotan na lang siguro ng gyera ay hindi pa tapos magbihis.

Ria: Che! Sige kumain ka na muna. Tapos magkwento ka na.

Erika: Magkwekwento nalang ako habang kumakain.

Ria: Sige. Sige. Magandang ideya yan.

Erika: 3rd year highschool ako noon sa Trinity High. Nang . . .

Flashback . . . . 1 year ago . . .

Eros: Will you be my girl?

Erika: Since matagal ka nang nanliligaw sa akn . . . hmm, yes!

Eros: Talaga? Tayo na?

Erika: Oo nga! Paulit-ulit?

Eros: Eh lakasan mo kasi! Hindi ko kasi narinig.

Erika: YES! I will be your girl Eros!

Eros: Yes! Thank you Erika! (nagyakapan silang dalawa)

Dalawang buwan ang lumipas . .

Nakita ni Erika si Eros na may kahalikang ibang babae.

Erika: Eros? Ano to?

Eros: Babe? Anong ginagawa mo ditto?!

Erika: Ako dapat ang nagtatanong n’yan sayo! Anong ginagawa niyo nang babaeng yan?! (sabay turo sa babae)

Eros: Wait Babe! Let me explain!

Erika: No need to explain Eros! Kitang-kita na ng dalawa kong mga mata kung paano mo ako pinagtaksilan!

Dalawang araw ang lumipas . . .

Tinawagan ni Erika si Eros at sinagot naman ito ni Eros.

Eros: Hello Babe?! I miss you!

Erika: Magkita tayo, Starbucks, 3pm.

Naputol na ang tawag . .

STARBUCKS, 3PM.

Eros: Babe sorry I’m late! (hahalikan na sana si Erika ngunit umiwas ito.)

Erika: Eros, tapusin na natin to.

Eros: Ano? Erika bakit?

Erika: Bakit? Ba’t hindi mo tanungin ang sarili mo niyan?

Eros: Hindi kita naiintindihan Erika!

Erika: Hindi mo ako maintindihan? Subukan mong ilagay ang sarili mo sa kalagayan ko ngayon? Nang maintindihan mo ako. (akmang tatayo na ngunit pinigilan siya ni Eros.)

Eros: Teka lang Erika! Pareho kaming lasing noon. Mahal na mahal kita!

Erika: Mas mahal kita Eros. Pero hindi ko na talaga kaya. Masakit na ditto oh. (sabay turo sa kanang dibdib niya.)

Eros: Hindi ko kaya nang wala ka.

Ngunit tuluyan ng umalis si Erika.

Lumipat si Erika ng ibang paaralan upang maiwasan si Eros, habang si Eros naman ay nagging miserable ang buhay dahil sa pang-iiwan ni Erika sa kanya.

End of Flashback . . . .

Ria: Ang sakit naman ng love story niyo Bess. (habang patulo na ang kanyang luha.)

Erika: Ria? Bakit ganun? Kahit gaano kahirap ang naranasan ko noon, mas minahal ko pa si Eros? Kahit gaano kasakit ang pinaramdam niya sa akin noon, bakit mas minahal ko pa siya ngayon? Gusto ko siyang patawarin pero bakit ganun? Bakit nagtatalo ang puso at isipan ko? Sinasabi ng isipan ko “Huwag mo na siyang patawarin, sinaktan ka na niyan noon.” At sinasabi naman ng puso ko “Patawarin mo kung mahal mo pa.” Naguguluhan na talaga ako.

Napansin ni Erika na nakatulog na pala si Ria. Natawa na lamang siya at natulog na rin.

Kinabukasan, paalis na sina ni Ria papuntang paaralan ay napagtanto niyang kailangan niyang pakinggan si Eros. Kaya,

Sa canteen

Erika: Eros, pwede bang makipag-usap?

Eros: hmm, oo naman.

Sumenyas si Ria kina Matt at Nick na umalis na muna sila.

Eros: Ano bang pag-uusapan natin?

Erika: Eros? Kamusta ka na ?

Eros: Okay lang naman. Ikaw?

Erika: hmm, eto medyo okay.

Eros: Bakit naman medyo?

Erika: Hmm, may narealize kasi ako kagabi.

Eros: Ano naman ang narealize mo?

Erika: Yung ex-boyfriend ko kasi hiniwalayan ko mahal ko pa pala.

Nagtaka si Eros, may nagging boyfriend na pala si Erika bukod sa kanya.

Eros: Sino ba yung taong yun?

Erika: Gusto mo bang malaman?

Eros: Oo, sino ba yun?

Erika: (nahihiya) hmm, yung taong nasa harapan ko.

Eros: (nagulat si Eros) Ano?! Mahal mo pa ako?

Erika: Oo.

Eros: Mahal pa din naman kita eh.

Erika: Sorry kung hindi kita pinakinggan noon.

Eros: Okay lang yun. Naiintindihan din naman kita.

Nagbalikan sila at sabay na grumadweyt.


Recent Posts

See All

Comments


© 2023 by Christine Jay Ancog Proudly created with Wix.com

bottom of page