"Di Inaasahang Pag-iibigan" ni Ma. Nicel S. Fulgue
- HUMMS A

- Mar 16, 2018
- 8 min read
Updated: Mar 17, 2018

Mga Tauhan: Floreska Jose Maria Celly Diego Mario
Tagpuan: Tagpo 1: Sa isang bahay sa nayon ng Maria Clara Tagpo 2: Sa kagubatan
Sa malayong nayon ng Maria Clara ay may nakatirang mag-asawa na nagngangalang Jose at Floreska. May dalawang anak na babae ang mag-asawa, sila ay sina Maria at Celly.
Floreska: Mga anak, kain na kayo ng hapunan tapos na akong maghanda. Maria at Celly: Parating na po inay. Floreska: Saan nga pala ang inyong ama? Maria: Baka nasa labas mo, may kinumpuni. Pupuntahan ko po at papupuntahin dito para
kumain. Floreska: Mabuti pa nga Maria.
Lumabas si Maria upang tawagin ang kanyang ama.
Maria: Ama halina't pumasok kayo sa loob. Tayo na't kumain. Jose: O sige anak. Ako ay susunod, aayusin ko lang ang mga ito.
Si Maria at Celly ay mabait at masunurin na anak nina Floreska at Jose.
Maria: Patungo na po ang ama dito ina. Floreska: Salamat anak. Maria: Walang anuman po ina.
Jose: O kompleto na pala kayo. Ba't di pa kayo maunang kumain? Celly: Hinihintay po kasi namin ang makisig at masipag naming itay. (Pabirong sabi) Jose: Palabiro ka talaga aking Celly. O sya kumain na tayo.
KINABUKASAN...
Celly: Maria, aking kapatid. Ika'y bumangon at magbihis pupunta tayo sa kagubatan at siyang
mangunguha ng pang gatong. Maria: O sige aking Celly. Ako'y magbihis lang sandali.
Nang makabihis na si Maria ay agad siyang hinawakan ni Celly sa kamay at tumakbo ang dalawa sa gubat. At nagsimulang umawit si Celly.
Celly: Ikaw ang pag-ibig na hinintay puso ay nalumbay ng kay tagal ngunit ngayo'y nandito na
ikaw ikaw...(may narinig na boses na papalapit sa kanya at siya'y napahinto sa pagkanta) Diego: Ang pag-ibig na binigay sa akin ng maykapal biyaya ka sa buhay ko ligaya't pag-ibig ko'y
ikaw.... Celly: (nagulat) Diego: At hindi pa uumibig ng ganito ay nasa isip makasama ka habambuhay....(hinawakan ang
kamay ni Celly at kumanta na nakatingin sa mga mata ni Celly) Celly: (kumanta dinugtungan ang kanta ni Diego) Ikaw ang pag-ibig hinintay puso ay nalumbay
ng kay tagal ngunit ngayo'y nandito na ikaw ikaw Diego at Celly: Ang pag-ibig na binigay sa akin ng maykapal biyaya ka sa buhay ko ligaya't pag-
ibig ko'y ikaw. (Puno ng emosyon sa pagkanta) Celly: (naiilang) Diego: (hawak pa rin ang kamay ni Celly) Maria: (natulala na nakatingin sa dalawa) Diego: (binitawan ang kamay ni Celly) Patawad at ako'y nadala sa kanta pati emosyon nadala ko
rin. (Ngumiti) Celly: (hindi nakapagsalita natulala pa rin) Maria: Wala yun. Ako nga pala si Maria kapatid niya. (Tinuro si Celly) Diego: Sino nga pala siya? (Sabay turo kay Celly) Maria: Siya ang aking kapatid, siya si Celly. Bagay kayo. (Pabirong sabi) Celly: (natauhan) Kapatid! (Sabay tapik sa kamay) Diego: Ako nga pala si Diego. (Makikipagkamay kay Celly) Celly: Celly (nakikipagkamay kay Diego na nakangiti) Si Maria aking kapatid. (Sabay turo kay
Maria at napangiti) Maria: Sige ha. Aalis na kami. (Pinaghiwalay ang mga kamay nila Diego at Celly)
Nang makaalis na ang dalawang magkapatid ay napangiti si Diego na may kasamang pamumula sa pisngi. Parang nabighani agad siya sa kagandahan ni Celly.
Celly: Ang kisig niya. (Kinikilig) Maria: Oo nga no. Parang may gusto siya sayo. (Paselos na sabi) Celly: Talaga ba? Siya'y nabighani sa akin? (Gulat na pagkasabi) Maria: Para sa akin lang yun ha. Ewan ko kung ano ang totoo. May kutob kasi ako na may gusto
siya sayo. Yung mga titig niya sayo. Celly: Talaga ba? (Kilig na pagkasabi) Halika ka na nga. Mangunguha pa tayo ng pang gatong.
May nakita si Maria na isang lalaki na nangunguha ng pang gatong. Nilapitan nila ito upang makilala.
Celly: Pssst.. Lalaki: (hindi narinig) Maria: Wag na nga natin siyang istorbuhin. Lalaki: (lumingon at nakita ang dalawang magkapatid) Hala. Nandiyan pala kayo mga binibini.
Ano ang maipaglilingkod ko po sa inyo? Celly: Nais sana naming kumuha ng pang gatong. Ano nga pala ang pangalan mo? Lalaki: Ako nga pala si Mario. (Makikipagkamay) Celly: Ako nga pala si Celly. (Nakikipagkamay) At ito yung kapatid ko. (sabay turo kay Maria)
Alam mo bagay kayong dalawa. Maria at tsaka Mario. Maria: Paumanhin sa aking kapatid. Madaldal kasi masyado ito. (Sabay tawa) Mario: Wala lang iyon. Kumuha na kayo ng pang gatong. Ito oh. Maria: Hala.(nagulat) Nakakahiya naman sayo. Pinaghirapan mo yan tapos ibibigay mo lang sa
amin. Wag na . Kukuha na lang kami para sa amin. Celly: Ano ka ba. Papagurin mo pa sarili mo? Siya na nga ang nagbigay tatanggihan mo pa?
(Mahinhing pagkasabi) Maria: Ano ka ba. Mario: (tumatawa) Oo nga tama ang kapatid mo. Tanggapin niyo na ito ohh (sabay bigay ng
pang gatong) Maria: Maraming salamat ha. Nakakahiya naman sayo. Mario: Wala yun. Ayoko ko namang mahirapan pa kayo. Celly: Sige ha. Mauna na kami.
Umalis na ang dalawang magkapatid dala ang ibinigay na pang gatong ni Mario. Sa paglalakad ay nag-uusap ang dalawang magkapatid.
Celly: Ang gwapo niya kapatid . Diba? Maria: Oo nga. Ang kisig at tsaka matipuno. Celly: Alam mo kapatid bagay kayo. Maria: (tumawa) Wag ka ngang magbiro diyan. Baka maniwala pa ako. Celly: Seryoso ako. Bagay nga talaga kayo. Maria: O sya. Bagay na kung bagay. (Kinikilig)
Nang makauwi na sila ay inilagay na nila ang pang gatong sa kanilang kusina. At nagpahinga ang dalawa sa kanilang kwarto.
Maria: Tinamaan na yata ako kapatid. Celly: Ako din kapatid. Pinana ni Kupido ang aking puso. Parang mahal ko na ata si Diego. Maria: Tinamaan din yata ako kay Mario.
Hindi nila alam na matalik na magkaibigan sila Diego at Mario. Nakatira ang dalawang magkaibigan sa nayon ng San Isidro. Kalapit ng nayon ng Maria Clara. Sila ay ulila na dahil namatay ang kanilang mga magulang sa aksidente. Nag-uusap ang dalawang magkaibigan tungkol sa dalagang kanilang nakita sa kagubatan.
Diego: Mario, alam mo ba na may nakita akong dalawang magkapatid sa gubat habang ako 'y
namamasyal? Mario: Hindi ko alam yan ahh. Pero may nakita din akong dalawang binibini na nangunguha ng
pang gatong at dahil sa aking pagkamagalang sa mga babae ay agad ko silang binigyan
ng pang gatong upang sa ganun ay hindi na sila mahirapan pa. Diego: Napakamatulungin mo pala Mario. Mario: Syempre. Babae kasi ehhh. Diego: Ano nga pala ang mga pangalan ng dalawang binibini na iyong tinulungan? Mario: Sila ay sina Maria at Celly. Diego: (nagulat) Sila din yung nakita ko. (Tawa) Mario: Talaga? Yung isa sa kanila ay binihag ang puso ko. Diego: Ako din, yung isa sa kanila ay binihag din ang puso ko. Mario: Sana hindi tayo magkapareho na iniibig, Diego. Diego: Oh sya. Sabihin mo na kung sino ang babaeng iyong iniibig. Mario: Ang babaeng iyong ay walang iba kundi si Maria. Diego: (napabuntong hininga) Hay salamat. Ang akin ay si Celly. Ang ganda ng kanyang tinig.
Hindi mo ba alam na sinabayan ko siya sa kanyang pag-awit kanina? labis ang kahihiyan
ang akong nadarama kanina. Mario: Ako din naman Diego. Di ko alam ang sasabihin kanina nung nagkita kami. Nauutal nga
ako ehhh. (tawa)
Nagtatawanan ang dalawang magkaibigan at nagkukwentuhan buong maghapon.
KINABUKASAN......Namamasyal ang dalawang magkapatid sa kagubatan. At lingid sa kanilang kaalaman na namamasyal din ang dalawang magkaibigan. Sa kanilang pamamasyal ay nakita nila ang dalawang magkapatid na labis nilang ikinasaya.
Diego: Kumusta mga binibini, naaalala niyo pa ba ako? Maria: Oo naman, ikaw kaya yung sumabay sa pagkanta ni Celly. Diego: (tumatawa) Celly: Ikaw. (Tinuro si Mario) Mario: Bakit? (Nabigla) Celly: Ikaw yung tumulong sa amin sa pagkuha ng pang gatong. Salamat pala ha. Mario: Wala yun. Saan nga pala kayo pupunta? Celly: Namamasyal lang. Nababagit kasi kami sa bahay. Kayo? Mario: Namamasyal din. Maria: Saan pala kayo nakatira? Diego: Sa nayon ng San Isidro kami nakatira. Kayo taga saan kayo? Maria: Taga Maria Clara kami. Saan pala ang kanya kanya niyong magulang? Diego: Yung magulang kasi namin ni Mario ay parehong namatay sa aksidente. Maria: Hala. Paumanhin. Diego: Ok lang yun. Mario: Magkapatid ang turingan namin sa isa't isa tong si Diego. (Sabay hawak sa buhok ni
Diego) Maria: Para nga kayong magkapatid kung tingnan ehh. (Ngumiti) Celly: Sige ha. Uuwi na kami kasi tanghali na. Diego: Maari ba kaming sumama sa inyo upang ihatid? Celly: Maaari din naman. Tara. Diego: Sige.
Ang dalawang magkaibigan ay sumama sa dalawang magkapatid upang sila'y ihatid. Pagkaabot sa bahay ng dalawang mga binibini ay sinalubong agad sila ng ina nila Maria at Celly.
Floreska: Oh Maria at Celly, sino nga pala tung dalawang lalaking kasama niyo? Maria: Bago po naming kaibigan, ina. Si Mario at si Diego. (Sabay turo sa dalawa) Floreska: Nananghalian na ba kayo? Mario: Hindi pa po. Floreska: Hali kayo sa loob at may inihanda na akong pagkain. Mario: Nakakahiya naman po sa inyo. Floreska: Wag na kayong mahiya. Maria: Oo nga naman.
Pumasok na ang dalawang magkaibigan at ang dalawang magkapatid, at sila ay kumain.
Maria: Ina, saan nga pala si ama? Floreska: Umalis ang iyong ama, Maria. May kukumpunihin lamang daw siya sa ibang nayon. Maria: Ahh. Kumain na ba iyon? Floreska: Oo Maria.
Sila'y nagpatuloy na sa kanilang pagkain at sa ilang minuto ang lumipas ay tapos na sila, at niligpit ng dalawang magkapatid ang mga pinggan at ito'y hinugasan nila. Tumulong ang dalawang magkaibigan sa kanila. At nung natapos na sila ay pumunta sila sa sala at nagkukwentuhan. Pagkaraan ng ilang minuto ay nag anyaya na si Diego na umalis dahil gabi na.
Diego: Salamat sa pagkain at sa pag-uusap po. Nabusog at natuwa po kami sa inyo. Maraming
salamat po. Floreska: Walang anuman mga iho. Ako'y nagagalak at nakilala ko kayong dalawa. Mario: Kami din po. Masaya kaming nakilala kayo. Diego: Mauna na po kami. Floreska: Sige mga iho, mag-ingat kayo sa pag-uwi. Maria: Paalam. Mario: Paalam din. Celly: Paalam. Diego: Paalam din.
Habang naglalakad pauwi ang dalawang magkaibigan ay nag-uusap sila tungkol sa dalawang magkapatid.
Diego: Mario, parang lalo kong nagustuhan si Celly. Ang bait at masipag kasi siya. Mario: Ako nga din kay Maria ehh. Hindi ko siya gusto kasi mahal ko na siya. Diego: Tinamaan na talaga tayo, Mario. (tumawa) Mario: Tinamaang-tinamaan. (Tumawa)
Sa pag-uusap na iyon ay biglang naisip ni Mario na ligawan niya si Maria. At nung pagkasabi ni Mario nun ay nagdesisyon din si Diego na ligawan si Celly. At pinasyahan nilang bukas ay manligaw na sila.
KINABUKASAN....pumunta agad ang dalawang magkaibigan sa bahay nila Maria at Celly upang manligaw. Nakita ni Floreska ang mga dala nila Mario at Diego.
Floreska: Oh mga iho, magandang umaga sa inyo. Bakit ang aga-aga niyong pumunta dito?
Hindi pa sila gising. Mario: Nais po sana naming ligawan ang inyong mga anak. Floreska: (nagulat) Oh siya. Simulan niyo na. Diego: Ito po pala ang mga prutas at gulay. (Sabay bigay) Floreska: Nag-abala pa kayo.
Sinimulan ng dalawang magkaibigan ang kanilang panliligaw sa pamamagitan ng pag-igib ng tubig sa balon at pagsibak ng kahoy. Nang magising ang dalawang magkapatid ay nagulat sila.
Maria: Ano ang inyong ginagawa? Bakit pumunta kayo rito? Bakit ang aga niyo? Mario: Tinanong kasi namin sa inyong ina na maaari ba kaming manligaw sa inyo. Sibi niya
naman na oo kaya sinimulan na namin. Maria: (nagulat) Talaga? Liligawan niyo kami? Sino ang manligaw sa akin? Mario: Syempre ako. (Sabay turo sa sarili) Maria: Ang ibig sabihin si Diego ay kay Celly? Mario: Sino pa nga ba.
Nang natapos na ang pag-igib ng tubig at pagsibak ng kahoy ay nagpahinga na ang dalawang magkaibigan. Binigyan sila ng merienda ng ina ni Maria.
Floreska: Oh ito mga iho. Magmerienda muna kayo. Napagod ba kayo? Mario: Hindi po. Kulang pa nga po yung ginawa namin ehh. (Pagmamayabang ni Mario) Floreska: (tumawa) Talagang mahal niyo ang aking mga anak ha. Diego: Oo naman po. Floreska: Oh sige mga iho. Maiwan ko muna kayo. Mario at Diego: Oh sige po
Dumating ang dalawang dalawang magkapatid. si Maria ay umupo sa tabi ni Mario at si Celly naman ay umupo sa tabi ni Diego.
Maria: Napagod ba kayo? Mario: Hindi naman masyado. Celly: Ikaw Diego? Diego: Hindi naman.
Kinuha ni Diego ang dala nilang gitara. At hinaranahan niya si Celly. Kumanta ito at nagitara. Pagkatapos niyang mangharana kay Celly ay ibinigay niya ang gitara kay Mario at nangharana siya kay Maria. Kumanta ito at kumanta din si Maria.
Mario: Sasagutin mo na ba ako? Maria: Oo naman . Matagal na din kitang gusto. Hindi pala mahal na pala kita. Mario: Ibig sabihin ba ay tayo na? Maria: Oo? Oo! (Pasigaw na sagot)
Masaya si Mario sa naging sagot ni Maria. Si Diego naman ang nasunod na manligaw kay Celly.
Diego: Celly, alam m ba na nung una palang tayong nagkita ay nabihag mo na ang pusong ito?
(Sabay turo sa dibdib) Celly: Talaga? Ako din. Akala ko noon gusto mo si Maria. Pero nang ginawa niyo to ay nalaman
ko na mahal mo talaga ako. Diego: Oo Celly, mahal na mahal kita at sana'y bigyan mo ng pag-asa ang pusong ito. Mahal kita
dahil mahal kita. Celly: Mahal din kita Diego. Diego: Sasagutin mo na ba ako? Celly: Oo naman. Mahal na mahal kita Diego. (Niyakap) Diego: Talaga? Seryuso? Celly: Oo naman. Diego:(sumisigaw sa kasiyahan)
Labis na masaya ang dalawang magkaibigan nang dahil sa araw na iyon. Nagpatuloy ang kanilang pagmamahalan at walang makakahadlang magpakailanman.


Comments