top of page

"Di Mawaring Milagro" ni Leah Mae Graciosa Mejos

Writer's picture: HUMMS AHUMMS A

"Okay, klas isulat sa kahit anong klase ng papel ang mga karanasan ninyo sa buhay", sabi ni Ma'am sa amin. Pagkasabi niya noon ay agad na pumasok sa aking isipan ang para sa aki'y di mawaring milagro, sisimulan ko kung paano nangyari. Isang maaliwalas na hapon yaon ng mangyari ang di ko inaasahan. Pangyayari na para sa akin ay isang napakabuluhan. Isang araw sa ikawalo ng Disyembre sa taong dalwang libo't labim pito. Sa Mataas na Paaralan ng Dr. Cecilio Putong ay magkaklase kami nina Ma. Decee Kaye Bacareza at Marianicel Fulguerinas. Kami nina Kaye at Nicel ay malapit na magkaibigan. Si Nicel ay mabait, maganda, matalino, mayroong "sense of humor" pero meron ding pagkamaldita at saka si Kaye naman sa kabilang banda ay maganda rin, matalino, mabait, mahilig din siyang kumanta, at may "sense of humor" din. Nang ding hapon yaon ay wala kaming masyadong ginawa upo lang sa sulok ng klasrum,habang ang iba kong mga kaklase ay may iba't-ibang mundo.

"Alam ninyo gusto kong magsimba". Sabi ko kay Kaye.

"Tara magsimba tayo ley", turan din niya.

"Eh hindi, `wag na lang Kaye naalala ko mayroon pala tayong pasulit sa PerDev natin.", sagot ko rin sa kanya

Hindi ko alam pero sa oras na mga yaon ay nagdadalawang isip talaga ako.

"Hays, ano ba naman `yan ley, ang labo mo naman pala eh", sabi ni Kaye na para may pagtatampo sa kanyang boses. Pinag-isipan ko talaga ng maigi kung ako ba ay magsisimba o manatili nalang sa klasrum at hintayin ang oras ng klase, pero nanaig pa rin ang pananampalataya ko sa Diyos

"Kaye, tara na simba tayo", sabi ko.

"Sigurado ka na?",sagot niya

"Oo, sigurado na ako", turan ko.

Habang sa kabilang dako naman ay nandon si Nicel sa labas ng klasrum, na nagkwkwentuhan kasama ang kanyang mga kaibigan sa kabilang seksyon. Inaya ko siyang sumama sa amin.

"Bakit kayo magsisimba?", sabi niya sa akin.

"Kasi birthday ngayon ni Mama Mary, at obligado tayong magsimba sapagkat tayo'y magkakasala kung hindi tayo magsisimba.", sagot ko.

"Hala tara, sama ako", sagot niya kaagad matapos kong sabihin yun sa kanya.

Hindi kami pumasok sa asignaturang Math dahil pagpatak ng alas kwatro ay umalis na kami sa eskwelahan. Nakasakay kami kaagad ng tricycle at nakarating din kami kaagad pero pagdating namin doon ay hindi pa tapos ang misa kaya ayun naghintay kami ng mga minuto sa pintuan ng simbahan, ng matapos na, ay agad kaming pumasok at naghanap ng upuan at naghintay pa kami ng ilang minuto, patingin tingun sa kamay ng orasan na umiikot ikot.

"Patay! Parang hindi na tayo aabot sa pasulit Nicel", sabi ko.

Eh kasi naman ang oras non ay mga 5:15 na, alam naman natin na ang bilis lang talagang tumakbo ng oras. Sa loob ko ay kinakabahan na talaga ako at umabot na sa punto na sabi ko sa sarili ko na sana hindi nalang ako nagsimba, pagkaharap ko sa altar ay gusto kong umiyak sa naisip ko, parang ang sama ko kaya humingi kaagad ako ng tawad sa Diyos. Nagsidatingan na ang mga tao, marami na ring tao, naghintay pa kami ng ilang minuto pero hindi pa rin nagsisimula, pero kumapit talaga kami at hindi namin inisip ang pasulit namin sa PerDev at bahala na ang Diyos na maykapal sa amin. Naghintay pa kami ng ilang minuto at sa wakas ay nagsimula na rin ang misa. Sa buong misa ay naging matiwasay naman ang daloy nito. Sa unang parte hanggang sa umabot na sa punto ng pagtanggap sa katawan at dugo ni Kristo doon ko masasabi na may milagro dahil ang taas ng pila non at oras na non ay 6:01 na, kaya hindi na namin inisip ang PerDev namin sapagkat alam namin na di na talaga kami aabot sa pasulit, pero al din namin sa kabilang banda na pwede pa kaming umabot kung saka sakali eh ang pila ay hindi mataas. Parang narinig ng taas ang aming dalangin sapagkat dumating ang madre na may dalang hustiya na parang naghahanap sha kung saan sha pupwesto sa dinami dami ng tao ay sa harap namin sha pumwesto kaya lakong pasasalamat namin dahil kami ang nauna. Pagkatapos naming magdasal ng mataimtim ay dali dali kaming lumabas sa simbahan at naghanap ng masasakyan at sa awa ng Diyos ay nakasakay kami kaagad.

"Sa'n kayo mga hija?",sabi ng drayber

"Bolhigh po manong", sagot naming tatlo.

"Huh? May klase pa kayo? Gabi na ah?", sagot niya.

"Opo manong, meron po sa katunayan ay mayroon kaming pasulit ngayon", sagot ko.

"Patay 20 minuto na tayong late", sabi ni Nicel.

Kinabahan na din naman ako pero hindi ko lang masyadong pinahalata dahil alam ko na may paraan ang diyos para tulungan kami, at hindi ako nagkamali sapagkat ang daan ay wala masyadong sasakyan, parang ang tricycle na sinasakyan lang namin ang tanging makikita sa daan, ang traffic light na parang nakikiayon din sa amin sapagkat hindi man lang ito pumula o ano pa diyan at wala talagang aberyang nangyari at nakaabot kami agad sa eskwelahan pagtapak na pagtapak namin sa eskwelahan ay agad kaming nagtungo sa aming klasrum.

"Magandang gabi po ma'am", turan namin.

"Oh! San kayo galing?", sagot niya.

"Kami po ay nagsimba ma'am".

"Ah oh sige kumuha na kayo dito ng testpaper atsaka papel at sagutan niyo na ito sa dalawampung minuto", sabi niya.

Sa awa ng diyos at ng aking mga kaibigan ay nakasagot kaming kaagad at ng maayos at nakakuha rin ng malaking marka. Tunay talagang masasabi na ang Diyos maykapal ay talagang makapangyarihan at kahit kailan ay di niya tayo iniwan at binigo sa ating mga buhay, at palagi siyang gumagawa ng milagro sa ating mga buhay sa iba't-ibang paraan na hindi natin napapansin.

45 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


© 2023 by Christine Jay Ancog Proudly created with Wix.com

bottom of page