"Joyce" Ni: Leah Mae Graciosa Mejos
- HUMMS A

- Mar 16, 2018
- 6 min read
Mga Tauhan:
JOYCE-Pangunahing tauhan
JACKNIEL-Kasintahan ni Joyce
ART- Ang kontrabida
JOSEPHINE- Ina ni Joyce
JOSELITO- Ama ni joyce
SOLEDAD- Ina ni Art
LITO- Ama ni Art
Tagpuan:
Unang tagpuan: Sa lugar nila Joyce
Ikalawang tagpuan: Sa Simbahan
May dalawang matalik na magkaibigan na sina Joyce at Jackniel na nakatira sa isang maliit na barrio sa probinsiya ng San Alfonso. Isang araw ay nag-usap sila tungkol sa kanilang pag-aaral sa kolehiyo.
Jackniel: Joyce, san ka magkokolehiyo?
Joyce: Dito lang alam mo naman si Mamá hindi ba? Kung anong gusto ay yun ang
masusunod. Eh, ikaw? San ka magkokolehiyo?
Jackniel: Kung sa bagay. Sa Maynila ako magkokolehiyo.
Joyce: Huh? Ba-bakit? Paano ako? Paano tayo?
Jackniel: Wag kang mag-aalala. Susulat naman ako sa iyo eh. At saka isa pa ikaw lang
naman ang laman ng puso kong ito. (sabay turo sa kanyang dibdib)
Joyce: Pangako?
Jackniel: Oo pangako.
Nagkalayo ang dalawa, at nagpatuloy sa kani-kanilang mga buhay. Ngunit pagdaan ng ilang buwan ay walang natatanggap na sulat o nagparamdam man lang si Jackniel.
Joyce: Mamá, nag-aalala na po ako kay Jackniel, hindi man lang shaaa
nagpaparamdam sa akin. (Malungkot na sambit ni Joyce habang nagsusulat)
Josephine: Hay naku, umaasa ka pa ba don anak? Naku, sinasabi ko sayo kinalimutan
ka na non at isa pa, hindi pa namin nasabi to sayo, ipinagkasundo ka na
namin sa anak ni Lito na si Art.
Joyce: Ano? Mamá! Ba't paano nangyari yon?
Josephine: Hays gusto lang namin ng papa mo na mabigyan ka ng magandang buhay
at isa pa may utang tayo kay Lito, upang mabayaran at para makalimutan
kailangan mong magpakasal sa kanyang unico hijo.
Joyce: Pero mamá! Alam niyo namang si Jackniel lang yong mahal ko.
Josephine: Ay basta, kalinutan mo na yang si Jackniel at maghanda ka dahil pupunta
sila Lito at ang kanyang anak dito.
Joyce: Opo mama (Malungkot na sabi ni Joyce)
Pagpatak ng alas 7 ng gabii ay dumating ang pamilya ni Art sa bahay nina Joyce.
Art: Magandang gabi po sa inyo. Lalong lalo na sayo magandang binibini (Sabay halik
sa kamay ni Joyce na agad din namang binawi ni Joyce.)
Josephine: Ah eh magandang gabi din sa inyo balae, at sayo rin Art. Halina kayo't
pumasok
Art: Ah oh sige ho.
At pumunta ang lahat sa lamesa sabay lapag ng mga pagkain. Ng matapos ay
Soledad : Kailan ba ang petsa ng kasal ng ating mga anak balae?
Josephine: Ah eh balae, mas mabuti na iyong mas agahan na natin para hindi ma-
antala.
Soledad: Tama ka balae! Alam mo balae , sa totoo nyan eh na-ayos ko na ang kasal at
handa na ito. Ito naman kasing si Art eh atat na atat na maikasal sa iyong
unica hija (sabay tingin kay Joyce na tahimik lang sa sulok)
Art: Opo, baka kasi makawala pa ho itong anak ninyo.
Joselito: Gustong gusto mo talaga ang aking anak no hijo? Pero wag na wag kang
magkakamaling saktan ang aking anak. Ingatan mo siya.
Art: Makaka-asa po kayo.
Ng matapos silang kumain ay agad na umalis ang pamilya ni Art pauwi sa kanilang tahanan. Sa kabilang banda, umiiyak si Joyce ng palihim sa kanyang silid. Isang umaga sa palengke.
Engel: Alam mo ba Joyce, bumalik na si Jackniel dito.
Joyce: Huh? Talaga?!!(Gulat na sambit ni Joyce)
Engel: Sa katunayan eh, nandito na nga siya eh, papunta sa direksyon natin.
Joyce: Wag ka ngang magbibiro.
Jackniel: Hindi siya nagbibiro. Nagbalik na ako Joyce!
Joyce: (Agad lumapit kay Jackniel at yumakap) Akala ko hindi ka na babalik.
Jackniel: Nangako ako, at hindi kita kayang biguin. Tara punta tayo sa lugar natin kung
saan tayo palaging tumatambay at sa gayon ay makapag-usap tayo.
Joyce: Oh sige.
Pumunta sila sa lugar na lagi silang tumatambay sa mangahan na malapit sa ilog.
Jackniel: Kumusta ka na mahal ko?
Joyce: May sasabihin ako sayo Jackniel
Jackniel: Ano yon?
Joyce: Ikakasal na ako kay Art ang anak ni Don Lito.
Jackniel: Paano nangyari yon? Huh?
Joyce: Ipinagkasundo nila ako kay Art at kailangan kong magpakasal sa kanya
Jackniel: Hindi yon maaari!
Hindi nila alam na nasundan pala sila ng alipores ng kanyang ina kaya natuntun sila nito.
Josephine: Joyce! Ang tigas talaga ng ulo mo, diba ang sabi ko sayo wag na wag ka ng
lalapit at kalimutan mo na yang lalaking iyan. (Sabay hablot kay Joyce)
Halika ka na, umuwi na tayo.
Joyce: Pero mamá!
Josephine: Wala ng pero pero. At ikaw (sabay turo kay Jackniel) Wag na wag ka ng
lalapit sa anak ko.
Hindi nagawang sumagot ni Jackniel bagkus ay nanahimik nalamang ito. Naiwan siya sa tabi ng ilog. Sa kabilang banda sa bahay ni Joyce.
Joyce: Mamá, ano ba nasasaktan na ako!
Josephine: Ang tigas talaga ng ulo mo no?!!! Simula ngayon sa araw na ito, hindi ka
makakalabas ng bahay.
Joyce: Pero mamá
Umalis kaagad ang kanyang ina sa kanyang harapan.
-Unang pagsara ng Tabing-
Isang gabi, bago ang kasal nina Joyce at Art.
Nagkita sa huling pagkakataon ang magkasintahan na sina Joyce at Jackneil.
Jackneil: Mahal ko, kung mahal mo ako dapat pinaglaban
mo ang ating pag-iibigan.
Joyce:Pasensya na mahal ko ngunit ako'y nabigo subalit ang nakatakda ay
nakatakda.
Jackneil:Pero mahal ko, pwede nating bagohin ang initakda dahil tayo'y tunay na
nag-iibigan. Kung totoong mahal mo ako sumama ka sakin at tayo'y pupunta
sa lugar kung saan tayo'y malaya na mag-iibigan kung saan walang
magdidikta sa ating pagmamahalan.
Joyce:Pasensya na mahal ko subalit hindi ako sasama sayo.
Alam mo namang hindi ko kaya na iwan ang aking mga magulang hindi ba?
Jackneil:Ako o iyong pamilya Joyce? Pumili ka!
Joyce:Pasensya na pero pipiliin ko ang aking mga magulang. Paalam mahal ko.
Tandaan mo ito palagi na Mahal na Mahal kita.
Sa araw ng kasal....
Pumasok si Art sa silid ni Joyce
Art: (Umaktong hahalik kay Joyce)
Joyce: Ano ba! Wag mo nga akong halikan.
Art: Wag ka ngang pakipot. Sa araw na ito mapapasaakin ka na.
Joyce: Kahit na mapasayo ako ngunit isa lang ang masasabi ko
Oo nga sayo ako ngunit may isang bagay na hindi mapapasayo at
iyon ang puso ko!
Art: Tingnan lang natin.
Joyce: Wag kang kampante na sisipot ako mamaya.
Art: Subukan mong hindi sisipot at alam mo namang anong
mangyayari hindi ba?
Joyce: Walang hiya ka talaga!
Art: Sige na. Maghanda ka na.
Sa simbahan...
Loisa: Hay! Ang swerte talaga ni Joyce ano?
Jane: Sinabi mo pa! Kung ako siya,hindi ko na
pakakawalan si Art dahil gaganda ang aking buhay.
Loisa: HAHA! Oo naman.
Sa kabilang banda....
Engel: Kawawang Jackneil.
Karen: Sinabi mo pa. Sana naman ipinaglaban ni Joyce
si Jackneil hindi ba?
Engel: Alam mo naman na si Joyce hindi ba?
Isang utos lang nang kanyang mga pinakamamahal na magulang
ay susunod na siya. May sumigaw na nandito na si Joyce at ang lahat ay agad
na tumalima at humarap sa pintuan ng simbahan ng San Roque.
Pari: Ikaw lalaki, tintanggap mo ba itong babae na nasa iyong harapan na si Joyce
Roswell?
Art: Opo, Padre.
Pari: Ikaw babae,tintanggap mo ba itong lalaki na nasa iyong harapan na si Art Ponce?
Joyce: O----------
At sa di inaasahang pagkakataon ay may biglang sumigaw ng:
ITIGIL ANG KASAL!!!!!!
Ang lahat ay nagulat lalo na si Joyce.
Art: Anong ginagawa ng isang hampas lupa dito?
Jackniel: Itong hampas lupa na sinasabi mo ay babawiin kung ano man ang dapat ay sa
kanya at yon ay si Joyce .
Art: Sa tingin mo ay ganun lang kadali yon?
Jackniel: Oo, dahil nagmamahalan kami!!!
At biglang may nga guwardiyang humawak sa braso ni Jackniel sabay kaladkad palayo sa simbahan.
Joyce: Art, alam mo naman talaga diba kung sino ang tunay kung minamahal (Sabay
takbo)
Art: Joooooooyyyyyycccceeee!!!!
Dumating si Joyce sa lugar kung saan kinakaladkad si Jacnkniel at inabuta niyang binubugbog ito.
Joyce: Tama na!! Ano ba? (sabay lapit kay Jackniel)
Jackniel: J---Jo--Joyce? Nandito ka aking mahal!
Dumating si Art.
Art: Joyce, ano bang ginawa mo?! Pinili mo ang isang hamak hampas lupa lamang
kaysa sa akin na isang mayaman? Kaya kong ibigay lahat ng bagay na nais mo.
Joyce: Oo nga kaya mo nga ibigay ang kahit na ano, kahit pa ang mundo, ngunit ang
pag-ibig ay hindi mabibili kahit saan.
Jackniel: Bakit mo pinipilit ang iyong sarili sa taong alam mong kahit kailan hindi ka
mahal at mamahalin?
Art: Siraulo ka ah !!! (Sabay suntok kay Jackniel)
Joyce: Tama naaaaaaaa!!!
At biglang bumunot ng baril si Art sabay tutok kay Jackniel.
Jackniel: Sige barilin mo ako!!
Joyce: Kahit patayin mo pa siya o kami, kahit kailan ay hindi mo makakamit ang aking
pag-ibig
Art: Joyce? Ano bang meron kay Jackniel na wala ako? Nasa akin na ang lahat, ang
kapogian, ang kayamanan, ang kasikatan, ANO PA BA ANG KULANG?
Joyce: Art, isa lang ang masasabi ko, H I N D I K I T A M A H AL, kahit na nasa sa iyo
na ang lahat, ay hindi mo makakamit ang aking puso, dahil tumitibok lang ito kay
Jackniel.
Art: Ahh ganun? Oh sige.. (Sabay tutok ng baril sa kay Jackniel at Joyce)
Joyce: Sige barilin mo na kami, sige lang patayin mo nalang kami, yun naman ang
gusto mo diba? Sige lang bilisan mo, iputok mo na yan samin.!!! (Mapang hamong sigaw ni Joyce)
Bogssshhhh...Umalingangaw ang putok sa paligid at sabay nito ang pagbagsak ni Art.
Joyce: Okay ka lang ba Jackniel?
Jackniel: Oo, mahal ko. Okay lang ako, wala na tapos na ang lahat, makapamuhay na
tayo ng walang humahadlang.
Nagsidatingan ang mga pulis at ambulansya. Hindi na magawang madala pa sa hospital si Art. Palaisipan kung sino ang bumaril kay Art.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
3 taon na ang nakalipas:
Jackniel: Mahal ko, sa dami ng mga nangyari ay hindi ko inaasahang tayong dalawa sa
huli. Mahal na mahal kita mahal ko.
Joyce: Ako nga din Jackniel eh. Hindi ako makapinawala. Mahal na mahal din kita.
At namuhay ng masagana at payapa sina Jackniel at Joyce at biniyayaan ng 3 anak


Comments