top of page

“KABALIKTARAN” ni Melvin C. Miculob

  • Writer: HUMMS A
    HUMMS A
  • Mar 16, 2018
  • 5 min read

§ Kwento:

ü May isang taong lalaki na nagngangalang John na napakabusilak ang puso at ginagawa niya ito sa pamamagitan ng pagtulong sa kapwa tao at isang araw nalaman ni John ang mga sabi-sabing mayroong taong ibon at hinanap nya ito hanggang sa nakita niya ang isang napakagandang babae na si Princesa Nicholie isang taong ibon na anak ni Haring Simon na naninirahan sa kaharian ng Magnolia at dahil sa nakita ni John ay pinarusahan siya sa utos ng hari at nalaman ni Princesa Nicholie na may gusto si John sa kanya at sinubukan nitong kausapin ang kanyang Ama na palayain si John ngunit huli na dahil namatay ito dahil sa mga sugat na nakuha niya sa parusa.

§ Mga Tauhan:

· Pangunahing Tauhan:

ü John- isang tao na napakabusilak ang puso at ang taong nagkakagusto sa isang babaeng taong ibon na anak ni Haring Simon at namatay dahilsa sugat na nakuha sa parusa. (Tauhang Lapad)

§ Pangalawang Tauhan:

ü Kabarangay- mga taong tinutulungan ni John. (Tauhang Lapad)

ü Kawal- mga utusan at tagapagtanggol sa kaharian ng Magnolia at ang gumawa ng parusa kay John sa utos ni Haring Simon. (Tauhang Lapad)

ü Mga Taong Ibon- mga kalahi ni Princesa Nicholie at Haring Simon na naninirahan rin sa kaharian ng Magnolia. (Tauhang Lapad)

ü Princesa Nicholie- anak ni Haring Simon at ang princesa na naghahanap ng isang tunay na lalaki na iibig sa kanya. (Tauhang Lapad)

· Pangatlong Tauhan:

ü Haring Simon- ang ama ni Princesa Nicholie at ang Hari ng Magnolia na siya ring nag-utos na parusahan si John. (Tauhang Bilog)

§ TAGPUAN

ü Sa loob ng kaharian ng Magnolia sa isang bundok na pinalilibutan ng maraming kahoy

§ Uri ng Banghay

ü Linear- Nagsisimula sa Umpisa, Gitna Hanggang Wakas

§ Uri ng Tunggalian

ü Tao Laban sa Lipunan

§ Banghay

📷 Simula: Dito ipinakikilala si John sa isang mabait na tao na kung saan minamahal siya ng kapwa niya tao dahil sa busilak nitong puso.

📷 Pataas na Aksyon: Nagkakagulo ang mga tao sa bali-balitang mayroong taong ibon at nang narinig ito ni John ay hinanap niya ito.

ü Tunggalian: Nang makita ni John ang isang napakagandang babae ay hinuli ito at pinarusahan ng mga kawal sa utos ni Haring Simon dahil bawal sa mga taong ibon ang Makita sila ng mga tao.

📷 Kasukdulan: Pinapalo ng isang matulis na pako na may kasamang kahoy si John hanggang sa nalaman ni Princesa Nicholie na may gusto si John sa kanya dahil sa mensahe na ibinigay ni John sa kawal na gusto nitong ipaabot sa Princesa.

📷 Kakalasan: Nang malaman ni Princesa Nicholie na may gusto si John sa kanya ay sinubukan nitong kausapin ang kanyang ama ngunit ito’y huli na.

📷 Wakas: Dahil sa sobrang pagpalo ng mga kawal ay nawalan ng malay si John ngunit ilang sandal lang ay nakita ito ng isang kawal na hindi na ito humihinga pa.

§ Uri ng Maikling Kuwento:

ü Kwento ng Madulang Pangyayari

§ Tema:

ü Ang kawalan ng tiwala sa kapangyarihan

§ Simbolismo:

ü Pako na may kahoy(mga pasakit sa buhay sa kabila ng kabutihan ng puso)

§ Tono:

ü Kalungkutan

§ Pahiwatig (Foreshadowing):

ü Flashback

§ Pamagat:

ü Kabaliktaran

§ Uri ng Kwento

ü Kwentong Trahedya


Isang araw, may isang taong lalaki na nagngangalang John na kung saan napakabusilak ang puso. Tinutulungan niya ang kanyang kapwa tao sa lahat sa pamamagitan ng paggawa ng mga mabubuting bagay.


“O, kumusta na kayo?, Ayos ba ang araw ninyo?,” ang wika ni John. “Oo naman John, salamat nga pala noong isang araw ha sa pagtulong mo sa amin sa pagbubuhat ng mga sako-sakong kamatis,” ang sabi ng kapwa tao. “Ano ba kayo, di na kayo bago sa akin. Basta kung ano ang makapagpasaya sa inyo ay gagawin ko,” ang sagot ni John sa kapwa sabay ng isang napakatamis na ngiti.


Habang naglalakad si John pauwi ay nakita niya na nagkakagulo ang mga tao sa kalsada dahil sa bali-balitang mayroon daw taong ibon.

“John? John? Alam mo na ba ang balita? Mayroon daw na taong ibon,” ang sabi ng isang kabarangay na dali-daling tumakbo.


Nagtataka si John kung totoo nga ba ang sinabi sa kanya ng kabarangay na nakasalubong niya at kaya upang malaman ito ay hinanap niya ito ng buong magdamag hanggang sa napadpad ito sa isang bundok kung saan nandoon ang kaharian ng Magnolia, ang pugad ng mga taong ibon.


“Nasaan na ba ako! Di ko na pamilyar ang lugar na to ah,” ang wika ni John habang naririnig ang awit ng isang ibon


“Ahyahyah, ahyahya,” ang awit ni Prinsesa Nicholie na hindi alam na mayroon pa lang taong nakakarinig sa kanyang awit

Hinanap ni John ang pinanggagalingan ng awit at sa isang puno ay nakita niya ang isang napakagandang babae na kulay pula ang buhok at malaginto ang pakpak ngunit hindi nito alam na nandoon na pala siya sa kaharian ng Magnolia at ang nakita niyang napakagandang babae ay anak ng Hari na si Haring Simon

.

“O kay gandang binibini. Totoo nga sila, mayroon nga talagang taong ibon,” ang sabi ni John habang dahan-dahang na sumisilip sa isang halaman

“Krak, krak, krak,” ang tunog ng mga dahon sa bawat patak ng paa ni John sa kanyang pagsilip.


“Sino yan? Mga kawal, hanapin nyo kung sino yon,” ang utos ni Prinsesa Nicholie na kinakabahan.


Dali-daling naglakad si John upang hindi ito makita ngunit naabutan pa rin ito ng mga kawal dahil sa mga pak-pak nito at pagkatapos ay dinala ito ng mga kawal sa kaharian at iniharap kay Haring Simon.


“Mahal na hari, ito po ang taong nakakita kay Prinsesa Nicholie. Ano po ang gagawin namin sa kanya?,” ang wika ng mga kawal kay Haring Simon.


Parusahan nyo siya, kayo na ang bahala basta siguraduhin ninyong makakalimutan niya ang kanyang nakita,” ang utos ni Haring Simon sa mga kawal.


Dahil dun, dinala si John ng mga kawal ng hari sa isang silid at doon pinagpapalo ang kanyang buong katawan ng isang matulis pako na may kasamang kahoy. Walang magawa si John kundi sumigaw nalang upang maibsan ang sakit na nararamdaman at para humingi na rin ng tulong.


“Pasensya na ngunit kailangan naming gawin ito dahil ito ang utos ng hari sa amin,” ang wika ng mga kawal na naaawa kay John. “AH, AH!,” ang wika ng mga kawal sa bawat hampas ng isang matulis na pako na may kasamang kahoy.

“Tulong, tulong. Bago nyo ako patayin ay ay nais kong iparating nyo sa babae na aking nakita na iniibig ko siya,” ang sigaw ni John habang napupuno na ng dugo ang kanyang katawan.


“Prinsesa Nicholie, sabi po ng tao na nakakita sa inyo ay iniibig niya raw po kayo!,” ang sabi ng mga kawal na talagang naaawa sa tao.


Nang malaman ni Prinsesa Nicholie ang mensahe ng tao na si John ay kinausap niya ang kanyang ama na palayain nalang si John dahil hirap na hirap na ito.


“Ama? Palayain mo na ang taong yon, kawawa na ang kanyang lagay. Hirap na hirap na po siya, ama sige na po,” ang wika ni Princesa Nicholie habang naluluha.


“Alam mong yan ang patakaran natin sa kahariang to na kapag may isang tao na nakakita ng sinuman sa inyo ay paparusahan. Ano na nga ba ang sasabihin ng mga kalahi natin kapag nalaman nila na sinuway ko ito,” ang sagot ni Haring Simon kay Princesa Nicholie.


Habang lumilipas ang ilang sandali ay nawalan ng malay si John at nakita ito ng isang kawal at dali-dali nitong nilapitan si John ngunit huli na ito dahil hindi na ito humihinga pa. Simula noon ay hindi na umibig pa si Prinsesa Nicholie hanggang sa pagtanda nito.

Recent Posts

See All

Comments


© 2023 by Christine Jay Ancog Proudly created with Wix.com

bottom of page