"KRUS DAKO" ni Jay Ann Galacio
- HUMMS A
- Mar 16, 2018
- 2 min read
Biyernes Santo iyon nung magplano kaming pumunta sa Krus Dako upang magsakripisyo.Tinawagan ko si Paul na sumama siya sa amin at agad namang sumang-ayon ito. Bumili muna kami ng pagkain at tubig sa grocery store para naman di kami gutumin pagdating namin sa Loboc.
Nagkita-kita kami sa terminal upang sumakay ng bus papunta sa Loboc. Mga isang oras din ang byahe. Nang makaabot na kami sa Loboc sobrang sikat na ng araw at dahil di pa kami nananghalian, napagpasiyahan namin na kumain muna nang matapos ng kumain napagpasiyhan namin na magsimula ng maglakad patungong Krus Dako.
Nong makaabot na kami sa unang istasyon nagdasal kami. Pagdating namin sa ikaapat na istasyon medyo nahilo ako pero diko na ininda at nagpatuloy pa din ako sa paglalakad at pagdadasal. Nangangalahati na kami nun sa aming paglalakad nang matumba ako sa may damuhan at dali-dali akong tinulungan ni Mie-mie sabay sabi ng "Okay ka lang ba? Kaya mo pa bang maglakad?”, tanong sa akin ni Mie-mie. "Pwedeng magpahinga muna tayo dahil medyo nahihilo ako at nauuhaw na rin ako.",sagot ko naman.Tiningnan ni Paul ang lagyanan ng tubig at sa kasamaang palad wala na itong laman. "Jay wala na kasing tubig, bibili muna ako ng tubig. May nagtitinda naman ng tubig sa may unahan" ,ang sabi ni Paul. At akoy sumagot "Sige Paul pasamahin mo nalang si Mie-mie kaya ko naman mag-isa dito." Dali-dali naman silang sumang-ayon. Mga ilang minuto may babaeng lumapit sa akin . "Ineng okay ka lang ba? Nakita kita kasi na natumba kanina sa may damuhan, o heto may white flower akong dala dito kunin mo na para umayos ang pakiramdam mo" sabi ng babae. At agad ko naman kinuha ang white flower at nagpasalamat sa baeng tumulong sa akin. Nakabalik na sila Paul at Mie-mie na may dalang tubig at ininom ko naman iyon. Bang bumuti na ang pakiramdam ko nagpatuloy kami sa paglalakad.
Nang makaabot kami sa panghuling stasyon nagdasal ako at nagpasalamat sa Diyos. Nung makita ko ang kabuohan ng Krus Dako parang nagtagumpay kami sa isang misyon dahil na run sa pagsasakripisyo at pagtitiyaga. Nag palipas muna kami ng isang oraa sa Krua Dako at tanaw na tanaw naming ang magandang tanawin sa Loboc kaya di run namin pinalampas na kumuha ng litrato at lumioas ang isang oras kaya napagpasiyahan namin na bumaba na at nang makababa kami pumara na kami ng sasakyan upang kami'y makauwi na. Nagtapos ang aming araw na pagod man pero may baon naman kaming magandang ala-ala at di ko yon makakalimutan.
Comments