top of page

“Kwentong Pag-ibig: Celpon” ni Ma. Nicel S. Fulguerinas

Writer's picture: HUMMS AHUMMS A

Noong unang panahon, may dalawang magkaibigan na nagkukwentuhan sa lilim ng punong akasya. Ang kanilang mga pangalan ay Melissa at Mica. Ang kanilang pinag-uusapan ay tungkol sa kanilang dating nakarelasyon. "Yung dati kong nakarelasyon ay hindi masyadong gwapo pero mabait siya, naghiwalay kami dahil wala na kaming oras sa isa't isa dahil din tinutukan namin ang aming pag-aaral kaya napagdesisyunan naming maghiwalay.", salaysay ni Melissa. "Yung dati ko ring nakarelasyon ay masyadong matampuhin, seloso at hindi alam ang salitang tiwala, kaya naghiwalay kami.", salaysay ni Mica. Tumunog yung celpon ni Melissa at sinagot niya ito, nag-usap sila at nag-usisa si Mica kaya tinanong niya si Melissa "Sino yan?", mahinhing tanong ni Mica. "Si Aljun", sagot ni Melissa. "Parinig naman ng kaniyang boses", pahabol na sabi ni Mica. "Sige sige, lalakasan ko lang.", sabi ni Melissa at pinindot ang loudspeaker sa kanyang celpon. "Sige sige", sabi ni Mica na nakatawa. Nung marinig na ni Mica ang boses ni Aljun ay natulala at nag-iisip siya kung ano ba ang mukha at gwapo ba o pangit, nakangiti siyang nag-iisip na parang tanga. Sinampal ng malakas ni Melissa ang mukha ni Mica at ang sabi ni Mica. "Araayyyyy!!, Bakit mo yun ginawa!?" "Para ka kasing tanga, natulala na nakangiti!", sagot ni Melissa na nakatawa. "Aljun! Inaway ako ni Melissa ohhh! Huhuhuhu", pabirong sabi ni Mica kay Aljun. Nung pinatay na ni Aljun ang celpon ay agad na kinuha ni Mica ang celpon ni Melissa para makuha ang numero ng celpon ni Aljun at nung nakuha na ni Mica ang numero ng celpon ay agad niya itong tinawagan at ang sabi ni Melissa "Marunong yang maggitara, pagitarahin mo." Nung sinagot ni Aljun ang tawag ni Mica ay agad humingi ng pabor si Mica kay Aljun. "Hindi pa nga alam ni Aljun ang pangalan mo! Pabor na agad?", sabi ni Melissa. "Oo nga nuh, hahaha para akong tanga!", sabi ni Mica. "Ano nga pala ang pangalan mo?", tanong ni Aljun kay Mica. "Mica nga pala ang pangalan ko.", pakilig na sagot ni Mica kay Aljun. "OP ako, huhuhu!", sabi ni Melissa sa sarili. "Pabor naman ohh.", sabi ni Mica kay Aljun. "Ano yun?", sagot ni Aljun. "Haranahan mo nga ako..este mag gitara ka nga ,please.", mahinhing sabi ni Mica kay Aljun. "Hahaha, susubukan ko.", nahihiyang sagot ni Aljun. Pinagbigyan ni Aljun ang pabor ni Mica at nag gitara't kumanta ang lalaki. Kinilig ang dalawang magkaibigan.

Makaraan ang ilang minuto ay natapos na ang lalaki sa pag gigitara't pagkanta sa dalawang magkaibigan. "Ba't ang galing mong mag-gitara?", tanong ni Mica kay Aljun. "Sa paaralan kasi namin may seksiyong espesyal, sa seksiyong iyon ay pinagsama-sama ang may talento sa pag arte, sa pagamit ng mga instrumentong pangtugtug at iba pa.", sagot ni Aljun. "Ahh, Saang paaralan ka nag-aaral?", tanong ulit ni Mica. "Sa Saging National High School ako nag-aaral.", sagot ni Aljun. "Talaga? Dun din ako nag-aaral!", masayang sabi ni Mica kay Aljun. "Talaga? Anong grade kana? Anong seksiyon?", tanong ni Aljun. "Grade 10 seksiyon sunflower.", sagot ni Mica. "Kita tayo dun ha, gusto kitang makilala.", sabi ni Aljun. Hindi namalayan ni Mica na tinataguan siya ni Melissa. "Patay! San si Melissa?", tanong ni Mica sa sarili. "Ha? Bakit? Iniwan ka ni Melissa?", sabi ni Aljun. "Bulaga!!", palakas na sabi ni Melissa kay Mica. "Nagulat ako, huhu promise.", pabirong sabi ni Mica. "Hindi niyo kasi ako sinali sa usapan kaya napagdesisyonan kong magtago.", sabi ni Melissa kay Mica at kay Aljun. "Haha, tapos na din kaming mag-usap.", sabi ni Mica kay Melissa. "Magsasaing muna ako ha.", sabi ni Aljun sa dalawang magkaibigan. "Oh sige sige, uuwi na din kami, salamat sa oras", sabi ni Mica kay Aljun. "Salamat din, nice meeting you Mica", sabi ni Aljun at pinatay ang celpon. Umuwi na ang dalawang magkaibigan sa kani-kanilang mga tahanan. Ang pag-uwi ni Mica, ay makikita pa rin sa kaniyang mukha na may kilig pa rin at ngiti sa kanyang labi samantalang kay Melissa naman ay pagod at gutom dahil tanghali na sila umuwi at hindi pa kumain. Nang nakaabot na si Mica sa kanilang bahay ay agad nag text si Aljun at ang laman ay "nakauwi na kayo?". Agad din namang sumagot si Mica at ang mensahe ay "Oo kakarating ko lang at umuwi na din si Melissa sa kanila, kumain ka na ba?". "Oo, kakakain ko lang. Ikaw kumain ka na ba?", tanong ni Aljun sa mensahe na natanggap ni Mica. "Hindi pa.", sagot ni Mica. "Kain ka na, baka malipasan ka ng gutom at magkasakit ka pa diyan.", sabi ni Aljun. "Opo kamahalan, masusunod po.", pabirong sabi ni Mica. "Sige kita tayo bukas sa paaralan.", sabi ni Aljun. "Oh sige ba.", sabi ni Mica.

Kinabukasan ay pumasok na si Mica sa paaralan kasama ang ngiti at kilig na hindi mawala-wala sa pangyayaring iyon. Nagagalak siyang pumasok dahil sa sabi ni Aljun na magkikita sila. Dahil sa labis na kagalakan ay hindi alam ni Mica ang itsura ni Aljun. Kaya napagdesisyonan niyang pumunta sa internet cafe upang gumamit ng computer para makita na din niya sa wakas ang mukha ni Aljun. "Ate gagamit po ako.", sabi ni Mica sa babae sa internet cafe. "Sa PC1 ka iha.", sabi ng babae. "Salamat po ate.", sabi ni Mica sa babae. Nung nakagamit na si Mica sa computer ay agad niyang hinanap ang pangalan ni Aljun. Hindi alam ni Mica kung ano ang buong pangalan kaya tinawagan niya si Melissa dahil alam ni Melissa ang buong pangalan ni Aljun. "Ano nga pala ang buong pangalan ni Aljun?", tanong ni Mica kay Melissa sa tawag. "Mark Aljun Lee.", sagot ni Melissa. "Sa facebook, anong gamit niyang pangalan?", tanong ulit ni Mica. "Aljun Lee.", sagot ni Melissa. "Salamat iha", pabirong sabi ni Mica kay Melissa at pinatay ang celpon. Dali-daling hinanap ni Mica ang facebook account ni Aljun at nang makita niya iyon ay nabighani agad siya sa malaanghel na mukha ni Aljun. Nung matapos na siyang gumamit ay pumunta siya sa babae na nagbabantay ng internet cafe at nagbayad, at umalis. Hindi makalimutan ni Mica ang anghel na mukha ni Aljun. Siya'y pumasok na sa kaniyang klase. Nagagalak siyang pumasok sa silid na may kasamang ngiti sa labi na para bang pinana ni Kupido ang kaniyang puso at natulala na parang tanga. Hindi siya nakikinig sa kanyang guro at lumabas siya para pumunta sa banyo na dala ang kanyang celpon. Tinawagan niya si Aljun at sinagot naman siya nito. "Asan ka?", tanong ni Mica kay Aljun sa tawag. "Nandito ako sa kiosk, bakit mo natanong?", sabi ni Aljun. "Wala kayong klase?", tanong ni Mica. "Mamaya pa.", sagot ni Aljun. "Ahhh", sabi ni Mica. "Ohhh", pabirong sabi ni Aljun. "Sige sige", sabi ni Mica at pinatay ang tawag.

Napagdesisyonan ni Mica na puntahan si Aljun upang makita sa dalawa niyang mga mata ang malaanghel na mukha ni Aljun. At nang nandoon na siya sa sinabi ni Aljun ay nagtago siya para hindi siya makita ni Aljun, sumilip lang siya at natulala na nakatingin kay Aljun. Napatingin si Aljun sa may halamanan kung saan si Mica ay nandoon, nakita siya ni Aljun at ngumiti. Sa pagkakaalam ay hindi pa nakita ni Aljun kung ano ang itsura ni Mica. Agad tumakbo si Mica papunta sa silid na may dalang ngiti sa labi at namumulang mga pisngi. Tinanong siya ng guro "Bakit ka hinihingal?". "Tumakbo kasi ako papunta dito ma'am.", sagot ni Mica na humihingal. "Nakita kasi niya yung kanyang iniibig ma'am kaya tumakbo siya, di ba Mica?", tanong ng kaklase ni Mica. "Hindi ha", pagsisinungaling ni Mica. "Oh sya! Tama na yan. Paalam class", sabi ng guro. "Paalam at salamat po ma'am", sabi ng mga estudyante. Agad nagtext si Mica kay Aljun. "Nakita mo ako?", laman ng mensahe ni Mica na para kay Aljun. "Ha? Saan?", tanong ni Aljun. "Sa may halamanan.", sabi ni Mica. "Ahhh. Ikaw pala yun? Haha hindi ko alam kasi", nahihiyang sabi ni Aljun. "Oo ako yun", pakilig na sabi ni Mica. "Ang ganda mo naman", sabi ni Aljun na may kasamang pambobola. "Hahaha, hindi ah", kinikilig na sabi ni Mica. "Sige klase na ako ha", sabi ni Aljun. "Sige sige", sabi ni Mica. Makalipas ang ilang oras ay uwian na. Masayang umuwi mag-isa si Mica dahil hindi sila parehas ng paaralan ni Melissa. Umuwi na din si Aljun kasama ang kaniyang mga kaklase. Nang makauwi na si Mica sa bahay ay pumunta siya agad sa kaniyang silid at humiga na kinikilig. Nagfefacebook siya at hinanap ulit ang account ni Aljun at tinitingnan ang mukha ni Aljun. Napagdesisyonan ni Mica na e save ang larawan ni Aljun sa kanyang celpon para lagi niyang matingnan ang mukha ng kanyang iniibig. Hindi alam ni Aljun na pinapantasya na siya ni Mica. Nagpatuloy silang nagpapalitan ng mensahe sa isa't isa hanggang sa inamin ni Mica ang nararamdaman niya para kay Aljun. "May gusto ako sayo, hindi pala mahal na kita", sabi ni Mica kay Aljun sa mensahe. "May gusto din ako sayo", sagot ni Aljun sa mensahe ni Mica. "Haha, really? Totoo?", kinaklarong sagot ni Mica. "Oo nga", sagot ni Aljun. Hindi nakasagot si Mica sa mensahe dahil sa sobrang kilig. "Masaya kaming naglalakad sa dalampasigan, niyakap niya ako ng mahigpit na mahigpit na parang mamamatay na ako sa sobrang higpit sa kaniyang yakap. Nagtatawanan kaming dalawa, pinagsaluhan namin ang mangga, sinubuan niya ako at hinalikan sa pisngi na hindi ko namalayan. Mahal namin ang isa't isa. Mahal ko siya sobra at mahal din niya ako ng higit pa sa buhay niya.", yan ang nasa isip ni Mica. Ang kaniyang imahinasyon ay tungkol lahat sa kanilang dalawa ni Aljun. Tinamaan talaga siya ng pana ni Kupido.

Makalipas ang ilang araw at linggo ay patuloy pa rin sila na nagpapalitan ng mensahe sa isa't isa. Isang araw nung binuksan ni Mica ang kanyang facebook at hinanap ulit ang pangalan ni Aljun ay laking gulat niya ang kanyang nakita. Ang bio ni Aljun ay may pangalang Erica at may mga puso pa, at may nakalagay ding petsa. Hindi alam ni Mica na may girlfriend na pala si Aljun at para siyang tanga na umaasa na may magiging sila. Nung makita ni Mica iyon ay parang gusto niyang patayin si Aljun dahil sa hindi pagsabi na may girlfriend na pala siya. Hinanap ni Mica ang girlfriend ni Aljun sa facebook at natulala sa nakita, ang bio ni Erica ay Aljun na may puso at may petsa na katulad ng kay Aljun. Kaya niya pinasyahang huwag ng magapadala ng mensahe kay Aljun para humilom agad ang sakit sa kaniyang dibdib, binura na din niya ang larawan ni Aljun sa kanyang celpon upang sa ganu'y mabilis na mawala ang kanyang nararamdaman. Napansin ni Aljun na hindi na nagpapadala ng mensahe si Mica sa kaniya. Kaya pinadalhan niya ito at sinabing "uyyy . Ba't di ka na nagparamdam?". Hindi sumagot si Mica sa mensahe ni Aljun. Kaya tinawagan ni Aljun si Mica, pero hindi sumagot si Mica, kaya tumigil na siya sa pagtawag at pagpapadala ng mensahe kay Mica. Nung nakita ni Mica na nagpadala ng mensahe si Aljun at tumawag ay bumalik lahat ang kanyang naramdam, ang sakit. Hindi pa rin magawa ni Mica na makalimutan si Aljun dahil minahal na niya ito ng lubusan. Minahal na parang magkarelasyon pero wala silang relasyon umaasa lang si Mica na may magiging sila pero wala. Makalipas ang ilang oras ay napagpasyahan ni Mica na bumili ng bagong simcard para hindi na makapadala at makatanggap ng mensahe si Mica na galing kay Aljun sa kanya at upang hindi na rin siya masaktan, pero patuloy pa din siyang hanap ng hanap sa account ni Aljun na umaasa pa rin na maghihiwalay sila ng girlfriend niya pero hindi pa sila naghiwalay, may sila pa. Lalong sumakit at nadurog ang puso niya ng pinong-pino. Nagpakatanga siya sa isang lalaki na kailanma'y hindi magiging sila pero hindi nawalan ng pag-asa si Mica.

Isang araw nung nagbukas ng account si Mica ay may nakalap siyang impormasyon na galing sa kaniyang kaibigan tungkol kay Aljun. May mensahe ni Melissa at ang laman ay "break na sila!" . Nagulat si Mica dahil hindi niya alam kung sino ang naghiwalay kaya umiral na naman ang kanyang pagkamausisa. Tinawagan niya si Melissa at sumagot ito. "Sino ang naghiwalay?", tanong ni Mica kay Melissa sa tawag. "Si Aljun at si Erica", sagot ni Melissa. Hindi na nakapagsalita si Mica dahil sa labis na pagkagulat. Dahil sa pagkamausisa ay pinatay niya ang tawag at dali daling binuksan ang facebook account niya. Hinanap agad ang account ni Aljun at doon nalinawan na ang kaniyang isipan, naghiwalay na nga sila. Masayang masaya si Mica sa pangyayaring iyon. Ang kaniyang inaasam-asam na mithiin ay natupad na naghiwalay na sila at umaasa na naman siyang may magiging sila. Nagpapansin si Mica kay Aljun sa facebook sa pamamagitan ng pag komento sa mga posts ni Aljun. Hindi kalauna'y napansin din ni Aljun ang pagpapapansin ni Mica sa kanya kaya hiningi ni Aljun ang numero sa celpon ni Mica sa pamamagitan ng pagamit ng mensahero sa facebook. At bumalik ang dati nilang ginagawa, ang pagpapalit-palit ng mensahe sa isa't isa. Hindi na sinabi ni Mica kung bakit hindi na siya nagparamdam. Lingid sa kaalaman ni Mica ay nabighani na din si Aljun sa kanya. Pinana ni Kupido ang kanilang mga puso. Hindi nagtagal ay niligawan ni Aljun si Mica sa pamamagitan ng pagpapadala ng mensahe gamit ang celpon at sa totoong buhay na hindi na sa mensahe. Dahil nga sa pagkabaliw ni Mica kay Aljun ay sinagot niya agad ito. At nagpatuloy ang kanilang pag-iibigan na walang makakahadlang magpakailanman.

68 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


© 2023 by Christine Jay Ancog Proudly created with Wix.com

bottom of page