top of page

"PAGSISIKAP" Eunice Evangeline Viodor

Writer's picture: HUMMS AHUMMS A

Tauhan: Xyl / Terso (Ama) / MC / Ate Linda / Ate Resa Tagpuan: Interview sa telebisyon Tagpo: Banghay: • Simula: Nag simula ang kwento sa pagpapakilala ng bida na si – Xyl. May gaganaping pakikinayam sa kanya tungkol sa kanyang buhay at kung paano niya nalagpasan ang mga pag mga pagsubok.

• Pataas na Aksyon: Sa kwento n’ya na hindi na s’ya papayagang magaral ng kanyang ama dahil sa kahirapan ng buhay.

• Kasukdulan: Nakahanap siya ng pwedeng mapagtrabahuan para makaipon para pang aral nya ng hiskul at kolehiyo.

• Kakalasan: Sakabila ng pagtratrabaho nakatapos siya ng pag-aaral ng hiskul at kolehiyo.

• Wakas: Natapos ang kwento sa pakikipagpanayam sa kanya kung gaano kahirap maging working-student. At kung ano ang iyong makakamit pag ika’y nagpursige. Diyalogo:

MC: Ladies and Gentlemen, let us all welcome the the most successful business women dito sa Pilipinas! Walang iba kundi si Xyl! Siya po ay ang kasalukuyang CEO nang pinakamalaki at nangungunang kompanya ng sapatos ngayon na ang Pangalan ay LYX. Bigyan natin ng palakpakan! Xyl: Magandang hapon po at sainyong lahat! MC: Magandang hapon rin naman sayo magandang binibini. Maupo ka muna dahil mataas ang gagawin nating pagkwekwentuhan ngayon! Xyl: Ay! Handang handa na po ako d’yan! MC: Mabuti naman kung ganun! Kumusta naman ang buhay ng isang CEO sa pinakasikat na sapatos ngayon? Xyl: Syempre naninibago po. Noon, pangarap ko lang ‘to, pero ngayon naabot ko na sa kabila ng mga pagsubok na aking nakakaharap sa buhay. MC: Wow! Iba talaga ang mararating kapag pursigido! Tignan n’yo 25 taong gulang malayo na ag narrating… Xyl: Wala pong mahirap na gawa ‘pag dinaan sa tiyaga… MC: Malalim talaga ang pinanghuhugotan… Ano nga ba talaga ang kwento sa loob ng inyong tagumpay? Xyl: Ang alam ng marami malakas ako sa kabila ng mga pagsubok pero sa kaloob-looban ko akoy mahina, wasak, at nangungulila sa pag mamahal ng aking mga magulang. MC: Nako, maghahanda na ako ng tissue dito… (Sa nagdaang labing tatlong taon taon) Xyl: Itay! Tignan n’yo oh, marami akong medalyang nakuha sa aking pag-aaral! Terso: Ano naman?! Makakain ba ‘yan? Magkakapera ba tayo ‘dyan? Xyl: Hindi po ba kayo proud sa aking itay? Terso: Anong proud ang sinasabi mo d’yan?! Mas mabuti pag mag trabaho ka na lang at hindi na mag aral! Xyl: Gusto ko po mag-aral ‘tay! Gusto ko mag-aral sa isang magandang unibersidad at makapagtapos at magpatayo ng sariling kompanya upang magiging maginhawa itong buhay natin! Terso: Hoy bata ka! Wag ka ng mangarap! Ano may pera ka ba pang-aral? Di ba wala! Kaya ako pa sa’yo tigilan mo na ‘yang kahibangan mo! Xyl: Ang sama mo ‘tay! Kung nandito lang talaga si nanay! Terso: Ilang beses ko na bang sinabi sa ‘yo na wag na wag mong babanggitin ang nanay mong walang kwenta! Xyl: Ayaw ko na dito! Hahanapin ko si inay! Terso: Edi umalis ka! Walang pumipigil sa iyong umalis dito at yung inay mo? Wag ka nang umasa! Xyl: Ang sama-sama mo! Bakit ikaw pa ang nagging tatay ko! Terso: Ano? Umalis ka na at sisiguraduhin kong wala ka nang babalikan dito! Xyl: Aalis talaga ako!

(Pagkatapos umalis si Xyl, lumapit siya isa-isa sa mga kamag-anak niya na pwedeng mapagtuloyan) Xyl: Ate linda, magdandang gabi po. Pwedeng dito muna ako sainyo habang naghahanap ako ng mapagtratrabahuan? Linda: Oh? Ba’t nandito ka? Asa’n na tatay mo? Xyl: Umalis po ako saamin… Maghahanap ko ako ng pwedeng mapagtrabahuan para may ipon ako sa pagdating na pasukan. Linda: Nako! Tamang-tama, may kilala akong nangangailangan ng katulong. Xyl: Talaga ate? Nako, salamat po… Linda: Oh sha sha… Dito ka nalang muna lumipas ng gabi. Xyl: Sige po. (Kinabukasasn) Linda: Nandito na tayo, Xyl. Handa ka na ba? Xyl: Opo, ate. Salamat po talaga. Linda: Halika na, ipakilala kita. Xyl: Sige po. Linda: Mare! Nandito na si Xyl! Resa: Ito na ba si Xyl? Xyl: Ako nga po, mano po. Resa: Napakabait namang bata. Linda: Mabait talaga to, makakpagkatiwalaan mo pa. Resa: Ako nga pala si Resa, Ate Resa nalang itawag mo. Xyl: Sige po Ate Resa. Linda: Oh sha? Mauna na ako, marami pa akong aasikasuhin. Xyl: Sige po Ate Linda, Salamat po ng marami. Linda: Walang ano man, mag papakabait ka d’yan.

Resa: Bakasyon ka lang ba dito? Xyl: Depende po kung marami akong maipon, gusto ko po kasi mag-aral. Resa: Dito ka nalang sa akin, ako na bahala mag papa-aral sayo. Xyl: Talaga po Ate Resa? Resa: Oo… Ang gagawin mo lang dapat mapanatilihin mong maayos at malinis ang bahay, ikaw rin maglalaba ng mga damit ng aking anak, at ako na ang bahala sa pagluluto ng pagkain. Xyl: Sige po, kahit ano pong ipapagawa n’yo gagawin ko…

(Kasalukuyan) MC: Hindi ba naging mahirap ang pagtratrabaho habang nag-aaral? Xyl: Hindi naman po, pero merong pagkakataon na mahirap talaga… MC: Kagaya ng? Xyl: Pag exam na at marami pang trabaho ang iyong tatapusin… MC: Natapos mo ba ang pag hihiyskul at kolehiyo sa kamay ng Ate Resa mo? Xyl: Oo naman po, sa kabila ng pagtratrabaho ko ay nagpursige talaga ako ng mabuti at nakakuha ng medalya para may maipagmalaki ako pag dating ng araw. Supportado ako ni ate resa pati na rin ng pamilya n’ya. MC: Sa mga panahon na ’yon, minsan mo bang naisip ang iyong ama at ina? Xyl: Opo naman. Sakabila ng galit ko sa aking ama iniisip ko pa rin siya at nagkaroon na ako ng telepono nung Grade 10 kayo eh… Si ate linda ang palagi kong ano na ang mga pangyayari kay itay at inay… Nakapag asawa na daw ulit si itay at si inay. MC: Ano ang naramdam mo sa panahong iyon na nalaman mong meron na palang ibang pamilya ang iyong mga magulang? Xyl: Syempre nalungkot dahil hindi man lang nila ako iniisip o hinanap man lang. Pero nagpapasalamat parin ako sa kanila dahil kung hindi nangyari ang mga bagay na iyon baka wala ako dito sa kanatatayuan ko ngayon. MC: May mensahe ka ba sa pamilya mo? Xyl: Inay, Itay… Sana masaya kayo ngayon at sana maging proud kayo saakin. MC: Maraming salamat sa’yo xyl, Magsilbi n’yo sanang inspirasyon ang kwento ni xyl para makamit ang iyong inaasam sa buhay. Any last word? Xyl: Uulitin ko, walang mahirap na gawa ‘pag dinaan sa tiyaga. Maraming salamat po! MC: Palakpakan natin ulit, Xyl!

104 views0 comments

Recent Posts

See All

"Pagpapatawad" Ni: Danica A. Pagapong

Tauhan: Martha- batang naka bangga sa punso. Tauhang Lapad Maria- ina ni Martha. Tauhang Lapad Manuel - ama ni Martha. Tauhang Lapad...

Comments


© 2023 by Christine Jay Ancog Proudly created with Wix.com

bottom of page