top of page

"Makabagong Diwata" ni: Esthefhanie Abogado

  • Writer: HUMMS A
    HUMMS A
  • Mar 16, 2018
  • 4 min read

Sa isang malayo at mausbong na kagubatan, pagsinabing mausbong mausbong talaga. May mga diwatang naglalaro sa isang tabi ng lawa na kilala sa tawag na swimming pool, masaya silang naliligo habang nakabikini na gawa sa dahon at mayroon ding nakalagay na karatula na No ID No Entry, sa isang banda naman may limang diwatang nagtitipon na tila may pinaguguluhan.

Elizabeth: Bakit ka nandito tao at paano ka makarating dito? ( nakaturo ang lamang daliri sa tao)

Vanessa: Bakit limang daliri? Dapat isa lang!(nagtataka ang mukha)

Elizabeth: Huwag ka nga! Walang basagan ng trip! ( galit na sigaw)

Hyndy: Mga binibini ako'y inyung patawarin sapagkat hindi ko rin alam bat ako napaparito.( nagtataka ang mukha)

Vanessa: Oh...sige pero ano nga pala name mo? At taga saan ka nga pala?( nakataas ang kilay)

Hyndy: Ako po si Hyndy Uso at ang tahanan ko ay bayan ng makata ( nakangiting sabi)

Gabriella:Toot...too­t...toot...( nagsasayaw)

Danica: Anong ginagawa mo?( nakakunot ang noo) Gabriella: malamang sa malamang nagsasayaw bulag lang! My gaaaaad...diba kayo nanonood ng TV? (Pasigaw na sabi)

Blue: Boom! Basag! Hahaha... ( tumatawa habang nakahawak sa tiyan)

Elizabeth: hahaha... Danica: mabilaukan sana kayo! ( pairap na sabi)

Blue: sungiiit...(pinipigi­lan ang tawa) Vanessa: Sige guys tama na yan, magpakilala muna kami Blue: Ako si blue, siya si Danica, si Elizabeth,si Gabriella at si Vanessa ( nakangiting sabi) Vanessa: at kami ay mga diwata, welcome to our world! ( nakangiting sigaw) Hyndy: hahaha... nagpapatawa ka ba? Diwata? Isa lamang yan kalokohan(naguguluha­n) Danica: bakit diba pweding may diwata talaga!? ( inirapan si hyndy) Hyndy: patawad binibini sapaglat mahirap paniwalaan Danica : bahala ka nga! Ogie...!( sumisigaw)

Ogie: bakit po mahal na diwata? Danica : bigyan mo ako ng Uphone bilis!

Ogie: (pumikit habang ang kamay ay nakalahad) ito na po mahal na diwata( sabay Abot) Danica : thanks Handy: (nakanganga) di ka paniwala- wala Blue : yan ay isang mahika na taglay namin dito sa aming mundo Hyndy: Anong tawag sa nilalang na iyan? Vanessa: Isa siyang Phal-am Hyndy: Phal-am? Gabriella: Phalakang amerikano!

Ipinasyal nila si Hyndy Uso, ipinakilala sa iba pang mga diwata malugod naman siyang tinanggap ng mga ito kahit na sabihing isa siyang tao. Naging komportable silang Lima sa isa't- isa at naging matalik na magkakaibigan.

Hyndy : Anong pangalan nga pala ng nilalang na iyan? Blue: Ano ka ba hyndy ang tagal muna dito hindi mo parin alam! Isa yang faibot Hyndy: faibot? Blue : fairy na robot ,isa siyang manghuhula Hyndy: wow ang astig! Vanessa: Improving ka na ngayon ha? Elizabeth: Oo nga ,noong unang araw mo dito ang weird ng pananalita mo Hyndy: Nakasanayan na eh...bakit kayo mga diwata pero hindi kayo malalim magsalita?

Danica: kaya nga kami binansagang makabagong diwata sabay kami sa Uso ng mga mortal. Gabriella: yan kasi ang natutunan namin sa mga mortal Hyndy: Nakapunta na kayo doon? Blue: Oo ng binigyan kami ng pagsubok ng mahal na reynang diwata Elizabeth: speaking of mahal na reyna, mabuti pang bisitahin natin sila Hyndy: Malayo ba dito ang palasyo? Blue: Oo, malayong malayo,sasakay ka pa ng helicopter Hyndy: exciting to! Sumakay sila sa helicopter, masaya silang nagkukwentuhan at inilalarawan nila kung gaano maganda ang palasyo. Hyndy: Ano nga ba ang nandoon sa palasyo? ( nakangiting tanong) Blue: oo nga pala dika pa nakapunta doon, bastan maganda madaming bulaklak Vanessa: marami rin ang kalahi ni ogie doon Danica: malakas din ang internet doon Hyndy: wow nakakamangha naman

Sa gitna ng kanilang nagkukwentuhan ay nakatulog sila. Isang oras ang lumipas nakadama ng labis na kaba ang limang diwata, inihanda nila ang kanilang sarili,habang si hyndy ay walang muwang na natutulog. Nakarating na sila sa palasyo at laking gulat nila ang nadatnan.

Danica: Papaaanong nangyari ito,bakit?bakit madaming bangkay?( naluluhang saad) Elizabeth: halika dito may humihinga pa Vanessa: anong nangyari?( nagtataka ng tanong) Fairy: may mga itim na diwata sa likod ng palasyo, tulungan niniyo ang mahal na reyna( lumuluhang sabi) Blue : huwag lang magalala ,ililigtas namin ang reyna

Pumunta sila sa likod ng palasyo at nadatnan nila ang mahal na reyna na sugatan. Marami na ding napatay na itim at puting diwata. Tinulungan nila ang reyna at makalipas ang minuto naubos narin ang mga itim na diwata pawang ang hari na lamang ang natira. Haring itim: hahaha...ang lakas ng loob niyong kalabanin akoga mahinang nilalang! Hindi niyo ba nararamdaman na naghihingalo na ang reyna niyo hahaha... Blue: mamamatay ka!( itinusok ang espada sa puso ng hari)

Unti-unting naglaho ang itim na hari. Agad na pumunta sila sa reyna.

Hyndy: May lason ang kanyang katawan Elizabeth: Anong gamot ang kailangan? Blue: sino ang gagamot walang manggagamot dito! Hyndy: marunong akong manggamot Inilista ni Hyndy ang kailangan. Binigyan na ng paunang lunas ang reyna at naging normal na ang pagtibok ng puso nito.

Danica: Ano yan? Hyndy : Isa iyong Lana kung tawagin sa mundo namin Vanessa: Namimiss mo na ba ang mundo mo? Hyndy: syempre naman sabik na sabik na akong makita ang pamilya ko( nagningning ang mata) Danica: Maraming salamat sayo hyndy baka kung wala ka malamang wala na ang reyna Blue: Huwag kang magalala hyndy, pagkagising ng mahal na reyna ay hihiling tayo sa kanya

Elizabeth: Siya lamang ang may kayang may kakayahang magbukas ng portal

Makalipas ang Ilang araw nagising narin ang reyna. Nagdiwang ang lahat sa palasyo, maraming palamuti ang nakasabit sa palasyo.

Danica: Mahal na reyna sana pagbigyan mo kami sa aming kahilingan Reyna: Ano iyon anak kong diwata? Hyndy: gusto ko na pong umuwi sa amin Reyna: Dahil sa iniligtas mo ako ay tutuparin ko ang kahilingan mo Blue: teka lang mahal na reyna, selfiee muna tayo( pinipicturan sila) Vanessa: follow mo kami sa insta at fb ha inilista na namin tung account name namin, OK? Hyndy: Oo naman

Binuksan ng mahal na reyna ang portal, pumasok siya at nakabalik na sa mundo niya. Hindi malilimutan ni Hyndy ang mga kaibigang diwata, sa pagdaan ng araw naging mausbong na ang kanilang pamumuhay. Nakaupo si Hyndy Uso sa labas ng kanilang bahay at nakatingala sa bundok.

Hyndy: Maraming salamat, marami akong natutunan sa inyo. Hanggang sa muli ( nakangiting lumuluha)

Recent Posts

See All

Comments


© 2023 by Christine Jay Ancog Proudly created with Wix.com

bottom of page