top of page

“MASASAYANG ALA-ALA” Ni Danica A. Pagapong

  • Writer: HUMMS A
    HUMMS A
  • Mar 16, 2018
  • 2 min read

Taon-taon tuwing Enero ay nagtitipon an gaming buong pamilya sa bahay nila lolo at lolo sa Anda. Biyernes pa lang ng umaga ay nagdadatingan na ang aking mga tiyohin at tiyahin na nasa malayo na rin nakatira. Pati na rin kami ay naghahanda na rin para pumunta doon. Magiging masaya na naman ang tahanan na sa isang taon ay naging tahimik.

“Ate, tara bilisan mo! Baka mahuli tayo sa bus”, sigaw ng nakakabata kung kapatid na si Jerson. “Saglit lang”, pasigaw kong sagot. Sila mama at papa pala pati ang bunso naming kapatid na si Nina ay nauna ng umalis, kaya kaming dalawa nalang ni Jerson ang babyahe. Pagdating namin doon ay agad akong sinalubong ng aking matatalik na pinsan na sina Marvin at Crissa na sabik na sabik na makita ako. “Uyy Pinsan, kamusta kana?”, tanong ni Crissa. “Ok lang naman, maganda parin”, sagot ko. “Aysus! Panis nayan, hali ka na pumasok na tayo”, sabi ni Marvin sabay sapak sa akin. Nandoon na rin pala ang iba ko pang mga pinsan. Pagdating ng sabado ay maaga kaming nagising para maghanda ng almusal at para din makapagsimba. Pumunta kami sa kapilya para magsimba. Habang kami ay naglalakad pauwi, tinawag kami ng pinsan nila papa para doon na sa kanila kumain dahil iyon ay araw ng pista. Pagdating naming sa bahay ay napuno ng tawanan ang buong sala. Lahat kami ay para bang mamamatay sa kakatawa dahil sa mga biruan. Naging masaya na naman ang aming tahanan. Ngunit bigla nalang natahimik ang lahat. Bigla naming napansin na kulang na pala kami ng isa. “Mag-iisang taon na pala sa susunod na lingo ang pagkawala ni Riden”, malungkot na pagkasabi ng tiyahin kong si Rossel. “Ang mabuti pa ay mag alay tayo ng panalangin para sa kanya”, sabi ni lola. Sa kabila ng lahat ay naging masaya naman ang pista dahil sa mga programa tulad ng basketball league at iba pa. Pero syempre hindi mawawala ang disco na paborito ng mga binata at dalaga doon. Kinabukasan, naging emosyonal ang lola ko, napaiyak siya dahil araw na iyon ng uwian naming lahat. Magiging tahimik na naman daw ang kanyang bahay dahil silang dalawa ni lolo nalang ang maiiwan. Naunang umuwi ang tiyohin ko at ang kanyang pamilya sa Alicia, dahil may pasok pa ang mga pinsa ko kinaumagahan. At ang iba kong mga tiyahin at tiyohin ay umuwi na din, hanggang sa kami nalang dalawa ng kapatid ko ang naiwan. Nauna na din kasing umuwi ang mga magulang naming kasama ang aming bunsong kapatid. Gusohin man naming ‘wag munang umuwi, pero hindi pwede dahil may pasok pa kami. Lunes na ng umaga kami umuwi dahil sa tanghali naman ang aming pasok. Pagdating naming sa bahay ay agad kaming naghanda para sa pagpasok. Sabay kaming pumasok sa paaralan baon ang mga masasayang ala-ala sa tatlong araw naming sa Anda. “Excited na kami sa susunod na taon dahil alam naming madadagdagan pa ang mga masasayang ala-alang iyon.

Recent Posts

See All

Comments


© 2023 by Christine Jay Ancog Proudly created with Wix.com

bottom of page