Tauhan: Kaye Alvie Rivera
Loi Mavin Bautista
Don Alvin Rivera
Donya Karriane Rivera
Dennis Dela cruz
Ham, Shem at Japhet
Tagpuan: Mansyon, Ospital, Sementeryo at Simbahan
Simula- Masayang masaya ang pamilya Rivera na ipinagdiwang pagtatapos ng kolehiyo sa anak nilang si Kaye. Si Kaye na may masaya at mayamang pamilya, may pitong taong kasintahan, maganda, matalino at lahat nasa kanya na.
Pataas na aksyon- Nang malaman ng buong pamilya na may malalang sakit ang kanilang Ina. Nawala ang kanilang negosyo at hiniwalayan si Kaye ng kanyang kasintahan.
Kasukdulan- Nasaktan ng sobra at nalungkot si Kaye sa mga nangyayari sa buhay niya. Kaya napagdesisyonan niyang kitilin ang sariling buhay , pero hindi natuloy.
Kakalasan- Nang makilala ni Kaye ang lalaking makakapagbago sa buhay niya. At nang nabukas ang pinto sa kanyang puso upang papasukin sa loob ang presensya ng Dios sa buhay niya. Sa pamamagitan ni Loi na ginamit ng Panginoon. Tuluyan ng natanggap ni Kaye ang nangyari at napalitan ang poot sa hinanakit sa kanyang dib2 ng tuwa at kaligayahan.
Wakas- Nagdaan ang mga araw nang nagtapat si Loi kay Kaye at sila rin ang nagkatuluyan. Namuhay sila ng masayang nananampalataya sa Panginoon. Biniyayaan sila ng tatlong matatalinong mga anak at mga negosyong nagpapa unlad sa kanila.
Tono- Pighati at hinanakit Tema- Pananampalataya Simbolo- Pintuan: Pagbukas ng panibagong buhay at pag asa Foreshadowing- Fast Forward Uri ng Maikling Kwento- Linear
Sa isang malaking mansyon, masayang ipinagdiwang ng pamilya Rivera ang pagtatapos ng kolehiyo ni Kaye Alvie Rivera , na grumadweyt bilang Suma Cumlaude sa pinakasikat na eskwelahan sa Pilipinas. Siya ang panganay na anak nina Don Alvin Rivera at Donya Karianne Rivera. Paboritong anak nila si Kaye dahil sa matalino na, nasa kanya na ang lahat. Sobrang daming talento ang anak nilang 'to. Mula elementarya hanggang highschool ay palagi siyang top 1. Madami ring sinasalihang mga contests kagaya ng pagkanta, pagsayaw, pagpipinta, at naging MVP rin sya sa volleyball. Masasabi mong nasa kanya na ang lahat-lahat na hinahanap ng isang lalaki, kaya maswerte tung boyfriend niyang si, Dennis Dela cruz. Pitong taon na silang magkarelasyon at kailanman, walang hiwalayan ang naganap sa kanila. Sabi nga ni Dennis kay Kaye, "Love, away lang ha? Walang hiwalayan". Sabi naman ni Kaye, "Opo. Walang hiwalayan". Ang saya2 ng relasyon nila, kahit biro ng tadhana hindi makakapigil sa kanilang pag-iibigan. Lahat ng tao naiinggit kay Kaye. Dahil sa may masayang pamilya , mayaman, maraming negosyo, matalino, maraming talento, maganda, sobrang taas ng pangarap, may gwapo at mabait ng kasintahan, at sobrang bait pa. Lahat ng ugaling magaganda, nasa kanya na. Perpekto na ang tingin ng mga tao sa kanya .
Hanggang isang araw, nagkasakit ang mommy ni Kaye. Sobrang malala na ang sakit nito, liver cancer. Nalungkot ang buong pamilya, sabi ni Kaye sa mommy niya, "Mommy, lumaban ka naman oh. Wag nyu po kaming iwan". Nang magkasakit ang mommy ni Kaye, sobrang na depres ang Daddy ni Kaye. Hindi na naka pokus sa companya at sa mga negosyo nila. Magastos ang pagpapagaling at pagpapagamot sa mommy ni Kaye. Kahit saang lugar na ng mundo naidala ang kanyang ina. Hindi naka pokus ang kanyang daddy sa negosyo mga ilang buwan na . Hanggang sa na bankrupt at nawala lahat ang kanilang negosyo. Mas lalong nalungkot at na depres ang pamilya Rivera. Hanggang isang araw sa ospital, "Mommmyyyyy!!! Gumisinggg kaaaa, mommmyyyyyy ..... " . Naputulan na ng buhay ang kanilang ina. Nag iiyakan ang lahat, at tumawag sa kanya ang kanyang boyfriend, "Love, ano na? Ilang buwan na kitang hindi nakita. Hindi ka na rin nagtetext at nagrereply, at hindi karin sumasagot sa mga tawag ko. Nahihirapan na ako sa ganito, naiintindihan ko naman yung sitwasyon eh pero sa naman maglaan ka rin ng oras para sakin." Sabi naman ni kaye na umiiyak sa telepono, "sorry Love, sobrang nahihirapan na rin akooo. Ngayong wala na si mommy, wala na kaming negosyo, hndi ko alam kng anong gagawin ko". Sabi naman ni Dennis, "Nakikiramay ako Love, pero may sasabihin ako sayo. Aalis na ako ng bansa. Pupunta ako ng States , dun na ako pagtatrabahuin nina Daddy. Maayos na lahat ng papeles ko. Sa susunod na araw na ang alis ko". Sabi ni Kaye, "Ano??? Bakit? Iiwan mo na ako? Bakit hindi mo sakin sinabi yan? Sa susunod na araw na rin ang libing ni mommy ,hindi ako pweding mawala" . Sabi naman ni Dennis, "Pasensya kana Kaye. Hindi ko na kaya tuh. Walong buwan mo na akong napabayaan. Tuloy na tuloy na ako sa states. Goodbye". Naputol na ang linya at umiiyak na naman si Kaye. Sobra siyang nalungkot sa mga nangyayari sa buhay niya. Nagpunta ng chapel si Kaye para ilabas lahat ng nararamdaman niya, "Panginoon, bakit mo ginawa samin tu? Bakitttt?? Anong kasalanan namin? Anong kasalanan ko??! Bakit lahat nalang kinuha moo??!! Si mommy, ang negosyo, at si Dennis??!! ". Sinisisi ni Kaye ang Diyos sa mga nangyayari. Dahil sa sobrang sikip, sakit at poot ang kanyang nararamdaman at hindi na niya alam ang gagawin niya . Hanggang isang araw, nagdesisyon siyang kitilin ang kanyang sariling buhay, pero biglang nagbago ang kanyang isip na para bang may bumubulong sa kanya na wag gawin at nang maisip din niya ang kanyang daddy at mga kapatid.
Kina umagahan, pumunta siya sa puntod ng kanyang mommy. Sinabi niya lahat ng hinanakit niya habang umiiyak mag isa. Hindi niya namalayan na may tao sa likod na nakarinig sa lahat ng kanyang sinasabi. Pagkatapos ay nilapitan siya ng lalaki, "Miss, mukhang may mabigat na problema tayo ah? Halika, may sasabihin ako sayo." Ngumiti lang si Kaye at sinamahan siya ng lalaki. "Ako si Loi, binisita ko rin yung Papa ko dito. Ano nga pala'ng pangalan mo?". "Ahhh, ako nga pala si Kaye. Binisita ko yung mommy ko'ng nung isang araw lang din nilibing", sabi ni Kaye. Sabi nman ni Loi, "Ahhh, parang mabigat yata yung iyak natin kanina ah? Hayaan mo, makikinig ako sa sasabihin mo". Sa sinabing 'yun ni Loi, naging kampante ang pakiramdam ni Kaye sa kanya. At sinabi niya lahat-lahat ng kanyang hinanaing at hinanakit sa buhay. "Dati, sobrang saya naming pamilya. Masasabi mong nasa amin na ang lahat, ang kayamanan, kompleto ang pamilya, at nasa pamilya na rin namin ang pagiging matalino. Meron din akong boyfriend na mapagmahal, at nagtagal kami ng pitong taon. Pero sa isang iglap ay nawala nalang ang lahat; si mommy, ang negosyo namin, at naghiwalay na rin kami ng boyfriend ko. Pakiramdam ko, para akng binuhosan ng apoy agad2 na parang pinatay ako ng deretsahan. Malas na buhay 'to, kaya minsan napag-isipan kong kitilin ang buhay ko, kaya lang parang may bumabagabag sa gagawin ko." ani Kaye. Sabi naman ni Loi, " Alam mo Kaye kung bakit nangyari yan sa buhay mo? Sa totoo lang, may kulang pa ehh. Kaya may bumabagabag sa isip at puso mo pag sinusubukan mong kitilin yang buhay mo. Alam mo, pagsubok lang ng Panginoon yan. Sinusubukan niya kung hanggang saan at kailan yang paniniwala mo sa kanya. Naghihintay lang ang Diyos kung kailan mo siya tatawagin, pero mukhang mas nagagawa niyo na ang lahat na wala ang tulong ng Diyos. Yan ang kulang sa inyo, PANINIWALA at PAGTIWALA sa Panginoong Diyos." Natauhan si Kaye sa sinabi ni Loi, na parang sumisikip yung puso niya na may kulang pa pala sa kanya, sa buhay nila. May pintuan sa loob niya ang hindi pa nabuksan. At ang kulang sa kanya ay ang Panginoong Hesu Kristo, na hindi pa niya kailanman napagbuksan ng pinto sa buhay niya. Hanggang sa naiyak na si Kaye at nagdasal si Loi sa Panginoon para kay Kaye. Nagdaan ang mga araw, buwan, at taon, palagi na silang nagkikita at hindi nawawala sa pinag uusapan nila ang mga salita ng Dios na nakapagbibigay engganyo kay Kaye para mabuhay ng mas masaya sa piling at presensya ng Dios. At sa araw araw nilang pagkikita ay naibahagi na rin ni Loi ang salita ng Dios sa pamilya ni Kaye at nagsama-sama na silang magpamilyang pumunta ng simbahan . Sa hindi inaakalang pagkakataon at hindi inaasahang pakiramdam ay hindi nagtagal, nahulog rin ang loob ni Kaye kay Loi, at ganun din si Loi kay Kaye. Magaan ang pikiramdam nila sa isa't-isa sa simula pa lang. Hanggang sa hiningi na ni Loi ang mga kamay ni Kaye at hindi na sya nangligaw, dahil alam niyang si Kaye na ang babaeng ipinangako ng Panginoon para sa kanya kaya, "Kaye, sa una pa lang pakiramdam ko na ikaw na talaga. Siguro tinawag ako ng Panginoon para tulungan ka sa mga problema't hinanakit mo. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko sa mga araw na kasama kita. Pero sabi sakin ng Diyos na maghintay lang raw ako sa tamang panahon na pwedu ko ng sabihin sayo. At ngayon ang araw na 'yun. Sobrang laki ang pasasalamat ko sa Panginoon na ikaw 'yung binigay niyang regalo para sakin ngayong kaarawan ko. Kaya sana, kung pwedi kong hingin ang iyong mga kamay sa harap ng Diyos at sa pamilya mo." Hiwatig ni Loi . Naghihintay ang lahat sa sagot ni Kaye at, "Oo! Syempreee ! Malaki rin ang pasasalamat ko sa Panginoon na ikaw talaga ang pinaka unang taong nasabihan ko sa mga problema kong 'yun. Ngayon, hindi na masikip ang dib2 ko at napalitan ng saya at ligaya sa piling at presensya ng Diyos. Lalo pa't alam kong may plano pa ang Diyos sa buhay ko at sa aming pamilya. At isa ka sa mga planong inihanda ng Diyos para sakin. Ikaw yung 'future' na ipinangako ng Diyos para sakin, kaya Oo ang sagot ko". Masayang masaya si Loi sa narinig niya kay Kaye.
Labin limang taon ang nagdaan at namuhay sila ng maayos na ang buong pamilya ay masayang nananampalataya sa Panginoon. Si Loi ay naging Pastor at ganun din si Kaye. Pareho silang nagseserbisyo sa simbahan para sa Panginoon. Meron silang tatlong mga anak na puros lalaki at ito ay sina Ham, Shem, at Japhet. Ang tatlong mga anak nila ay ginamit ng Panginoon, si Ham ay ang Praise and Worship Leader sa kanilang simbahan. Si Shem naman ay ang naggigitara, at si Japhet ay ang Youth Leader sa kanilang simbahan. Sobrang daming biyaya ang ibinigay ng Dios sa kanilang buhay, nagkaroon sila ng naraming negosyo, masaya ang kanilang pamilya, at puros matatalino ang mga anak nina Kaye at Loi. Nagkaroon man ng maraming pagsubok, ngunit nalalampasan nila ang lahat sa tulong at awa ng Dios. Dahil hindi bibigyan ng problema ang tao kung alam ng Dios na hindi nito masosolusyonan. Lahat ay magagawa kung maniniwala ang tao na 'pag may Dios sa buhay, kahit ang pinakamahirap na bagay sa mundo, ay makakayang gawin at malampasan. Sa Diyos, lahat ng imposible ay nagiging posible. May problema man sa buhay, mawala man ang lahat na meron ka, basta't nananatili ang presensya ng Dios sa puso , lahat ng pighati at hinanakit ay mapapalitan ng tuwa, saya at kaligayahan, dahil sa presensya lamang ng Dios natin mararanasan ang tunay na kaligayahan, tunay na kalayaan, at tunay na tagumpay!
Comments