"PAGBALIK NG NAKARAAN" ni Melvic Jane A. Calizar
- HUMMS A

- Mar 17, 2018
- 2 min read
TAUHAN; CHARLENE (kaibigan)
ANTHONY; (kaibigan)
CHARON; (kaibigan ngunit nagging kaaway)
MITCH; (kaibigan ngunit nagging kaaway)
TAGAPAG SALAYSAY: Noong unang panahon may limang magkaibigan ang masayang nagkukwentohan sa tabi ng malaking puno.
UNANG TAGPO: (SA PUNO)
Charlene; Oy, ang saya naman dito......
Charon: Oo nga, wala masyadong ingay ang ating naririnig.
Bea: Sana ganito nalang tayo no magkaibigan parin?
Charlene: Basta walang iwanan haaaa!!
Anthony: Oo naman walang iwanan......
TAGAPAG SALAYSAY: Masayang nagkukwentohan ang magkaibigan, di nila nakaligtaan na gabi na pala.
Bea: Oy, patay tayo dito gabi na baka pagalitan tayo?
Charon:Tara na nga!!!
Anthony:Hay nako, Malaki natayo no bakit pa kayo papagalitan??
Charlene: Para din ito sa ating kaligtasan Anthony no.
TAGAPAG SALAYSAY: Dumaan ang mga araw ang kanilang dalawang kaibigan ay hindi na masyadong suma-sama sa kanilang mga lakad.
IKALAWANG TAGPO: (SA PAARALAN)
Bea:Asan naba si Charon at Mitch??
Anthony:Di ko alam ehh, parang di na siya sumasama sa atin....
Charlene: (Malungkot) Ano ba ang nangyayari sa kanilang dalawa?
Bea: Ba't iba na sila ngayon?
TAGAPAG SALAYSAY: Kinausap ni Charlene ang dalawa niyang kaibigan na dinamasyadong nilang kasama sa kanilang lakad.
Charlene: (Kinausap) Bakit di na kayo sumasama sa aming lakad??
Mitch: Di ko na kayo gustong makasama pa muli, ayoko na sa inyo!!
Charon: (Galit na Galit) Ako rin sawang-sawa na ako sa inyong Tatlo!!
Charlene:Ano bang ginawa namin sa inyong dalawa ba't kayo nagkaganyan.
Mitch: Malaki!! At pinoputol ko na ang ating magkaibigan...
TAGAPAG SALAYSAY: Nakita ng dalawang kaibigan ni Charlene ang nangyari
Charlene: (Umiyak) Kung'yan ang gusto niyo sige wala na akong magagawa.
Anthony: (Galit) Charon anong pinagsasabi mo kaibigan ka namin hindi kaaway.
Charon: Buo na ang desisyon ko Anthony wala kanang magagawa pa!!!!
IKATLONG TAGPO: (SA PARKE)
TAGAPAG SALAYSAY:Doon nagtapos ang kanilang pagkakaibigan, dahil lang sa kamalian ng dalawa. Pero ang tatlo pang magkaibigan ay masaya na sa kanilang trabaho.
Anthony: Oy, mamasyal tayo bukas?
Charlene: Sige.....
Bea: Bisi ako ehh,marami paakung gagawi.
Charlene: Ahhh, alam ko na dyan nalang kami pupunta sa office mo, magdadala na lang kami ng magkain.
Anthony: Sige payag ako, wala naman akong gagawin ehh...
IKAAPAT NA TAGPO: (BUMALIK SILA SA PUNO KUNG SAAN SILA NAGKUKWENTOHAN)
TAGAPAG SALAYSAY: Nakaraan ang mga taon ang dalawa nilang kaibigan ay tumawag sa kanila, para humingi ng patawad sa kanilang nagawang kasalanan.
Charon: Sana patawarin niyo kami sa aming kasalanan sa inyong tatlo.
Mitch: Patawad na...??
Charlene: (Masaya) Oo naman, matagal ko na kayong pinatawad.
Anthony: Ako din, matagal na ko kayong pinatawad.
Bea: Pwede ba tayong mamasyal ulit, na magkaibigan??
Mitch: Oo. naman......
Charon: Saan ba tayo mamamasyal??
Charlene: Pumunta muna tayo sa lugar, kung saan tayo sumaya ang ating pagkakaibigan.
TAGAPAG SALAYSAY: Nabuo muli ang kanilang pagkakaibigan sa huling sandali ng kanilang buhay.Kahit na may kanya-kanyang trabaho at pamilya na sila pumapasyal parin sila.


Comments