top of page

"Pagbangong Muli" Ni: Leah Mae Graciosa Mejos

Writer's picture: HUMMS AHUMMS A

Makulimlim na ang kalangitan hudyat ng nagbabadyang uulan. Hapon na yaon ng mapansin ni Aling Nena ang kanyang anak sa isang sulok na nagmumukmok, tulala at halos di na nagsasalita, nag-aalala ni si Aling Nena sa mga ipinapakita ng anak, dahil sa hindi niya ito matiis ay lumapit ito sa kanyang anak sabay tanong, " Anak ko, ano bang nangyayari sayo", tanong niya. "Nay, hindi ko na kaya iniwan na niya ako", hagulhol na sagot ng kanyang anak. "Anong iyong ibig sabihin anak? Naghiwalay na kayo ni Kendrick?...Bakit naman? Shhhhh tahan na, sige ikwento mo sa akin kung anong nangyari sa inyong dalawa", sagot ni Aling Nena sa kanyang humahagulhol na anak sabay abot ng tubig. "Ganito kasi yun, inay", sagot ng kanyang anak pilit inaalala ang mga nangyari noon . Akala niya perpekto na ang lahat, akala niya sila na talaga hanggang sa huli, akala niya, talaga akala niya lang pala talaga yaon. Ilang taon na rin silang magkarelasyon ni Kendrick. Anak ng isang mayamang angkan si Kendrick. Luho sa lahat ng bagay, kung anong kanyang gusto eh makukuha niya ka-agad. Habang sa kabilang banda, si Leyang naman ay isang hamak na anak ng isang trabahante na nagtatrabaho sa Hacienda nina Kendrick. Unang sulyap pa lang ni Leyang kay Kendrick ay agad tumibok ang kanyang nanahimik na puso, ganun din naman si Kendrick sa kabilang banda. Nagkakilala ang dalawa dahil sa madalas na pagpunta ni Leyang sa kanilang hacienda upang tumulong sa kanyang inang trabahante sa haciends nina Kendrick. Hanggang sa isang araw ay nagtapat ng kanyang pag-ibig ang binata sa dalaga at ganun na din ang dalaga kaya sa araw ding yaon ay naging mag-irog ang dalawa. Masayang nagmamahalan ang dalawa. Alam ng mga pamilya nila at tanggap sila ng mga ito .

Naging matamis, matamis pas asukal ang kanilang pagmamahalan. Dumaan ang mga minuto, oras, ang mga araw, at maging ang mga taong nakalipas ay nanatiling matatag ang relasyon ng dalawa, alam nila ang kanilang mga limitasyon. Sa kabila ng pagiging matatag ay hindi nawawala ang pag-aaway ng isang magkarelasyon. Hanggang sa umabot na sa punto na palagi nalang silang nag-aaway kahit sa mga maliliit na mga bagay, gaya nalang nong isang araw. " San ka ba galing? Bakit ang tagal tagal mo?", singhal ni Kendrick sa kanyang nobya. "Nag-aaral pa ako, diba sabi ko naman sayo na susunod nalang ako?",mahinahon namang sagotni Leyang. " Bakit ba? Ano ba kasi ang mas importante sayo? Ang pag-aaral na iyan o ako", singhal ulit ni Kendrick sa kanyang nobya. "Bakit ba ang init ng ulo mo? Alam mo namang mahalaga sa akin ang pag-aaral diba? Kasi gusto kong maka-ahon sa buhay, gusto kong mai-ahon si inay sa kahirapan, palibhasa kasi, mayaman ka kaya mo yan sinasabi", nawawalang timping sagot ni Leyang. Hindi na nagawang sumagot ni Kendrick kay Leyang bagkus ay yinakap niya ito at humingi ng tawad sa inasal niya kanikanina lamang. Nag-aaway sila ngunit agad naman itong nalulutas. Hanggang umabot ang araw na kailangang umalis at pumunta sa ibang bansa si Kendrick upang maipatakbo ang kanilang negosyo na nasa ibang bansa nakabase, sa kadahilanang nagkasakit ng malubha ang kanyang ama. " Kailangan kong umalis", panimula ni Kendrick. " Alam ko nasabi na sa akin yan ni inay, pati na rin ng iyong mama", malungkot na tugon ni Leyang sa kanyang nobyo. " Wag malulungkot pangga, babalik ako, babalikan kita, itaga mo yan sa bato at teka may ibibigay ako sayo, ito ang kwintas na simbolo ng ating pagmamahalan", sabi ni Kendrick sabay ngiti at sabay haplos sa pisngi ng nobya. Ngiti na lamang ang tugon ng dalaga. Sa pag-alis ni Kendrick papuntang Paris ay baon nito ang pagmamahal na bigay sa kanya ng kanyang pinakamamahal. Sa una ay hindi naging madali para kay Leyang ang lahat araw gabi siyang nangungulila sa kanyang mahal kahit na may komunikasyon din naman kahit papaano ngunit kung minsan din ay hindi sila nakakapag-usap dahil sa kadahilanang sub-sob sa trabaho si Kendrick, imbis na magmukmok ay itinuon na lamang ni Leyang sa pag-aaral ang lahat, hanggang sa nakapagtapos siya sa pag-aaral.Naging matamis, matamis pas asukal ang kanilang pagmamahalan. Dumaan ang mga minuto, oras, ang mga araw, at maging ang mga taong nakalipas ay nanatiling matatag ang relasyon ng dalawa, alam nila ang kanilang mga limitasyon. Sa kabila ng pagiging matatag ay hindi nawawala ang pag-aaway ng isang magkarelasyon. Hanggang sa umabot na sa punto na palagi nalang silang nag-aaway kahit sa mga maliliit na mga bagay, gaya nalang nong isang araw. " San ka ba galing? Bakit ang tagal tagal mo?", singhal ni Kendrick sa kanyang nobya. "Nag-aaral pa ako, diba sabi ko naman sayo na susunod nalang ako?",mahinahon namang sagotni Leyang. " Bakit ba? Ano ba kasi ang mas importante sayo? Ang pag-aaral na iyan o ako", singhal ulit ni Kendrick sa kanyang nobya. "Bakit ba ang init ng ulo mo? Alam mo namang mahalaga sa akin ang pag-aaral diba? Kasi gusto kong maka-ahon sa buhay, gusto kong mai-ahon si inay sa kahirapan, palibhasa kasi, mayaman ka kaya mo yan sinasabi", nawawalang timping sagot ni Leyang. Hindi na nagawang sumagot ni Kendrick kay Leyang bagkus ay yinakap niya ito at humingi ng tawad sa inasal niya kanikanina lamang. Nag-aaway sila ngunit agad naman itong nalulutas. Hanggang umabot ang araw na kailangang umalis at pumunta sa ibang bansa si Kendrick upang maipatakbo ang kanilang negosyo na nasa ibang bansa nakabase, sa kadahilanang nagkasakit ng malubha ang kanyang ama. " Kailangan kong umalis", panimula ni Kendrick. " Alam ko nasabi na sa akin yan ni inay, pati na rin ng iyong mama", malungkot na tugon ni Leyang sa kanyang nobyo. " Wag malulungkot pangga, babalik ako, babalikan kita, itaga mo yan sa bato at teka may ibibigay ako sayo, ito ang kwintas na simbolo ng ating pagmamahalan", sabi ni Kendrick sabay ngiti at sabay haplos sa pisngi ng nobya. Ngiti na lamang ang tugon ng dalaga. Sa pag-alis ni Kendrick papuntang Paris ay baon nito ang pagmamahal na bigay sa kanya ng kanyang pinakamamahal. Sa una ay hindi naging madali para kay Leyang ang lahat araw gabi siyang nangungulila sa kanyang mahal kahit na may komunikasyon din naman kahit papaano ngunit kung minsan din ay hindi sila nakakapag-usap dahil sa kadahilanang sub-sob sa trabaho si Kendrick, imbis na magmukmok ay itinuon na lamang ni Leyang sa pag-aaral ang lahat, hanggang sa nakapagtapos siya sa pag-aaral.

Nakalipas ang ilang taon ay hindi parin umuuwi si Kendrick dahil dito ay napag-isipang sumunod ni Leyang sa Paris. Hindi niya ipinaalam sa kanyang nobyo na pupunta siya ng Paris para sana ay sorpresahin si Kendrick ngunit siya yata ang nasorpresa dahil pagdating na pagdating niya sa tirahan ni Kendrick ay sumalubong sa kanya ang babae ni Kendrick, napako siya sa kanyang kintatayuan at kusang naguunahan sa pagpatak ang kanyang mga luha at walang nagawa kung di ang umalis sa harapan nila, ngunit hindi niya alam na sinundan pala siya ni Kendrick. "Leyanngg!!",sigaw niya. Agad namang sinalubong ng matunog na sampal ang mukha ni Kendrick. "Ano to Kendrick? Bakit? Bakit? Hindi mo na ba ako mahal? Anong nangyari? San ako nagkulang?", humahagulhol na sabi ni Leyang. "Pasensya na, pero hindi, bigla nalang nawala, bigla nalang nawala ang pagmamahal ko sayo, Patawad", sagot ni Kendrick. "Hindi ko alam, pero sige, yan ang gusto mo diba?, Sige pagbibigyan kita", kalma at parang ano mang oras ay mahihimatay na sagot ni Leyang sa kanya sabay alis sa harapan niya. Nasaktan ng husto at sa mga oras na yon ay gusto niyang magmura, manira at mamatay na lamang, sa gabii ring yaon ay napagdesisyonan niyang umuwi sa Pilipinas. " Ginawa niya sayo yon anak?", sabi ng kanyang ina matapos marinig ang kwento ng kanyang anak. "Opo, inay, Hindi ko alam kung san ako nagkulang, akala ko kami na talaga, akala..... Hindi na niya natapos ang kanyang sinasabi dahil sa napahagulhol nalang siya ng iyak. "Anak, alam mo may rason ang lahat, alam ko na masakit , at alam ko na hindi madaling tanggapin sa tagal niyo ba naman eh napakahirap naman talaga, pero hayaan mo balang araw maghihilom din yang sugat na nakaukit na sa iyong puso, sa ngayon dapat kang tumayo at ipakita at patunayan sa kanya na di siya kawalan, tuonan mo ng pansin yung mga tunay na mga taong nagmamahal sayo, mahal kita anak", sabi ng kanyang ina. "Salamat inay, Mahal din po kita", sagot niya. Dahil sa pangaral ng kanyang ina ay napa-isip siya na tama ang kanyang ina, hindi lamang si Kendrick ang lalaki sa mundo at hindi siya dapat magmukmok bagkus ay dapat siyang bumangon at ipakita at patunayan kay Kendrick na kaya niyang tumayo sa kanyang sariling paa na hindi nagdedepende sa kanya. Kaya isinumpa niya sa kanyang sarili na hinding hindi na siya i-iyak at babangon siyang muli para sa kanyang sarili at para na rin sa kanyang pamilya.

106 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


© 2023 by Christine Jay Ancog Proudly created with Wix.com

bottom of page