top of page

"Pagsisisi" ni Jairah Yu

  • Writer: HUMMS A
    HUMMS A
  • Mar 16, 2018
  • 4 min read

Lunes ng umaga, naghanda na si Kate upang pumunta sa paaralan habang ang kaniyang ama naman ay abala sa paghahanda ng kanilang almusal.

Kardo: Anak, halikana mag almusal kana dito.

Kate: Opo pa, papunta na po ako diyan.

(Pagkatapos nang kumain)

Kardo: Nak, gusto mo ihatid nakita sa paaralan niyo?

Kate: Huwag na po Pa, malaki na po ako,huwag na po kayo mag abala pa.

Kardo: O siya sige, mag ingat ka ha. Mauna na ako sa'yo

Kate: Opo sige pa

(Nang nakaalisnaangkanyangama)

Kate: Nakakainis talaga si papa. Nakakahiya kaya kapag nakita siya ng mga kaklase ko, baka ano pang sabihin nila sa akin.

“Sa eskwelahan”

Kaklase 1: Uy halinga kayo, may sasabihin ako sa inyo.

Kaklase 2 at 3: (lumapit)

Kaklase 2: Oh bakit? Ano ba iyang sasabihin mo?

Kaklase 1: Alam niyo ba nakita ko kahapon si Kate, may kasama siyang isang lalaki na parang pilay kung maglakad tapos‘yong kanang mata nito ay palaging nakapikit at hinala ko ama niya 'yon kasi narinig kung tinawag niyang 'Papa' 'yong lalaki.

Kaklase 3: Talaga? Ew, ang kadiri naman ng papa niya.

Kaklase 2: Kaya pala kadiri rin siya tingnan, nagmana pala sa kaniyang ama.

Kaklase 1,2,3 : (nagtawanan)

Kaklase 3: Kailangan malaman din itong iba pa nating kaklase.

Kaklse 2: Oo nga!

Kaklase 1: Sige, sabihin natin sa kanila, hindi pa naman dumating si Kate.

Kaklase2: (tinatawag ang kanilang mga kaklase) Uy makinig kayo may sasabihin kami sa inyo.

Kaklase 1: Alam niyo ba ang papa ni Kate ay nakakadiri. Isang mata lang ang nakadilat 'yong isa palagi lang nakapikit.

Mgakaklase: (nagsitawanan) Ha!ha!ha!ha!

Kaklase 3: Tapos meron pa, parang pilay daw siya kung maglakad. Paano nga siya maglakad? (tanong niya kay kaklase 1)

Kaklase 1: (Ginaya kung paano maglakad ang ama ni Kate)

Kate: (Pumasok na sa silid-aralan at nakita ang ginagawa ni kaklase 1)

Kaklase 2: Uy! Si Kate oh (bulong kay kaklase 1)

Kaklase 3: (sumigaw) Nandiyan na ang anak ng pilay at bulag. (sabayturokay Kate)

Mgakaklase: (Pinagtawan an si Kate at paulit-ulit na sinasabi sa kanya "Anak ng pilay tapos bulag pa")

Kate: (napaiyak at lumabas sa silid)

Nagdaan ang ilang mga araw at palagi pa ring piangtatawanan at kinukutya si Kate ng kanyang mga kaklase.Minsan nga ay binabato siya ng mga papel at basura, sinusulatan din ang kanyang lamesa, at minsan din ay tinutulak at tinatabig siya sa gitna ng daan. At ng isang araw ay di na niya nakayanan ang mga ginagawang panglalait at maling pagtrato ng kanyang mga kaklase sa kanya.

Kate: Bakit ako pa? bakit ba ayaw nila akong tigilan? Hindi ko naman kasalan na magkaroon ng isang ama na may polio at walang isang mata. Sana di nalang ako nagkaroon ng ama na katulad niya, hindi sana ako magkakaganito ngayon. Pagod na ako. Ayaw na nila akong tigilan kaya ako nalang ang tatapos nito. (sinasabi niya sa kanyang sarili habang paakyat saikatlong palapag ng kanilang paaralan)

Kate: Ayoko na, hindi ko na kaya! Alam kong hindi nila ako titigilan hanggat buhay pa ako,kaya’t ako na mismo ang magwawakas nito. (sigaw niya bago siya tumalon)

“Sa ospital”

Kardo: Dok, kamusta na po anak ko?

Doktor: Sa totoo lang muntik na talagang mamatay ang anak niyo mister, buti nalang at agad siyang naihatid dito sa ospital pero sa ngayon ay nasa “state of semicoma” ho ang anak niyo at hindi pa ho tayo sigurado kung kalian siya magkakamalay muli tanging ang makina lang ang sumusuporta sa kanya sa ngayon.

Kardo: Matagal-tagal pa po ba siyang magkakamalay muli Dok? Gaano po ba katagal?

Doctor: Ang “semi-coma” ay nagtatagal ng lima hanggang anim na buwan ho bago niya maibalik ang kaniyang malay.

Kardo: Ganon po ba Dok? Sige po, maraming salamat po.

Nagdaan ang ilang mga araw at gabi, isang buwan hanggang sa ikaanim na buwan. Anim na buwan ang lumipas bago tuluyang nagkamalay muli si Kate.

Kate: (hinay-hinay na idinilat ang mga mata at inaninag ang paligid, at napansin na wala ang kanyang ama, tanging ang tiya Ebet niya lamang ang nasa tabi)

Tiya Ebet: (napansin na gising na si Kate) Ayy! Salamat sa Diyos at gising kana Kate. Tika lang, tatawagin ko muna ang doktor.

Tiya Ebet: (bumalik na) Kamusta na ang pakiramdam mo Kate?

Kate: Papa… asan na po si papa? Bakit wala po si papa dito, tiya? Nasaan na po siya?

TiyaEbet: (napaluha) Patawad Kate di mo na naabutan ang ama mo at nauna na siya sayo. Mag iisang buwan na din pagkatapos ng nakaraang libing ng ama mo. Sa mga nakaraang buwan kasi nagtrabaho ng maigi ang papa mo para mabayaran ang mga gastusin dito sa ospital, pinasukan niya kahit anong trabaho at isa na dun ang pagiging trabahador sa konstruksyon. Isang gabi ay sa di inaasahang pangyayari biglang gumuho ang mga bloke ngsemintosatrinatrabahoanngamamo at ang papa mo ay isa sa mga nasawi sa nangyari, n anaging dahilan ng pagkawala ng papa mo.

Kate: (hindi makapaniwala sa sinabi ng kanyang tiya) Di po totoo ’yan tiya. Alam ko nandiyan pa si papa. Papa! Gising na po ako, asan na po kayo? Tiya pakitawag po kay papa, sabihin niyo po gising na ako, sige na po tiya. (maluha-luhang sabi ni Kate)

TiyaEbet: Pasensiya na talaga Kate. Hindi rin naming ginusto ang sinapit niya.

Kate: (labis na naghinagpis) Pa, bakit niyo po ako iniwan? Ikaw na nga lang ang natitirang magulang ko pero sumunod kaagad kayo kay mama. Pa, patawarin niyo po ako sa mga pagkakamali ko at pagiging isang hindi mabuting anak, patawad po at ikinahiya ko po kayo at hindi man lang pinaglaban sa kanila, patawarin niyo po ako Pa na naging duwag ako.

Lumipas ang mga araw at natanggap narin ni Kate ang pagkawala ng kaniyang ama.

Kate: Ipinapangako ko po sa inyo Pa at Ma, at sa aking sarili na tutuparin ko lahat ng pangarap niyo para sa akin at hinding-hindiko po pababayaan ang aking sarili, dahil papahalagahan ko na po ang buhay ko gaya ng pagpapahalaga niyo po sa akin.

-WAKAS-

Recent Posts

See All

Comments


© 2023 by Christine Jay Ancog Proudly created with Wix.com

bottom of page